Lulu's POV
"Lulu, you'll never believe this pero , mukhang pumayag na si Belle na maging ka-duet ni Cholo sa Music Club!"
Napatigil ako sa sinabi ni Lourdes. Nandito kami sa canteen at kagaya ng pabor niyang magtutulungan kami para madispatsa ang babaeng iyon , tinawagan ko siya dahil kailangan ko ang tulong nila.
Subalit mas nag-init ata ang ulo ko sa sinabi niya.
"What? Wait paano nangyari iyon eh hindi naman kasali sa music club ang babaeng iyon!"
Nagkatinginan silang tatlo dahil sa sinabi ko.
"Kaya nga , nakita namin siya kanina kausap si Cholo sa mismong Music Room and maybe she's joining the club."
Tinitigan ko silang tatlo.
So ... Nakikikipagkita pa rin talaga siya kay Cholo na wala ako. Napakaplastic talaga ng babaeng iyon!
At hindi talaga siya mapagkakatiwalaan.
"Diba Audition mamaya ? "
Wika ng babaeng kasama niya. I don't know the name and I really don't care.
"Oo pero Lulu hindi naman makakapunta si Cholo sa audition at rehearsals ng Music Club dahil sa may party mamaya right?"
Naitaas ko ang isang kilay ko at tinalikuran sila.
"Yun na nga, hindi siya makakapunta sa party kaya kailangang kailangan ko ang tulong niyo. Kailangan siyang makapunta sa party dahil wala akong kapartner.."
Nakakainis. Alam kong pakana na naman ito ng babaeng iyon at kasalanan niya kung bakit hindi makakaattend ng party si Cholo.
Lumabas na talaga ang tunay niyang kulay at umalingasaw na talaga ang tunay niyang baho.
"Okay fine. May naisip na ako. What if bigyan natin ng invitation si Belle at padaluhin natin sa party tonight??"
Napakunot naman ang noo ko.
"Oh what happened to your face ? Hindi ba effective sa tingin mo??"
Ani Lourdes na mukhang nagtaka sa naging reaksyon ko."Hindi maaaring pumunta ang babaeng iyon sa party dahil tiyak lalandiin at lalandiin niya si Cholo. Kailangan kong makagawa ng paraan para hindi sila magkasamang dalawa dahil hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko nailalagay ang babaeng iyon sa dapat niyang kalagyan!!"
Napatingin ako sa kanilang tatlo na gulo na din ang isip kung ano ang maaari naming gawin. Nakakainis. Sila ang nag-insist na tulungan ako tapos sila pa itong nagmukhang mahina sa harap ko.
Dumagdag pa sila sa napakarami kong problema.
"Lulu, we'll surely make a way - basta kailangan mong pumunta sa party kundi sigurado akong magtatampo saiyo si Tiffs."
Magtatampo nga ang babaeng iyon kapag hindi ako nagpunta dahil I'm the visitor na talagang inaasahan niyang pumunta.
But How do I do that kung wala si Cholo??
"Hindi. Hindi ako pupunta sa party hangga't hindi ko kasama si Cholo. Paano ako makakasiguro na tutupad kayo sa usapan? "
Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko.
"Trust me. Trust us rather. Makakapunta si Cholo sa party at magkakasama kayo.."
Tinitigan ko siya at nakita kong sincere naman siya sa mga pinagsasabi niya.
"Okay . I'm giving you a chance na patunayang sincere ka nga sa sinasabi mo pero I just want to tell you one thing.."
Agad kong inilapit ang bibig ko sa tenga niya.
"Kung tuso ka , mas tuso ako."
Nakita kong kinabahan siya sa sinabi ko.
Nginitian niya lang ako bilang reply.
"Eh di magtusuhan tayo. Magkakampi tayo Lulu kaya umasa kang magtatagumpay ang plano natin."
Nginitian ko lang siya saka nagtuloy-tuloy sa paglalakad.
Dapat lang na tumupad siya sa usapan dahil kung hindi niya gagawin iyon ,
I'll surely kicked off her face.
Dahil ang ayaw ko sa lahat ay niloloko ako kagaya na lamang ng panloloko ng babaeng iyon sa akin. Napakakapal ng mukha.
-While walking at the hallway-
Kinuha ko na ang phone ko upang tawagan ang family driver dahil kailangan ko nang magpasundo nang bigla kong makasalubong si Sam.
I just ignore him and try to contact Manong pero again , hinawakan niya na naman ang braso ko. Ang kulit talaga niya kahit kailan.
"Ano ba. Can you please stop holding my arm. Gastos sa alcohol !"
I said tsaka tinaasan lang siya ng kilay.
"Ow that's too much tsaka di naman nakakadiri ang kamay ko. I just want to invite you to became my partner sa party to Tiffs tonight ? Dahil balita ko wala ka pang kapartner so I'm insisting to be one--"
"May kapartner na ako!"
Sambit ko sa kaniya. So now I got his point. Akala niya siguro mawawalan ako ng kapartner pwes nagkakamali siya.
Halata kong nagulat siya at natawa.
"Sino? Si Cholo?? "
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"What if sabihin kong siya nga? Magseselos ka ba? Alam mo Mr. Samuel Albert Perez kahit ano pang gawin mo hindi kita magugustuhan kaya pwede ba stop doing nonsense thingy kagaya na lamang ng paghahatid sundo mo o kaya pagbibigay ng gifts dahil si Cholo lang ang mahal ko gets?"
"Kung gayon, hindi pa rin naman ako susuko Lulu dahil alam kong may laban pa rin ako kahit na mahal mo siya. Tanggap kita kahit ano ka pa kahit na ganyan ka at ganyan ang ugali mo. Pero si Cholo, tanggap ka ba niya? I don't think so. In fact nagulat ako nang sabihin mong siya ang kapartner mo sa party beside kung sasali man siya doon , hindi ka naman ang gugustuhin niyang maging kapartner dahil again hindi ka niya gusto.
And one more thing , may audition and rehearse mamaya sa club nila at sigurado akong hindi sila makakapunta mamaya - kaya I'll still wait for you at the party. "Nag-wink lang siya saka na umalis. Galit ko naman siyang sinigawan.
"You'll never be my type!!! Never Never Never ! Manigas ka!!!!"
Sambit ko saka na muling naglakad. Nakakainis talaga ang lalaking iyon at kung maaari lamang pumatay ng tao , malamang nagawa ko na -_-
Paglabas ko sa gate ay napangiti ako dahil nakita ko na ang kotse. Kailangan ko nang umuwi dahil kaunting oras na lang pala at magsisimula na naman ang party so I should be prepared for it dahil hindi ako makapapayag na hindi ako maganda sa party lalo na't it's my friend's party at big deal ang pagpunta ko doon.
Sana lang talaga tumupad sa usapan ang mga babaeng nakausap ko kanina kundi ay malilintikan talaga ang mga iyon sa akin.
Don't they ever dare na subukan ako dahil pagsisisihan nila.
"Ma'am , saan po punta natin?"
Nabalik lang ako sa katotohanan nang magsalita si Manong.
Kaya napatingin ako sa kaniya, abala kasi ako sa pagreretouch dahil sa masyado akong na-haggard sa buong araw na ito.
"House muna po Manong , kailangan ko na munang mag-rest bago boutique.."
I said saka pinagpatuloy ang ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...