Part 34

12.8K 391 2
                                    


HINDI nagkaroon ng pagkakataon sina Dominic at Melissa na ilihim ang 'relasyon' nila sa trabaho. Sinubukan nila pero masyado yata silang halata kasi dalawang araw lang kalat na sa buong Slade House ang tungkol sa kanila. Noong una akala niya marami siyang maririnig na pagtutol o hindi magandang tsismis pero mali siya. Katunayan bukod sa pagre-resign ni Clara ay suportado ng mga empleyado roon ang relasyon nila ng binata.

Pero kahit alam na Slade House na may relasyon sila ay sinisiguro pa rin nina Dominic at Melissa na ginagawa nila ng maayos at professional ang trabaho nila. May mga pagkakataon lang talaga na masyadong matindi ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa at hindi sila nakakatiis pareho. Kapag tinawag na siya nito sa loob ng opisina nito, sumisikdo na ang puso niya. Nahihimigan kasi niya sa tono nito kapag talagang trabaho ang dahilan ng pagtawag nito o hindi. Bukod sa kapag ang huli ang rason pagpasok pa lang niya at pagkasara ng pinto ay pumapaikot na ang mga braso nito sa baywang niya at nakangiti siyang hinahalikan sa mga labi. Pagkatapos ilang minuto silang magyayakap lang at magbubulungan at kapag lumabas siya uli ng opisina ay parang lumulutang ang mga paa niya sa ulap.

Sa ikalimang araw mula nang makabalik sila ng Pilipinas nagulat si Melissa kasi sinundo siya sa bahay ni Dominic. Para raw sabay silang pumasok sa trabaho. Dumating ito ilang minuto lang pagkatapos umalis ng mga anak niya para pumasok sa school. Handa na nga rin siya para bumiyahe.

Kinilig siya sa surprise na iyon pero nag worry din siya kasi malayo ang naging biyahe nito. Inakbayan siya nito, hinalikan sa gilid ng mga labi bago sumagot, "Walang problema sa akin ang layo ng biyahe kasi excited akong makita ka. Sayang lang kasi tuloy pa pala ang papa mo. Next time bibisita ako sa oras na gising siya."

Matamis na napangiti si Melissa at pagkatapos magpaalam sa ina ay sumakay na sila sa kotse ni Dominic. Masaya at magaan ang takbo ng usapan nilang dalawa habang bumibiyahe. Good mood pa rin sila pareho at nagtatawanan pa nga nang dumating sila sa Slade House.

Pero nawala ang tawa at ngiti ni Dominic at naging tensiyonado nang ihinto nito ang kotse sa tapat ng Slade House. Napakurap si Melissa. "Bakit?"

Tumiim ang bagang ng binata, may tinitingnan sa labas. Napasilip din tuloy siya sa bintana ng kotse at natigilan nang makita ang apat na sasakyang nakaparada sa parking space ng Slade House na noon lang niya nakita. May palagay din siya na hindi customer o empleyado ang may-ari ng mga iyon kasi nakatayo sa tabi ng dalawang itim na BMW ang apat na lalaking nakasuot ng itim na slacks, puting barong at may dark sunglasses. Mukhang mga bodyguard ng kung sino.

"Mel, gusto mo bang mag stay muna sa coffee shop na malapit dito?" biglang tanong ni Dominic sa seryosong tono. Napunta tuloy sa mukha nito ang atensiyon niya. Kinabahan siya nang makitang nawala na ang kislap ng saya sa mga mata nito.

"May problema ba?" worried na tanong niya.

Huminga ito ng malalim at humigpit ang hawak sa manibela. "May bisita ako sa loob."

Ilang segundong napatitig si Melissa sa mga mata ni Dominic bago napaderetso ng upo at naintindihan ang sitwasyon. "Ang tatay mo?"

Mariing tumikom ang bibig ng binata at tumango. Napasulyap uli siya sa labas at nanlamig nang makitang nakatingin na sa kanila ang apat na lalaki at parang may sinasabi sa kung anong maliit na device na nakapasak sa tainga ng mga ito. "Bakit may bodyguards siya?"

"Dahil halos isang dekada siyang naging mayor at isang termino pa ngang naging gobernador sa lalawigan namin. Tatlong taon na siyang retirado pero powerful pa rin siya at may impluwensiya sa mga politiko sa lugar namin," sagot ni Dominic.

Napanganga si Melissa at napaatras sa sobrang pagkamangha. "Politiko ang tatay mo?"

Mapait na ngumiti ang boyfriend niya. "Yeah. Kaya masyado siyang bilib sa sarili niya at masyadong mataas ang expectations niya sa akin. Sinabi ko na sa 'yo na isa sa rason kaya tayo pumunta ng Singapore kasi tinatakasan ko siya 'di ba? Birthday niya last week at hindi ako pumunta dahil puro mga kurakot na politiko at kung sino-sino pa ang bisita niya. Kaya naman pala hindi siya nagparamdam sa nakaraang mga araw kasi pupuntahan niya ako."

Bumuka ang bibig ni Melissa pero hindi natuloy ang tangkang pagsasalita at napaigtad nang may kumatok sa bintana na nasa side ni Dominic. Nakalapit na pala sa kotse nila ang bodyguard ng tatay ng binata na frustrated na bumuntong hininga. "Ayokong madamay ka sa tension namin ng tatay ko. Mas lalong ayoko na may marinig kang hindi maganda mula sa kaniya kapag nalaman niya na ikaw ang babaeng mahal ko."

"Kaya gusto mo akong mag stay sa coffee shop habang nasa Slade House ang tatay mo?"

Tumango si Dominic. Tinitigan niya ito. "No," sagot niya makalipas ang ilang segundo. Napakurap ang binata at halatang nagulat. Ngumiti siya at ikinulong sa mga palad ang mukha nito. "Hinarap mo ng maayos ang pamilya ko kaya haharapin ko rin ng maayos ang tatay mo. Hindi ako magtatago."

"Mel, iba ang pamilya mo sa tatay ko. I told you he's –"

"Dominic," malumanay na putol niya sa sasabihin nito. "I want to meet him. Kahit na ano pa siyang klase ng tao, siya pa rin ang magulang mo. Kung ano man ang sasabihin niya o kung masasaktan man niya ako, maha-handle ko iyon. Trust me, okay?"

Ilang segundong napatitig lang ito sa mga mata niya bago unti-unting nabawasan ang tensiyon nito at bumuntong hininga. "Okay."

Napangiti si Melissa at hindi nakatiis na hinalikan ang mga labi ni Dominic. Pagkatapos inilayo niya ang mukha rito, masuyong pinahid ang lipstick niyang dumikit sa lips nito at malambing na sinabing, "Magiging okay ang lahat kaya kalma lang tayo ha? Bawal sumigaw at magalit ng husto, okay?"

Umangat ang gilid ng mga labi ni Dominic at tuluyang nawala ang tensiyon. "I will try," sagot nito.

Kumatokna naman ang bodyguard sa bintana, mas malakas kaysa kanina. Mariing pumikitang binata at huminga ng malalim, halatang kinokontrol ang inis. Pinisil niMelissa ang isang kamay nito at mukhang nakatulong iyon kahit papaano. Kasinang dumilat si Dominic kalmado at determinado na ang mga mata nito. Sandali pabumaba na sila ng kotse at pumasok sa loob ng Slade House.

THE ASSISTANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon