Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilalaIlang ulit nang nakabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala ~Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig na tunog ng piano at malamig na boses.
Napatingin ako sa paligid. Kasalukuyan ko palang tinatahak ang Music Room dito kung saan dito laging nagsasanay ang mga singers sa campus . Mayroon din kasi doon sa amin noong hayskul palang ako kaso kahit kailan di naman ako napasama doon kahit na maraming nagsasabing maganda ang boses ko. Ewan ko ba.
Nang tignan ko kung sino ang tumutugtog, nagulat ako nang makita ko siya. Ang lalaking nakabunggo ko kanina na hindi ko inaasahang kaklase ko din pala.
Nakalimutan ko na ang pangalan eh , ayy oo nga pala ni hindi nga pala niya sinabi sa akin kung ano ang pangalan niya.
Bawat araw sinusundan
Di ka naman tumitingin
Anong aking dapat gawinBakit kaya umiiwas
Binti ko ba'y mayrong gasgas
Nais ko lang magpakilala
Dito'y mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa'yo
Maaari na bang magpakilalaNapangiti ako. Kuhang-kuha niya ang ritmo ng awit at inaamin kong namangha ako sa lamig ng boses niyang napakasarap pagmasdan sa tenga.
Napapikit ako at hindi ko alam kung bakit maging ako'y napasabay na rin sa pag-awit.
Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Anong aking dapat gawinKailan
Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit anong aking gawin 'di mo pinapansin
Kailan
Kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit anong gawing lambing, 'di mo pa rin pansinNang idilat ko ang aking mga mata ay nagulat ako nang makita kong nakatingin na pala siya sa akin kaya naman agad akong naglakad paalis sa Music Room ngunit sinundan niya ako.
"Wait, wait.."
Sigaw niya. Napatigil ako sa paglalakad.
At pinakinggan ang napakalakas na tibok ng puso ko. Naku bakit ko naman kaya nararamdaman ito."Kumakanta ka din pala.. do you want to join?"
Napalingon ako at nakita ko na naman ang masayahin niyang mukha. I just smile back at him.
"Ay hindi . Napadaan lang ako , sige mauna na ako."
Wika ko saka na naglakad palayo sa kaniya.
Ewan ko ba. I feel uncomfortable kapag nakikita at nakakasama ko siya - and I just don't know why.
Subalit sa muli kong paghakbang , naramdaman ko ang isang malamig na kamay sa braso ko.
Muli akong napalingon.
At nagulat nang muli kong makita ang pagmumukha niya.
"May kailangan ka ba?"
Nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Iniiwasan mo ba ako? Pero bakit?"
Tanong niya sa akin. Napailing ako.
"Ha? Hindi ah , uuwi na kasi ako..."
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...