Part 5

16.2K 457 18
                                    


DAY OFF ni Melissa kinabukasan pero maaga pa rin siya gumising. Pagdating kasi sa bahay ay may iba at mas importante siyang role na ginagampanan; Bilang isang ina sa dalawa niyang anak na parehong morning session ang mga klase sa school.

Twenty years old siya nang mag-asawa. Simple pero masaya ang naging buhay niya sa piling ni Jessie na mas matanda sa kaniya ng limang taon at isang empleyado sa munisipyo. Mabait at mapagmahal na asawa si Jessie. Sa loob ng halos isang dekadang marriage nila bilang lang sa mga daliri niya sa mga kamay ang pagkakataong nag-away sila. Kaya bukod sa paminsan-minsang nagigipit sila financially at ilang pagkakataon na nagkasakit ang mga bata at kailangan dalhin sa ospital, wala silang naging major problem bilang mag-asawa. Palagi pa nga niyang naiisip na masuwerte siyang si Jessie ang napili niyang makasama habambuhay.

Pero four years ago, nagulo ang tahimik nilang buhay nang atakehin sa puso si Jessie at kalaunan ay mamatay. Biglaan ang nangyari. Ni hindi nga nila alam na may sakit pala ito. Tumigil ang mundo niya at gusto lang niya mapag-isa at umiyak ng umiyak. Pakiramdam ni Melissa nang mga sandaling iyon gusto na rin niyang mamatay kasi hindi niya alam kung paano uusad sa buhay na wala na ang asawa. Pero natutunan niya sa nangyaring iyon na kahit ano pang gawin niya, hindi hihinto ang oras dahil lang nagluluksa siya. Na hindi rin siya puwede magpakalunod sa lungkot kasi may mga anak siyang nakadepende sa kaniya.

Hindi naging madali pero nakaya ni Melissa ibalik sa normal ang buhay niya. Salamat sa suporta ng pamilya niya at sa sayang idinudulot sa kaniya ng mga anak na sina Maja at Robby. Totoo na hanggang ngayon may pagkakataong may kurot pa rin sa puso kapag naalala niya si Jessie. Pero hindi na siya naiiyak ngayon at nakakaya nang balikan ang memories ng dating asawa na may ngiti sa kanyang mga labi.

"Mommy, hindi po ba talaga ako puwede mag social media everyday? Kahit two hours a day lang mommy please," pangungulit ng panganay niyang si Maja.

Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Melissa. Inalis niya ang tingin sa nilulutong sinangag at nilingon ang dalagita na nakaupo sa dining chair paharap sa kaniya. Nakasuot pa ito ng pantulog at magulo pa ang buhok. Hindi pa rin nito ginagalaw ang mainit na gatas na itinimpla niya para rito. "Maja. Nag-usap na tayo tungkol diyan 'di ba? Weekend lang at kapag bakasyon ang usapan natin."

"Alam ko naman, mommy. Kaso nahuhuli po ako sa balita sa school. Lahat sila updated sa mga nangyayari sa social media. Tapos ako po, hindi. Hindi na nga po ako nagdadala ng gadget sa school na katulad ng mga classmate ko."

Hindi sumagot si Melissa at humarap na uli sa niluluto. Hinalo-halo niya iyon bago pinatay ang apoy. Pagkatapos nag prito naman siya ng mga itlog at hotdog.

"Mommy naman. Sige na po. I promise tatapusin ko muna lahat ng assignments ko at mag-aaral akong mabuti bago ako magbukas ng twitter, facebook at instagram. Hindi ko alam ang nangyayari sa Golden Child kasi hindi ako nagbubukas ng social media," ungot na naman ni Maja.

Hinarap niya ang anak at namaywang. "Ayan ang totoong rason kaya nangungulit ka. Kpop. Wala namang mawawala sa idols mo kung hindi ka updated sa kanila araw-araw."

"Pero sa akin may nawawala, mommy. Gusto ko sila nakikita everyday. They make me happy. Saka good influence naman po sila. Talented at super funny. Itanong mo pa kay tita. Siya ang nagpakilala sa akin sa Golden Child."

Hindi sumagot si Melissa. Tumayo si Maja at kumapit sa braso niya. "Mommy, sige na. Love mo rin naman sila, 'di ba? Nakikinood ka rin naman sa amin ni tita at sabi mo cute at lovable sila."

"Oo nga," sagot niya kasi iyon naman talaga ang totoo. Hindi siya kasing hilig ng ate at anak niya sa mga kpop idol pero totoo na gusto niya ang paboritong grupo ni Maja. Sumisipa ang maternal instinct niya kapag nasisilip niya ang videos na pinapanood ng mag tiyahin sa malaking TV na nasa sala nila. "Pero ayoko na masyado kang mahumaling sa kanila. Nakita mo kung anong nangyari sa tita mo nang maghiwalay ang paborito niyang kpop group? Isang linggo siyang nag luksa at umiyak ng umiyak. Hanggang ngayon nga nakikita ko siyang tumititig sa mga poster o nagre-replay ng mga palabas at bigla na lang nag e-emote."

"What is love without the risk of getting hurt, mommy?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Saan mo natutunan 'yan?"

Ngumisi si Maja. "Kay tita Arci. Palagi niya 'yon sinasabi kapag iniiyakan niya ang Wanna One. Basta mommy, please payagan mo na po kasi akong mag internet everyday. Two hours lang, please? Gagalingan ko pa sa school lalo, mommy. Promise."

Bumuntong hininga si Melissa at ibinalik na ang atensiyon sa nilulutong almusal. "Pag-iisipan ko. Gisingin mo na nga lang ang kapatid mo. Saglit na lang makakapag-almusal na kayo. At imbes na kinukulit mo ako dapat naligo ka na para hindi na kayo mag-a-away kung sino mauuna sa banyo."

"Pag-isipan mo po, mommy ha? I love you!" Pagkatapos siya halikan sa pisngi ay tumakbo na papasok sa kuwarto nilang mag-iina si Maja. Napailing na naman si Melissa at tinapos na lang ang pagluluto.

Bandang alas sais ng umaga ay taranta na siyang matapos ang pagbibihis ng bunsong si Robby kasi bumubusina na ang service nito mula sa labas ng bahay. Pagkatapos nag double check siya kung nasa bag nito ang lahat ng notebooks at libro na kailangan nito at na hindi matatapon ang laman ng lunch box na hinanda niya para rito. Nang masiguro na okay na ang lahat ay hinatid na niya sa labas ang bunso niya.

Bago sumakay sa service ay tumalungko muna si Melissa sa harap ng anak at nakangiting hinaplos ang magkabilang pisngi nito. "Bye na, baby. Aral ka mabuti ha? Sasama ako magsundo sa 'yo mamaya kasi wala akong work. Magiging okay ka sa school?"

"Siyempre naman po, mommy."

Ngumiti siya at hinalikan ito sa lips bago tumayo at tinulungan ito makasakay sa service. Nanatili siyang nakatayo roon hanggang lumiko ang sasakyan at mawala na iyon sa kanyang paningin. Saka bumalik sa loob ng bahay si Melissa at kinulit naman si Maja na bilisan na rin ang pag-aayos para hindi ito ma-late sa school.

"Mommy, isang tricycle lang naman mula rito ang high school," sagot ng dalagita na busy pa rin sa paglalagay ng lip gloss.

Bumuka ang bibig niya at handa na manermon nang biglang bumukas ang pinto sa kuwarto ni ate Arci, mukhang kanina pa gising. "Maja Paredes! Malapit na ma-stress ang mommy mo ang aga pa. Pumasok ka na sa school ngayon na!"

Tumalima si Maja. Binitbit ang bag at mabilis na humalik sa tiyahin at pagkatapos sa kaniya. "Bye mommy. I love you!" Pagkatapos patakbo na itong lumabas ng bahay.

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon