Part 13

13.7K 442 9
                                    


Natigilan si Dominic at napatitig sa kaniya. Bigla tuloy siya kinabahan at uminit na naman ang mukha kasi feeling niya sumobra siya sa pagtatanong niya. Babawiin na sana niya ang sinabi nang magsalita ang boss niya. "Hindi lang kita secretary." Napakurap si Melissa nang humakbang palapit ang binata, hinawakan ang isang kamay niya at inilagay doon ang credit card. "I consider you as my friend too. At kung nakilala mo ako kahit kaunti lang sa loob ng ilang linggong palagi ka nasa tabi ko, alam mo dapat na hindi ko basta binibigay ang tiwala ko sa isang tao, Melissa."

Hindi siya nakakibo kasi napansin nga niya iyon. Palangiti, carefree at social butterfly sa unang tingin si Dominic Roman. Para nga kasi itong magnet na palaging nilalapitan at gusto kaibiganin ng mga tao. Pero napansin niya na kahit ineentertain nito lahat, mataas pa rin ang depensa nito at hindi basta tinatanggap ang 'friendship' na inaalok ng mga lumalapit dito. Kung tama rin ang hinala niya, bukod sa pinsan nitong si Gabby ay talagang sina Dean at Gray lang ang totoong kaibigan nito.

Pagkatapos ngayon bigla nitong sasabihin sa kaniya na kaibigan din ang turing nito sa kaniya at hindi lang secretary? Lumambot tuloy ang puso ni Melissa at napabuntong hininga. Napangiti si Dominic, alam na nanalo na ito sa argumento at humakbang paatras. "You should go now. Dadaanan kita sa salon after one hour. Kailangan mauna tayo sa club bago ang mga bisita kasi tayo ang sasalubong sa kanila, remember?"

Napabuntong hininga na naman siya pero humigpit na ang hawak sa credit card nito. "Fine."

Lumawak ang ngiti ni Dominic. Napailing na lang si Melissa at saka tuluyang tumalikod at lumabas ng opisina.

ALAS SIYETE ng gabi, nakapagbihis na si Melissa at natapos na rin ang hair and make-up niya. Nagkataon na naroon si Ellie, ang forty years old na may-ari ng salon. Totoo nga na kaibigan nito si Dominic Roman at nang malaman na pinapunta siya roon ng binata ay si Ellie mismo ang nag-ayos sa kaniya.

Habang nakatayo siya sa harap ng salamin at nakatitig sa over-all look niya, narealize ni Melissa na kailangan niya magpasalamat sa boss niya kasi nakumbinsi siya nito magpaayos imbes na mag sariling sikap. Ang elegante ng pagkaka-french twist ng buhok niya na may ilang hiblang sinadyang makatakas para hindi magmukhang masyadong pormal. Bumagay ang hairstyle na iyon sa backless dress niya at na-emphasize ang mahaba niyang leeg at slim na figure. Maganda rin ng pagkaka-make up sa kaniya, parang natural na glowing ang mukha niya. Natural make-up daw pero isang oras na kung anu-ano ang ipinahid sa kaniya bago natapos.

"Ang ganda mo, sweetie!" patiling sabi ni Ellie, proud na proud sa creation nito.

Napangiti si Mellisa at inalis na ang tingin sa salamin. "Salamat ho sa inyo."

"No problem. Madali ka naman ayusan kasi natural ka nang maganda."

Nagpasalamat na lang siya uli para sa compliment na iyon at inabot ang credit card na pinahiram ng boss niya para magbayad. Katatapos lang niya kunin ang resibo nang tumawag sa cellphone niya si Dominic. Tinatanong kung ready na siya.

"Yes sir. Aalis na tayo?"

"Yup. Nandito na ako –" Biglang huminto sa pagsasalita sa kabilang linya ang binata kasabay nang pagtunog ng maliit na bell sa entrada ng salon bilang tanda na may nagbukas ng pinto. Lumingon si Melissa. Ang boss nga niya ang pumasok, fresh at guwapong guwapo pa rin kahit two hours ago pa ito nabihis. This time pinatungan nito ang puting polo ng black leather blazer kaya na-tone down din ang pagka-pormal ng outfit nito. He looks more than ready to steal and break hearts tonight.

Uminit ang mukha ni Melissa at pinigilan ang urge na humalukipkip o magtago nang marealize na marahan din siyang pinapasadahan ng tingin ni Dominic mula uli hanggang paa. Parang hindi yata nito alam kung ano ang magiging reaksiyon kasi hindi niya mabasa ang facial expression nito. Pero nang bumalik sa mukha niya ang atensiyon nito at magtama ang kanilang mga paningin ay parang may lumamutak sa sikmura niya. Ang intense ng emosyong nakita niyang kumislap sa mga mata nito. May humagod tuloy na magkahalong kilabot at kiliti sa buong katawa niya; mga sensasyong ngayon lang uli niya naramdaman.

"Dominic, hi!" masiglang bati ni Ellie. Sabay na napakurap si Melissa at ang binata. Naputol ang eye contact nila nang lumingon ang boss niya sa may-ari ng salon. Saka lang nito ibinaba ang hawak na cellphone at nakangiting sinalubong ang may-edad na babae para bumeso.

Pasimpleng napabuga siya ng hangin at noon lang narealize na pigil pala niya ang hininga kaninang magkalapat ang kanilang mga paningin. Sandaling kinalma niya ang sarili bago humakbang palapit sa kanyang boss.

"Aalis na tayo, sir?"

Sinulyapan siya ni Dominic, wala na ang intensidad na nakita niya sa mga mata nito kanina at kaswal na ngumiti. "Yes. Kanina pa tawag ng tawag sa akin ang manager ng club."

"Isn't she beautiful, 'Nic? I did a good job, right? And the dress she brought is perfect for her," sabi ni Ellie, halatang hinihintay na purihin siya ng binata.

"Yes, she is," magaan na sagot ng boss niya pero sa may-ari ng salon nakatingin. Na caught off guard si Ellie, napansin na napilitan lang magbitaw ng compliment ang binata. Contrasting sa nakita niya sa titig nito kanina. Apologetic na sinulyapan siya ng may-edad na babae kaya uminit ang mukha ni Melissa at tumikhim.

"Kukunin ko lang ang gamit ko, sir."

"Yeah. Do that. Hihintayin kita sa kotse," sagot ni Dominic na kahit bumaling na sa kaniya at halatang ayaw salubungin ang tingin niya. Tumalikod na siya para kunin ang shoulder bag at paperbag na pinaglagyan niya ng hinubad na damit at sapatos. Narinig pa niya ang boses ni Ellie na para bang may binubulong na kung ano sa boss niya. Hindi nga lang niya naintindihan kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Pagkatapos pagbalik niya wala na si Dominic sa loob ng salon at ang may-ari na lang ang naghihintay sa kaniya malapit sa pinto.

"Aalis na ako. Salamat sa pagpapaganda sa akin, Ellie," nakangiting paalam niya.

Gumanti ng ngiti ang may-edad na babae at tumango. Sandali nitong pinagmasdan ang mukha niya, umangat ang mga kamay at pinisil ang magkabilang braso niya. "Can I ask for a favor?"

"Ano po iyon?"

"Bago matapos ang party o bago kayo maghiwalay, make sure he gives you the compliment you deserve tonight."

Napanganga si Melissa pero bago pa siya makasagot ay nakarinig na sila ng busina mula sa labas ng salon. Napasulyap siya at nakita niyang nasa tapat na pala ng establishment ang kotse ni Dominic.

"Go now. Enjoy the party."

Bumalik ang atensiyon niya sa mukha ni Ellie, nagpasalamat sa huling pagkakataon at saka nagmamadaling lumabas ng salon. Lumapit siya sa kotse ni Dominic, binuksan ang pinto ng passenger's seat at apologetic na nginitian ang boss niya bago pumasok sa loob. "Sorry, late na ba tayo?"

"Not really. It's fine. Wear your seatbelt," sagot ng binata na pinaandar na ang sasakyan. Deretso ang tingin nito sa kalsada at mas tahimik kaysa normal. Parang tensiyonado rin ito masyado kasi napapansin niyang humihigpit ang hawak nito sa manibela.

"Okay ka lang sir?" hindi nakatiis na tanong ni Melissa.

Saka lang ito sumulyap sa kaniya pero sandali lang. "Of course. Bakit mo naman naitanong?"

"Wala naman. Ang tahimik mo lang kasi bigla."

"I'm okay," tipid na sagot nito. Tumango na lang si Melissa at napatitig sa side profile ni Dominic. Hindi niya naiwasan mag-alala sa biglang pagbabago ng attitude nito. Pero naisip niya na baka pre-occupied lang ito sa gaganaping soft opening ng club nito. Kaya hindi na lang din siya kumibo.

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon