--Belle--"Ang sarap po ng luto ninyo. Alam nyo po bang paboritong paborito ko po ito."
Sambit ko kay Yaya Mandy habang kumakain.
Kararating ko palang kasi sa Mansion at wala akong Lulu na nadatnan kundi ang mga masasarap na pagkaing nakahain sa mesa.
"Sus , binola mo pa ako. Tsaka dapat si Pau ang nagluto ngayon hindi ako , namalengke kasi siya at mukhang natagalan sa pamimili.."
Ani Yaya habang abala sa pagkuha ng orange juice sa refrigerator.
Oo nga pala , Menudo ang inulam ko ngayon na isa sa mga paborito kong pagkain nang nasa probinsiya pa ako. Naalala ko pa nga si Inay noon , lagi niya akong pinagluluto ng Menudo kapag birthday ko pero hindi ko naman inakalang hindi pala iyon ang totoo kong kaarawan..
Kaya bigla tuloy akong nacurious kung kailan talaga ang birthday namin ni Lulu. But speaking of Lulu, nasan na kaya siya?Bakit hindi pa siya nakakabalik?
"Kain na po kayo Ya, para naman may kasama akong kumain."
Nakangiti kong wika habang kumakain. Ang sarap ng pagkakaluto sa totoo lang. Namiss ko tuloy si Inay sa probinsiya.
"Naku, kakatapos lang naming kumain Iha. Para sainyo talaga ni Lulu yang pinagluto namin."
Muntik naman akong mabulunan sa sinabi ni Yaya kaya kaagad niyang naibigay sa akin ang orange juice at tubig na kinuha niya sa ref kanina.
Seriously? Para sa amin ni Lulu ang pinagluto niya? Eh halos sampung putahe yata iyon akala mo may handaan.
"P-para po sa amin?? Eh Yaya hindi naman kayo ganitong magluto hindi ba? Tsaka wala naman pong okasyon ngayon di po ba?"
Ngumiti lamang si Yaya sa sinabi ko.
"Naku , kumain ka nalang jan at huwag ka nang magtanong pa. Teka nasan na nga pala si Lulu ? Nakita mo ba sa school? Tanghali na kasi siyang naggising aba akala namin hindi na siya papasok.."
Nainom ko ang orange juice ko at napatingin kay Yaya Mandy.
Oo nga naman , nasan na kaya siya?? Naku sana naman hindi sa pagkakataong ito siya dumating dahil sa tiyak mag-aaway at mag-aaway kaming dalawa . Nakakahiya naman kay Yaya Mandy , pinagluto niya pa naman kami.
"Di po kasi siya pumasok sa klase kanina p-pero nakita ko po siya kaso di ko po alam kung saan nagpunta."
Napayuko ako..
At biglang naisip ang magiging reaksyon ni Lulu kapag nagkita kami.Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko na ang mga pinggan.
"Belle, ako na niyan magpahinga ka na sa kwarto mo at tapusin mo na ang mga dapat mong tapusing requirements kami na bahala dito."
Sambit ni Yaya Mandy habang kinukuha sa kamay ko ang pinggang pinagkainan ko. Nag-iinsist sana ako na hugasan ang mga iyon.
"Yaya ako na po, "
"Belle wag ka ng makulit. Sumunod ka nalang kay Yaya Mandy. Kami nalang ang maghuhugas baka maabutan ka pa dito ni Ma'am Ester at mapagalitan pa kami."
Napatingin ako sa kanila na kasalukuyang nakangiti sa akin habang naglilinis sa kusina. Magpupumilit pa sana akong tumulong subalit tama si Yaya , mas mabuting tapusin ko na lamang ang mga requirements dahil papalapit ng papalapit ang deadlines nun.
Naglakad na nga ako paakyat sa kwarto ko ngunit naalala kong naiwan ko pala ang bag ko sa terrace kaya nagmadali pa rin akong lumabas at thankful naman ako dahil nakita ko iyon agad.
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...