-Belle-
"Hahaha you know what , napaniwala ko si Cholo na katulong ko nga ang babaeng iyon and I'm pretty sure na kinabukasan kalat na sa buong school na alila ko siya dito sa Mansion."
"Wow . So good to hear mabuti naman at nakaganti ka na sa kaniya."
Dinig kong usapan ni Lulu at ng nag-iisang anak yata ni Tita Ester na si Audrey. Kasalukuyan kasi akong papunta sa kinaroroonan nila nang bigla ko silang makita na nag-uusap . Hindi ko alam kung sinadya lang talaga nilang mag-usap dahil naroon ako.
I just choose na hindi sila pansinin. Tsaka wala naman akong mapapala kung makikisawsaw pa ako sa usapan nila. Tama naman ang sinabi at ginawa ni Lulu kanina nang pumunta si Cholo, tama lang na palabasin niya na katulong ako kaysa kapatid. Tiyak mas kapani-paniwala iyon. Bahala na sa maging kalabasan nito kapag patuloy na kumalat ang balita sa loob ng campus tsaka mabuti na rin na nalaman ni Cholo na dito ako nakatira sa bahay ni Lulu, may kutob kasi ako na nagdududa na siya tungkol sa amin ni Belle kaya nagawa niya akong sundan. Mabuti na lamang at hindi ako nadulas kanina kundi baka.. nasabi ko pa ang totoo.
"Ow , ikaw pala Belle. Nice meeting you.."
Napatigil naman ako nang kaagad na lumapit si Audrey at kinamayan ako.
I just smile back at her. Kahit papaano talaga hindi ko maitanggi na high class din siya kagaya ni Lulu. At mukhang same lang din sila ng ugali. Not that sure."Nice meeting you din."
Sambit ko saka napatingin kay Lulu na nakataas ang kilay.
"I'm sorry , I didn't mean what I say kung narinig mo man."
Muli niyang wika saka tumingin kay Lulu.
Tumayo naman si Lulu at lumapit sa akin."Wala ka namang sinabing masama Audrey, hindi ba't tama naman na unti-unti na akong nakakaganti sa lahat ng ginawa mo sa akin? But don't worry, hindi kita sasaktan dahil napasaya mo nga ako sa information na natanggap kanina ni Cholo. And I'm pretty sure din na pagpipyestahan ka na bukas sa campus. You'll became famous diba iyon naman ang gusto mo?"
Inilapit niya ang mukha niya sa akin at nakipag-apir pa kay Audrey.
"Lulu kailanman hindi ko pinangarap maging sikat kagaya mo. Kung nagkamali man ako ng ilang beses at kung may ginawa man ako na hindi mo nagustuhan, pasensya na. Sana alam mo na patuloy pa rin akong sumusunod sa usapan at kung ang pagiging katulong talaga ang gusto mong maging pagkatao ko then I'm willing to accept it basta matigil na ang alitan nating dalawa."
"Ofcourse my cheapest maid. Mabuti na nga lang at naabutan ko agad kayo ni Cholo kanina kundi baka kung ano ano na naman ang pinagsasabi mo sa kaniya.. "
Tinitigan ko siya. Hindi pa rin nagbabago ang mga mata niyang mataray at mapanlait.
"Lulu, may pangako ako sayo at kahit paulit-ulit niya akong mabuking ,hindi ko hahayaan na malaman niya ang buong katotohanan."
"Wala akong tiwala sa'yo. Well you're only saying that to me para linisin ang pangalan mo but sorry to say , maruming marumi na ito kaya subukan mo ulit na walisin diba katulong naman kita? Hahaha!"
Tinitigan ko lang siya habang natatawa sa mga sinasabi niya. Ngumiti nalang din ako ng peke sa kaniya saka na naglakad patungo sa kwarto.
Napaupo ako sa kama.
And then again hindi ko na naman napigilan ang luha ko at muli na naman itong bumuhos.
"Belle?"
Napahid ko ang mga luha sa aking mga mata nang biglang bumukas ang pinto.
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...