-Belle-
Pagkalabas ko pa lamang ng Mansion ay kaagad ko nang natanaw ang kotse niya na nakapark sa mismong labas ng gate . Maybe 10 meters away from the terrace. Ganoon kalayo dahil may madadaanan muna kasing mini garden bago tuluyang makapasok sa loob ng Mansion. Dahil sa sobrang excitement na makita siya ay kaagad ko nang tinakbo iyon patungo sa kaniya suot ang isang napakatamis na ngiti.
Hindi yata matutumbasan ng kahit ano ang nararamdaman ko ngayon lalo na kapag nakikita ko siya.
Nang makalabas na ako ng gate ay kaagad niya akong sinalubong at niyakap ng mahigpit."Na-miss agad kita , love."
Sambit niya na ikinatawa ko. Hindi kasi ako sanay na tawaging "love" at hanggang ngayon , parang isang panaginip lang na boyfriend ko na ang taong gusto ko. Pero sa tuwing maiisip kong naging kami na , still may takot at pangamba pa rin ang puso ko na paano kung bumalik si Lulu at hindi niya matanggap ang nangyari? Naku at baka hindi ko mapatawad ang sarili ko.
Instead of isipin at isipin pa iyon ay nirelax ko na lamang ang sarili ko at niyakap din siya pabalik."Love?"
Tanong ko sa kaniya nang kumalas ako at hinarap siya.
Nakita kong ngumiti siya at ginulo ang buhok ko na ikinabigla ko. Imagine, pinaplantsa pa ito ni Mama sa isa sa mga personal maids namin para gumanda then guguluhin niya lang.
"Hindi mo ba gusto yung naisip kong endearment ? Kung ayaw mo pwede naman nating palitan-"
"Ay h-hindi na. Okay naman yun e."
"Sure ka? Pwede naman sanang darling o babe diba?"
Tumawa na lamang ako saka na sumakay sa kotse.Actually natulog ako kagabi na may malawak na ngiti sa labi at maaaring nagising din ako sa ganoong kalagayan. Sobrang saya ko lang kasi lalo na ngayong kasama ko na siya. Yung tipong hindi maalis-alis ang ngiti sa aking mukha at maging ang pag-init ng pisngi ko.
"How's your feeling? Umalis na ba sina Tito at Tita?"
Tanong niya nang makasakay na kami sa kotse.
"Maaga silang umalis eh for business reasons. Pero Cholo , kinakabahan nga ako b-baka kasi makita ko si Lulu at malaman niyang sinagot na kita. Tiyak magagalit na naman siya sa akin."
Hindi mapakali kong tugon habang nakatingin sa kaniya. Kahit pa man sabihin kong masaya ako ngayong araw na ito, hindi pa rin mawala-wala ang pangamba na kapag nalaman ni Lulu ang totoo ay tuluyan nang mawalan ng pag-asang magkaayos pa kaming dalawa. Kaya sobra akong nalilito sa mga oras na ito , hindi ko ba alam kung tama o mali ang ginawa ko.
Agad siyang tumingin sa akin at hinawakan ang kamay ko."Love , relax okay ? Ano naman kung nalaman na niya ang totoo , na nalaman nilang lahat dahil hindi lang naman tayo ang tao sa park hindi ba ? Tiyak marami na ring nakakita na magkaholding hands tayo that time because news is just like a contagious disease na napakabilis kumalat but don't be scared . Nandito ako remember at kahit noong magkaibigan pa lang tayo , nandito naman ako lagi para sayo at alam mong kasama mo ako sa bawat laban mo sa buhay. Kung sakali mang tapakan ulit ni Lulu ang pagkatao mo o kahit na sino pa man ? Then I'll go with you and I'll protect you no matter what dahil iyon ang gusto kong masiguro , ang kaligtasan mo dahil ganun kita kamahal , Belle. Kaya nga love ang tawag ko sayo hindi ba?"
Pakiramdam ko'y namula ulit ang pisngi ko sa sinabi niya kaya naman ngumiti na lamang ako at muling yumuko. By this time , kahit papaano'y gumaan ang loob ko dahil sa comfort niya subalit nandito pa rin ang doubt at kaba sa mga maaaring mangyari.
"Salamat Cholo. Pero hindi mo pa rin sa akin maiaalis ang pag-aalala dahil kapatid ko ang pinag-uusapan dito at sobrang concern ako sa kaniya. Kaya ko nga nagawa noong saktan ka kahit na labag sa kalooban at sa puso ko dahil sa tindi ng pagmamahal ko sa kaniya.""Pero tapos na iyon at alam kong pinagsisihan mo na ang lahat ng iyon dahil in the first place , hindi naman masamang maging selfless kung lagi mo lang sanang inuuna ang sarili mo kaysa sa iba at sa puntong ito , inuna mo ang kapakanan ni Lulu kaysa sayo. Kaya wag kang ma-guilty kung nangyari lahat ng ito dahil it's God's will at pangako kong hinding hindi na tayo magkakahiwalay pa and nothing can separate us two. I promise."
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...