Belle's POV
Napalingon ako nang may biglang magbukas ng pinto.
At nagulat ako nang si Tita Ester pala kaya naitago ko sa unan ang kasalukuyan kong iniempakeng gamit.
"Oh. Hindi ka pa ba papasok?"
Tanong niya nang makitang hindi pa ako nakauniporme.
Napagdesisyunan ko kasing huwag munang pumasok sa school dahil sa nangyari. At napag-isip isip ko din na baka mas makabubuting umalis na lamang ako ng bahay at maghanap ng ibang matutuluyan. Masyado kasi akong naapektuhan ng nangyaring awayan sa pagitan naming magkapatid at talagang hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magalit sa akin si Lulu ng ganun.
"Ahh , hindi na muna ho, tsaka baka mas lalong magalit lang sa akin si Lulu kapag nakita niya ako ngayon sa school. Palilipasin ko nalang po muna ang nangyari."
Saad ko.
"Belle, huwag mo nang intindihin ang kapatid mo na iyon.. masanay ka na sa kaniya. Tsaka ako na din ang humihingi ng apology kung ganun man ang ugali ng kapatid mo."
"Naiintindihan ko naman po ehh.."
Sabi ko habang nakayuko. Kahit pa man noon , nasanay na ako na lagi akong tampulan ng tukso at pambubully sa probinsiya. Pero ibang usapan na kasi ngayon. Dahil kapatid ko pa siya at magkasama pa kami sa iisang bubong.
"Oh ganun na pala eh , diba pwedeng magkaayos at pag-usapan nyo iyan?"
Napatingin ako sa kaniya.
"Paano ko naman ho gagawin iyon kung lagi siyang nagagalit kapag nakikita ako. Tita , If you don't mind pwede naman po akong umalis dito sa bahay at humanap na muna ng ibang matutuluyan. "
Nahalata kong nagulat siya sa sinabi ko. Alam kong iyon ang magiging reaksyon niya sa sasabihin ko.
"Belle , hindi ka maaaring umalis dito sa bahay. Kung iniisip mong dahil sa ugali ng kapatid mo? Payag ako na hindi muna umalis dito for the meantime para naman mabantayan ko kayong dalawa."
Hinawakan niya ang kamay ko. At tinitigan ako.
"Bahay mo din ito at kahit ano pang gawin ni Lulu, wala na siyang magagawa pa dahil magkapatid kayong dalawa."
Niyakap niya ako at maya-maya pa'y naramdaman ko na ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Kaya magbihis ka na dahil kailangan mo nang pumasok okay?"
Napayuko na lamang ako habang narinig ang pagsara ng pinto.
Makakaya ko ito. Alam kong darating din ang panahon na magkakaayos kaming dalawa.
Kinakabahan at may pangangamba man, tumuloy pa din ako dahil sa nahiya ako kay Tita. After all na sinakripisyo niya para mahanap lang ako at sa lahat ng kabutihang ipinakita niya, she deserves to be respected.
While walking in the hallway , halos mapaatras ako nang bigla ko siyang makitang nakatingin sa akin.
Si Cholo. Nakangiti siyang lumalapit sa akin.
Napangiti ako sa kaniya ngunit...
"Masyado ka kasing papapel. Pero sige pagbibigyan kita. Hindi ka aalis dito sa bahay in just one condition. Walang pwedeng makaalam na kapatid kita at magkasama tayong nakatira sa iisang bahay, and one more thing, huwag mo nang lalapitan ni kakausapin mo si Cholo kung ayaw mong mangyari ulit ito!"
May biglang bumulong sa utak ko na naghikayat sa akin upang maglakad palayo at iwasan siya.
Subalit , naabutan at nahawakan pa rin niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...