-Lulu-
"C-cholo anak siya ng nagtangkang kumidnap sa isang anak nina Mom and Dad , and it was Belle. It means , ang nanay niya ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay. At ngayon lang nito inamin ang lahat!"
Buong kumpiyansa kong tugon kay Cholo matapos kong malaman kay Sam ang lahat , ang buong katotohanan. Pero still hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. I just can't believe na ang mismong Mama nai Sam ang magiging ex-girlfriend ni Dad which is matagal na pala nitong itinago. At bakit sa haba ng panahong at oras na maaari niyang isiwalat ang lahat ay ngayon pa talagang komplikado ang sitwasyon dahil kritikal ang lagay ni Belle?
Namutla siya sa sinabi ko.
"H-ha? Paano?"
Curious niyang tanong sa sinabi ko. Hinawakan ko na lamang ang kamay niya at tinitigan siya.
"Gusto ko nga ding malaman ang buong katotohanan k-kaya sana tulungan mo akong kausapin sina Dad ngayundin. Nais kong sa bibig niya mismo manggaling ang lahat. Dahil sa totoo lang ay nabibigla ako sa mga pangyayari to the point na hindi ko na alam ang mas higit na paniniwalaan ko. At ngayong nasa kritikal ang kalagayan ni Belle , mas higit lamang akong naaawa sa kaniya dahil siya ang higit na naiipit sa sitwasyon. Kaya tulungan mo akong i-confront at sabihin sa kanila ang tungkol dito-"
And I'm eager na malaman ang buong katotohanan sa mismong bibig nila.
"P-pero paano si Sam? I mean okay lang ba talaga sa kaniya na malaman nina Tito at Tita ang totoo na ang Mama niya ang dahilan kung bakit nangyari iyan sa pamilya ninyo? Oo , magulo pa rin para sa akin ngayon ang lahat dahil hindi ko pa nalalaman ang buong katotohanan pero concern lang ako sa family nila. Diba , may maliit pa siyang kapatid? P-paano na sila oras na makulong ang Mama niya??"
Sa totoo lang , may pagdadalawang -isip pa rin akong gawin ito subalit nanghahawak na lamang ako sa mga sinabi ni Sam na umayon sa tama. Tsaka naiintindihan ko naman siya kung bakit niya ginagawa ito to the point na kailangan niyang itanggi ang kaniyang sarili just for the sake of our family kahit pa man sarili niya at kinabukasan ng kapatid niya ang nakataya dito. He's still willing to help us kahit na suwayin niya pa ang sarili niyang ina.
"I'm confuse din talaga na gawin ito but I leave no choice. Gusto lang ni Sam tumulong tsaka siya na rin ang nagsabi sa akin na panaigin ang katotohanan. At nagkataong ang pamilya namin ang nasa tama and we can't escape the truth. Thus we need to face it at ito ang kapalit ng lahat ng iyon , ang mga anak ang magiging kabayaran sa kasalanan ng magulang. Dahil kinabukasan at pamilya ang mas nakataya."
Muli niyang tinapik ang balikat ko.
"Hindi ko alam kung bakit kailangang ganito pa ang mangyari at mismong ang pamilya ninyo at ang pamilya ni Sam ang nagkaroon ng ugnayan. Though I'm still willing to help para kay Belle at para saiyo. Makakaya mo rin lahat ng ito Lulu, makakaya ninyong lahat. Basta ang maipapayo ko lang , mas maging matapang kayong harapin ang buhay kahit gaano pa ito kasama at kahirap. Lalo na ang relasyon ninyo ni Sam dahil hindi madali ang papasukan ninyo. At sigurado akong kapag nalaman nila Tito at Tita ang totoo, baka hindi lang nila ipakulong ang nanay ni Sam.
Baka paghiwalayin niya rin kayo. At iyon ang huwag nyong payagang mangyari."
Sambit niya na mas nagpalakas sa tibok ng puso ko. Siguro nga'y isa rin iyon sa dahilan kung bakit kailangan kong magpakatatag sa mga oras na ito. Iyon ay alang-alang sa aming dalawa ni Sam.
Lalo na't sa mga nakahanda niyang gawin kaugnay ng sitwasyon, mas pinapatunayan niyang sincere at tapat siya sa akin kaya hindi na rin talaga ako nagsisi na siya ang pinili ko at hindi ang maling damdamin ko para kay Cholo. Dahil narealize ko na ang lahat ng pagkakamali ko.
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...