-Cholo-
Maaga pa lamang ay gumayak na ako at naghanda na ng mga dapat ihanda. Actually, schedule sana ng rehearsal namin ngayon for Music Fest dahil sa lunes na iyon kaso , may naisip kaming magandang plano ni Sam , yes it's Sam and since hindi pa kilala nina Tito at Tita (parents ni Lulu and Belle) ang tungkol sa official relationship nila then today is the day na rin para ipaalam sa kanila.
Wanna know kung anong pasabog ang naisip namin ni Sam? It's a Double Date at kung ano man ang napag-usapan namin ni Sam tungkol doon ay sa amin na lamang iyon. We just only want to surprise them syempre para naman mas maging masaya sila then makapagbond na din silang magkapatid together na pinakamahalaga sa lahat kahit na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang tuluyan na ngang nagbago ng ganoon si Lulu and I'm happy. Hindi lang para sa family niya syempre para kay Belle dahil iyon naman talaga ang matagal niyang hiling sa simula pa lang at bilang boyfriend ay gagawin ko ang lahat para mas mapasaya lang siya. Tsaka wala siyang kaalam-alam na may mangyayaring ganito. In fact I lied to her. I lied to her na may aasikasuhin ako kaya hindi tinapos na namin ang rehearse kahapon.
Nag-enjoy nga akong i-rehearse ang dalawa dahil nakikita ko kung gaano na sila kabati sa kulitan nilang dalawa and that was indeed wonderful."Sir , may tao po sa labas."
Napatigil naman ako sa pag-aayos ng aking mga gamit nang biglang dumating na maid kaya naman agad akong napatingin sa oras and it's exact 7 am na pala.
Malamang , si Sam na nga ang dumating.
"Okay thank you. Ako na po ang sasalubong."
Wika ko saka na nagtuloy-tuloy sa paglalakad patungo sa gate at napangiti nga ako nang makita ko siya.
Aba'y talagang nagpapogi pa talaga siya. Sabagay , pati nga ako eh talagang naghanda ng sarili."Hey dude. Akala ko hindi ka na dadating."
Pabiro kong sambit nang salubungin siya.
"Naks pwede ba iyon eh ang aga ko ngang naggising at ngayon lang ito nangyari. Tsaka nasabi ko na din kay Mama ang tungkol sa amin ni Lulu, sa una tumutol siya pero in the end of the day , pumayag na din siya. "
"Aba'y mabuti naman , tsaka now I get the point kung bakit pumogi ka yata ngayon."
Nakangiti kong wika sa kaniya.
"Tol bakit nga ba?"
Natatawa niyang sagot habang sinasabayan akong maglakad patungo sa loob ng kabahayan.
"Naks , syempre magpapakilala ka kala Tito and Tita diba?"
Bigla ko tuloy naalala ang mga oras na nagpakilala ako sa kanila biglang boyfriend ni Belle. At first , inaamin kong kinabahan ako pero sahalip magpatalo at magpaalipin sa labis na kabang nararamdaman ko, pinili kong i-relax ang sarili ko sabay cheer up ng "Kaya mo yan self". And it's quite effective.
Nasa personality naman talaga yan and good intent."Oo kaya nga sobra akong kinakabahan at hindi ko ba alam kung boto sila sa akin o hindi. Tol sabihan mo na akong nega pero I have a strong feeling na baka hindi nga nila ako matanggap-"
Inakbayan ko siya at tinapik ang kaniyang balikat. Honestly , nafe-feel ko yung sinabi niya dahil ganun din ang nararamdaman ko. Di mawala-wala ang doubt na baka mareject lang pero mas pinaniwalaan ko ang sinasabi ng puso ko. Ang kumpiyansa at tiwala sa sarili talaga ang pinakamahalaga sa lahat.
"Listen to me , wag mong isipin yan. You know what , I admit na naging negative din ako nang magpakilala ako bilang boyfriend ni Belle sa harap nila . Pero kahit na may doubt ako that time and inaamin ko namang hindi talaga nawala ,patuloy ko na lamang pinanghawakan ang sinasabi ng puso ko na kaya ito basta may tiwala lang ako sa sarili ko at alam kong kagaya ko , makakaya mo din. Alam mo , pogi ka din Sam pero alam mo yung kulang sayo?Tiwala sa sarili. Yung confidence talaga which is pinakamahalaga sa lahat."
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...