Belle's POV
Naggising ako sa narinig kong kalampag ng pinto sa library.Nakatulog pala ako sa kakahanap ng paraan na makalabas but at the end of the day , nabigo pa rin talaga ako at tinanggap na bukas ng umaga pa talaga ako makakalabas dito.
Bigla tuloy akong kinabahan dahil sa wala namang ibang tao dito kundi ako.
Sahalip na tumayo upang tignan kung sino o ano ang kumalampag ay pinili ko na lamang na manatili sa aking pwesto. Mahirap na baka kasi maligno iyon o masamang loob. Tinignan ko ang oras at 10 pm na pala.
Nagpatuloy muli ang kalampag kaya naman dahan dahan na akong tumayo at naglakad patungo sa pintuan ng library upang tignan ito. Masyado kasi akong nacucurious sa kalampag eh bahala na kung makakita ako ng multo or what.Kaya no choice na kahit may makita man akong maligno dito. Lakasan lang talaga ng loob.
Ngunit halos mapatumba ako nang makita ko ang liwanag na nagmumula sa ... Cellphone??
May nakaiwan ng cellphone sa library??
Dahil sa nakita kong cellphone ay nabuhayan ako ng loob at nagkaroon muli ng pag-asang makakalabas ako dito.
Napangiti ako. Kanino kaya itong cellphone na ito at tila ba sinadya talagang makita ko??
Kinuha ko iyon at nagulat ako nang biglang may tumawag sa mismong cellphone na hawak ko na ngayon.
Muntik ko na nga itong mabitawan dahil sa sobrang bigla ko.Pero sino kaya ang tumawag??
Natigil muli ang kalampag sa may bandang pinto dahil sa pag-ring ng cellphone na naiwan sa library. Mukhang pagkakataon ko na nga ito upang makahingi ng tulong at malamang , baka ang may-ari din ng cellphone ang tumawag!
Sinagot ko na nga ito . Sobra akong naeexcite na baka , baka chance ko na ito upang makalabas ng library dahil nga sa nagugutom na din ako at hindi ko kakayanin na abutan pa ako ng umaga.
[Hello, Belle??]
Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa boses na narinig ko sa kabilang linya. Pamilyar kasi pero still hindi ko marecognize kung bakit parang pamilyar iyon sa akin..
"Hi. Si Belle po ito . Sino po kayo??"
Napapikit ako. Umaasa na sa muling pagbigkas ng bibig ng taong kausap ko sa kabilang linya ay ang mga salitang magsasabi na , tutulungan nila akong makalabas dito sa library.
At hindi nga ako nagkamali...
"Ikaw nga. Si Cholo ito Belle at nasa labas na kami ngayon ng library.. Actually kasama ko ang may-ari ng phone na gamit mo ngayon at siya ang nagsabi sa akin na maaaring nakulong ka nga dahil sa hindi napansin ng Utility officers na may tao pa sa loob. Okay ka lang ba jan?"
Sa sobrang excite ko ay tanging paghikbi na lamang ang naisagot ko saka na ibinaba ang phone.
Sinubukan kong pigilan ang pag-agos ng mga luha sa aking mata ngunit hindi ko ito mapigilan dahil sa saya at tuwa na aking nararamdaman.
And I just can't believe na mismong si Cholo pa talaga ang tutulong sa akin. Malamang nga dahil sa nagtaka siya na hindi ako sumipot sa audition dahil sa nangyari. At sa tingin ko'y wala namang dapat sisihin dahil hindi naman iyon kasalanan ng Utility officers. Medyo madilim na din kasi that time then expected na wala ng students sa loob kaya hindi ko din sila masisisi na sinarhan nila iyon agad.Maya-maya lamang ay isang nakasisilaw na ilaw na ang sumalubong sa akin ,
Napatayo ako mula sa aking kinauupuan at napangiti.
Si Cholo nga. Nakangiti din siyang nakatingin sa akin. At may tatlo siyang kasama. Hindi masyadong familiar sa akin pero malamang, isa sa kanila ang nagmamay-ari ng phone na hawak ko ngayon.
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...