Kabanata 47: Muling Pagkikita

51 2 0
                                    

Lulu-

"This can't be!! This can't be!!!"

Sigaw ko habang halos pagsipa-sipain ko na lahat ng halaman sa loob ng hallway kung saan nagsialisan ang mga tao nang malaman nila ang buong katotohanan. Nakakainis! Hindi nila dapat nalaman ang totoo kung hindi lang talaga umepal ang letseng Jasha na iyon at lalong lalo na si Belle na walang ibang ginawa kundi ang agawin ang lahat sa akin at ngayon , halos siraan niya na ako upang gumanti sa lahat ng ginawa ko sa kaniya.

Intrimitida talaga siya kahit kailan at ngayong alam ko na ang tunay niyang kulay , hindi na ako makapapayag na matalo niya ako at masira niya lahat ng aking plano.

"LULU!!"

Napatigil ako sa pagsipa at pagwawala nang biglang may sumigaw mula sa likuran ko kaya naman kaagad akong napalingon.

Si Tiffs.

Kaagad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Malamang alam na rin niya ang tungkol sa issue na unti-unti nang kumakalat. Bwisit kasi eh. Kung hindi lang yan pabida si Belle gustong gusto talaga niya akong sirain pwes mas ipapatikim ko sa kaniya ang larong gusto niya.

"I've heared what happened , Are you okay Lulu??"

Wika niya nang may pag-aalala , I just nodded at hinawakan ang kamay niya. Akala ko tuloy kagaya ng iba , mawawala na lang siya na parang bula lalo na't ngayong mainit na ang mga mata ng ilang students dahil sa issue na nalaman nila. Nakakainis lang dahil baka humantong na ito sa pagkabagsak ng image ko, pero hindi , hindi ako makapapayag.

"Still no , sinugod nila ako kanina eh and that girl Belle tries to impersonate me , she even tries to ruin my image here in campus nakakairita."

At kung nasa akin lang sana ang phone ko ngayon , malamang naisagawa ko na ang pinakamaitim kong plano pero isa rin kasing malaking epal si Sam na walang ibang ginawa kundi ang kontrahin ako sa mga gusto ko. Sige , magsama-sama silang lahat dahil sabay sabay ko silang papatumbahin.

"Narinig ko nga lahat at nagulat ako sa kumalat na biological sister mo siya , seriously is that true?? Tunay mo siyang kapatid??"

Tinitigan ko siya at nakita kong may curiosity sa kaniyang mga mata.

Ayokong sabihin na kapatid ko si Belle sa harap niya dahil baka mas mapahiya lamang ako , remember she's a high class person at knowing na may kapatid ako at may kahati ako sa yaman ng family is a big controversy sa isang katulad ko , pero I realize, she's one of my bestfriend na mapagkakatiwalaan ko at maaaring maging partner ko rin sa lahat ng plano ko laban kay Belle.

"Is that true Lulu??"

Muli ko siyang tinitigan at napayuko ako.

"Y-yes .."

Nakita ko ang pagbabago sa reaksyon ng mukha niya nang marinig ang sinabi ko kaya naman nagulat ako nang bigla niyang bitawan ang kamay ko.

"So you're definitely lying na katulong mo siya ganon. Lulu, paano mo nagawa ang bagay na iyon and you even tried to betray us especially me !"

Pasigaw niyang tugon sa akin.

Wait, nagagalit ba siya sa akin? Lah. This can't be. Hindi siya maaaring magalit sa akin ng ganito.

"Tiffs I'm sorry , ginawa ko lang yun dahil ayokong mapahiya sa inyong lahat , ayokong masira ang image ko here in campus tsaka hindi sana namin intensyon na ipaalam sainyo pero yung Belle na iyon sadyang ipinagkalat ang lahat ng sikreto namin. And yun , nalaman na ng lahat. Tiffs , I need you , I need you para sa mga plano ko laban sa kaniya. Hindi niya maaaring maagaw ang.lahat sa akin lalo na sina Mom and Dad.."

LuluBelle -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon