Belle's POV
"Hindi mo na dapat ginawa iyon. Hindi mo dapat sinabi yun kay Lulu. Natatakot kasi ako na baka mas magalit pa siya sa akin eh , gusto ko lang namang magkabati kami at pagsisihan niya kung kasalanan ba talaga niya ang nangyari."
"Belle, kilala ko siya. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakikitang nasa baba ka , hindi niya nakikitang nahihirapan ka kaya ginagawa niya yun sayo. Hindi na kasi tama ang ginagawa niya eh. Saka tama ka , sinabi ko iyon upang magsisi na siya sa lahat ng ginawa niya sayo and she must be punished by doing that. May CCTV footage na makakapagpatunay na
kasalanan nila ang nangyari. Ayaw mo bang maparusahan sila sa ginawa nila?"Napayuko ako at patuloy na tinignan ang laptop kung saan niya tinatype ang thesis na bahagi ng requirements ko upang makapasa. Nandito kasi kami ngayon sa Music Room and since di pa nila ginagamit, pansamantala na muna kami tumambay upang magpatulong sa kaniya sa paggawa ng thesis.
"Hindi na. Tsaka okay lang naman ako eh hindi naman ako nasaktan.. "
"Sa susunod kasi mag-iingat ka na.. ayoko kasing nakikitang nasasaktan ka ng iba.".
Napatingin ako sa kaniya.
"Bakit? Bakit ganyan ka nalang kung maging concern sa akin?"
Napatigil naman siya sa pag-type at napatingin sa akin.
"Because I care for you."
Napatigil ako sa sinabi niya.
Kasabay nito ang malakas na pintig ng puso ko.
"I care for you as a friend. Alam mo naman kahit sandali lang tayong nagkasama , naging malapit na ang loob ko sayo eh , kaya sana pumayag ka nang maging duet ko ah , sigurado naman akong matatanggap ka sa audition mamayang gabi."
Napangiti ako sa sinabi niya saka muling ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Hindi ah. Asa naman na matatanggap ako eh hindi naman ako singer."
"Who thinks? Wala ka kasing tiwala sa sarili mo eh , kaya isa rin yan sa mga dahilan kung bakit kinakaya-kaya ka nalang ni Lulu. "
Tinitigan ko siya.
At napayuko ako. Paano ko ba maipapaliwanag sa kaniya ang totoong dahilan kung bakit hindi kami magkasundo ni Lulu? Eh hindi nga niya kailangang malaman pa iyon.
"Hindi ko naman siya masisisi eh , kung namimis-interpret niya lahat ng sinasabi ko. Lahat ng ginagawa ko. Kung may choice lang sana ako na layuan ka..."
Napatigil naman ako nang bigla akong madulas -
Hala. Belle!! Bakit mo ba iyon nasabi?
Napayuko ako at pinili na lamang na hindi siya tingnan."Layuan?? Bakit kailangan mo akong layuan?"
Nagtataka niyang tanong.
Muli ko naman siyang hinarap at agad na nag-isip ng palusot."Wala... Minsan kasi napapaisip ako na ang tanging paraan lang para maalis lahat ng galit sa akin ni Lulu ay ang layuan ka... kaso paano ko naman gagawin iyon kung sa bawat paghakbang ko , nariyan ka upang magtanggol sa akin. Nariyan ka upang tulungan ako. Kasi ang bait mo sa akin."
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
Napatigil ako at hindi ako makahinga.
"You don't need to stay away from me. Dahil kahit ano pang layo mo, susundan at susundan pa rin kita."
Natahimik ako dahil sa sinabi niya.
///
5 pm na nang muli akong bumalik sa Gym dahil sa magsisimula na ang Audition.
Kakatapos palang kasi ng klase at dumiretso na rin ako dito. Hindi na rin ako dumaan sa library dahil nagkaroon na ako ng phobia dulot ng nangyari..
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...