-Cholo-
Isang araw na din ang lumipas mula nang mailibing siya ngunit hanggang ngayon ay tila ba patuloy pa rin akong nabubuhay sa panaginip na hindi na siya kailanman babalik pa.
Ang daya nga eh, kung kailan naging maayos na ang lahat like nagbago na si Lulu at bukod doon, nalaman na ang buong katotohanan. Hindi lamang ang katotohanang si Tita Alicia ang may pakana kung bakit nawalay si Belle sa family niya kundi maging ang tunay na ugnayan ko sa mga kinagisnan niyang magulang . I can't expect na kamag-anak ko pala sila in father side. Di ko naman kasi sila kilala dahil di ko man lang nakasama ng matagal noon si Dad.
Actually even Mom na parang wala nang balak pang umuwi at magpakita sa akin."Dude , okay ka lang ba I mean okay ka na ba?"
Napatigil ako sa pag-seset up ng piano nang magsalita si Ethan. Saturday ngayon but narito kami sa school upang mag-ayos ng mga dapat na ayusin sa club.
Mas magiging mahirap kasi sa amin ang lahat dahil nawala na ang isa sa aking mga vocals, si Belle. At hanggang ngayon, hindi ko pa din lubos maisip na hindi ko na matutupad ang lahat ng pangarap namin kasama siya. Plano ko rin kasing dalhin siya sa province then doon magpakasal o kaya sa States for honeymoon.
Kaso , malabo nang mangyari lahat ng iyon. And I admit din na miss na miss ko na siya.Despite of the truth na hindi pa talaga ako okay after ng nangyari , I just smile para ipakita sa kanilang matatag ako.
I hope , they do the same thing."Kailangang maging okay para kay Belle. Kahit naman kasi iiyak ko ito still wala na akong magagawa pa kundi ang tanggapin at magpakatatag kahit na anoman ang mangyari. Tsaka iyon ang ipinangako ko kay Belle , na gagawin ko ang lahat para matupad ang mga pangarap niya kahit wala na siya."
Napatitig sila sa akin habang nahahalata ko ang unti-unting pagtulo ng kanilang mga luha. Especially Zeny at Wendy na alam kong hindi pa rin matanggap ang nangyari.
"Why life seems so unfair? Bakit kung kailan naayos na ang lahat ng gusot sa family nila , saka pa siya mawawala? And it's damn painful dahil miss na miss ko na siya."
Maluha-luhang tugon ni Wendy na kasalukuyang kino-comfort ni Zeny na wala na ring humpay sa pag-iyak sa mga oras na ito.
"Ako din naman eh , miss na miss ko na din ang isa sa mga bestfriend and nicest person na nakilala ko. To be honest , ni minsan wala man lang siyang pinakitang dahilan para kainisan ko siya dahil almost everyday na kasama ko siya , halos puro kabutihan ang nakikita ko sa puso niya. Pero siguro kailangan na rin talaga nating tanggapin na nasa heaven na siya ngayon at masaya na siya. Let's be happy for her and continue living. Dahil hindi mawawala ang mga lungkot at sakit sa pagkawala niya kung patuloy tayong magpapakaalipin at hindi magmomove-on."
Napangiti ako sa tugon ni Zeny saka na nagpatuloy sa aking ginagawa.
"Kaya wag na kayong umiyak at ipagpatuloy na natin itong ginagawa natin. Tsaka push nalang natin ito para sa katuparan ng pangarap ni Belle , ang magkaroon ng sariling recording company."
Nakita ko ang pagkislap ng kanilang mga mata nang marinig ang sinabi ko.
"Eh di tutulong na lang din kami para sa pangarap ni Belle. Pwede kaming maging part ng company diba."
"So sure. Tutal wala naman talagang magtutulungan dito kundi tayo..."
Muli kong wika habang nakangiti sa kanila.
That's a great a idea kung magtutulungan kaming ma-achieve ang goal na iyon lalo na't hindi ko nga iyon magagawa ng mag-isa kang ako. Tsaka great assets din sila sa company kapag nagkataon.Naisipan ko na lamang buksan ang bintana beside me at napatitig sa mga cumulus clouds na animo'y nakatingin din sa akin.
Iisipin ko na lang din siguro na naroon si Belle at tinatanaw ako.
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...