Kabanata 86: Proud Parents

34 0 0
                                    

-Belle-

Lumipas na rin ang oras at sumapit naman muli ang uwian. Actually kahit naman talaga noong naroon pa ako sa probinsiya at nag-aaral , ito naman talaga ang paborito ko, ang dismissal. Kung paano bang muli ko na namang makakapiling ang mga naggangandahang yellow belle at gumamela na inaalagaan ko sa isang flower plantation. Dahil bukod sa iyon ang pinagkakakitaan namin , doon na rin umiikot ang buong buhay ko.
Nag-taxi na lamang ako patungo sa Mansion dahil sa bigla kong nareceive ang text ni Yaya Mandy na hindi muna daw ako masusundo ng family driver namin dahil sa inuna nilang sunduin sina Mom and Dad. Tsaka bago ako makarating sa Mansion , siniguro ko nang hindi nila mahahalatang umiyak ako para naman hindi na sila mag-alala pa. Hindi na rin siguro nila kailangang malaman pa ang nangyari sa amin ni Cholo dahil kahit papaano'y gumaan na din ang loob ko sa advices ni Zeny kanina.

Pagdating ko sa Mansion ay sumalubong agad sa akin si Yaya Mandy na siyang kinuha pa ang aking bag sa kamay ko . Kahit kailan talaga'y napaka-caring niya sa akin. Sabagay , para ko na rin naman siyang lola kung tutuusin at mukhang anak at apo na rin ang turing niya sa akin.

"Oh , nakita mo ba sina Ma'am at Sir?"

Tanong niya matapos akong sabayan sa paglalakad patungo sa loob ng kabahayan.

"Hindi po bakit?"

"Nauna ka pa kasi sa kanila baka kako nagkasabay kayo sa daan."

Muli niyang wika. Iyon nga rin ang pagtataka ko dahil akala ko'y narito na sila sa Mansion eh kung tutuusin nga'y mas malayo pa ang school namin sa company ng family namin.

"Wala po kasing traffic Ya kaya naging mabilis ang biyahe."

"Aba'y mabuti naman dahil sakto pinagluto kita ng paborito mong lomi."

Napangiti ako. Bigla ko kasing naalala ang pag-uusap namin ni Zeny kanina.

Lomi din kasi ang kanina.

"Salamat po naku nag abala pa po kayo."

Magalang kong sambit sa kaniya. Syempre kahit na inaamin kong medyo busog pa yata ako dahil sa muli naming pagkain ni Zeny kanina eh willing pa rin akong tikman ang iniluto niya para sa akin. Grabe kasi siyang mag-alala hindi lamang sa akin kundi sa aming lahat. Kaya totoong malaki ang utang na loob namin sa kaniya.

Nang makarating na kami sa kusina ay napatigil naman ako nang bigla sa aming sumalubong si Yaya Pau.

"Mabuti naman at narito ka na Belle , magmeryenda ka na roon dahil kailangan ko pang mamalengke. Paubos na kasi ang supply ng pagkain at kailangan nang madagdagan."

Aniya na nagmadali nang naglakad subalit muling nagsalita si Yaya Mandy na ikinagulat ko.

"Tutungo ka na sa palengke Pauline? Eh hindi ba't kanina pa masakit ang ulo mo? Mas mabuti pang magpahinga ka nalang muna at ako na ang bahalang asikasuhin iyon. "

Ano raw ? Kanina pa masakit ang ulo ni Yaya Pau?

Dahil sa sobrang curiosity ay napatingin ako kay Yaya Pau with a concern face. Eh paano ba naman , kanina pa siya busy sa pagluto sa breakfast at dinner tapos malalaman ko nalang ngayon na hindi pala siya okay.

"Yaya Pau, hindi po ba maayos ang lagay ninyo??"

Pagtataka kong tanong. Agad naman siyang lumapit sa akin at tinapik ako sa balikat.

"Belle , okay na ako tsaka kaunting hilo lang naman kaya wag na kayong mag-aalala. Si Manang kasi eh , kaunting sinat lang ito at hindi naman ako tinatrangkaso."

"Naku at hihintayin mo pa bang maging trangkaso iyan? Ang mabuti pa nga'y magpahinga ka na at ako na ang mamimili at mamamalengke. Kaya ko naman eh at magpapasama na lang ako kay Lo---"

LuluBelle -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon