Kabanata 81: Investigation

35 0 0
                                    

-Belle-

"Omg. Bakit kailangang mangyari ito sa kaniya? At sino ang hayop na gumawa nito sa kaniya?"

Ani Wendy na halos maiyak na rin sa gulat nang makita ang walang malay na si Jasha na kasalukuyan nang pinagkakaguluhan ng mga tao ngayon. Mabuti na lang rin at dumating agad ang ambulance at dadalhin na siya ngayon sa ospital. In fact  , masyadong mahina ang naging connection ng internet kanina kaya medyo natagalan sila Cholo na ipagpatuloy ang process nang bigla naming mabalitaan ang nangyari sa lumang lab. Ayaw nga sana akong payagan ni Cholo na tumungo pa doon upang makibalita ngunit nagpumilit ako dahil wala namang nakapansin sa akin.

Nakakalungkot. Bakit kailangang mangyari pa sa kaniya ito. And it builds conclusion to me na hindi siya basta nahulog lang ng hagdan.

Paano kung may tumulak sa kaniya?

Mabuting tao si Jasha kaya malaking palaisipan kung paano nangyari sa kaniya ito.

"Love ,halika na. Ang mabuti pa umuwi na kayo sa Mansion at kami na ang bahalang tumungo sa hospital para kamustahin ang kalagayan ni Jasha."

Wika ni Cholo nang kasalukuyan nang maisilid ang walang malay na si Jasha sa loob ng ambulance. It breaks my heart na makita siya sa ganoong kalagayan at inaamin kong naaawa ako sa kaniya at mas bumigat ang sakit na nararamdaman ko.

"Cholo sasama ako , kahit naman kasi papaano naging kaibigan ko din si Jasha kaya gusto ko ding malaman kung ano ang maging kalagayan niya."

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Love , babalitaan ka naman namin eh tsaka wag ka nang makulit okay? Inaalala lang kita. Paano kung bigla kang makita ng mga tao doon at pagkaguluhan ka. Mas mabuti nang umuwi ka nalang sa Mansion para safe ka."

"P-pero Cholo--"

"Wendy , Zeny samahan nyo na si Belle sa Mansion. Kami na ang bahalang sumunod sa hospital. Wag ka ng makulit love , mag-iingat ka , mag-iingat kayo."

Hinalikan niya na lang ako sa noo saka na nagmadaling umalis kasama sina Ethan. Gustuhin ko mang sumama doon subalit totoo ngang kung makulit ako, mas makulit siya sa akin at wala na akong magagawa pa kundi ang sundin siya kahit na sobra akong nalungkot dahil sa gusto kong makita ang kalagayan ni Jasha. Pero tama naman siya eh , safety ko nga ang inaalala niya at baka kung tumuloy pa ako sa hospital , marami pa ang makakita sa akin.

Kasalukuyan na kaming nasa kotse subalit nanatili pa rin akong tulala habang iniisip ang nangyari. At hindi lamang si Jasha ang iniisip ko ngayon at ang nakakabiglang pangyayari sa kaniya , kundi si Lulu. Bigla na lang kasi siyang nagtext na sumakit ang ulo at ulo niya at nahilo siya kaya bigla nalang siyang umuwi . Pero hindi ba , nag-usap pa sila kanina ni Sam? Kaya nacucurious ako sa mga nangyayari.

At maging si Sam eh hindi ko na nakita pa pagkatapos niyon, hmm siguro hinatid niya lang si Lulu sa house kaya hindi na siya bumalik pa sa campus.

"Belle. Iniisip mo pa rin ba si Cholo?"

Saka lamang ako nabalik sa reyalidad nang magsalita si Zeny. Kaya naman naiangat ko ang mukha ko sa kaniya at muli, nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
Wala ng katapusang pag-aalala.

"Oo. Tsaka hindi lang siya yung iniisip ko. Madami. Hindi ko nga alam kung bakit kailangang magkasabay-sabay pa. Kung kailan inaalam na natin kung sino ang anonymous na nag-upload ng video , talagang dumagdag pa itong nangyari kay Jasha. Minsan iniisip ko tuloy kung sinadya na nang tadhana ang nangyayari kaya pati ang isip ko hindi na rin mabakante. Wendy , Zeny kilala nyo naman ako diba? At kagaya ni Lulu, hindi rin ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang totoo. At sa puntong ito, hindi lang ang viral vid ang inaalala ko kundi si Jasha , paano kung may mangyaring masama sa kaniya? Tiyak hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil nararamdaman kong may gusto siyang sabihin sa akin nang last time na magkita kaming dalawa."

LuluBelle -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon