Kabanata 48: Ang pagbabalik

57 2 0
                                    

Belle-

Napayuko na lamang ako nang tuluyan na siyang lumabas at umalis sa office.
I feel guilty dahil sa nangyari. Dahil alam kong ako na naman ang rason kung bakit siya nagalit at umalis ng ganoon. Kung bakit maging ang mga totoo naming mga magulang ay nagalit din sa kaniya subalit kung iisipin niyang maging ang pagkalat ng sikreto naming matagal naming inilihim ay kasalanan ko, labas ako roon dahil kahit ang mga taong pinagsabihan ko noon especially Zeny ay hindi rin magsasalita.

"I'm sorry , Mr. And Mrs. Dela Cruz but I think mas makabubuti kung kayo na mismo ang mag-ayos ng gusot na ito lalo na't mga anak nyo pa mismo ang nasasangkot sa gulong ito. I have to go, maiwan ko na muna kayo."

Sambit ng Guidance Counselor saka na siya umalis. Nahihiya man subalit muli ko na lamang iniangat ang aking mukha at napatitig sa kanilang dalawa.

Kaagad namang kumawala ang mga luha sa aking mga mata nang muli nila akong yakapin. I can't believe this. Hindi lang ako makapaniwala na yakap ko na sila ngayon , ang mga totoo kong magulang na akala ko noon , hindi ko na muling makikita pa.

"Kamusta ka ? Kaya pala , iba ang naramdaman namin kahapon nang una tayong magkita kahit na sinabi mong katulong ka. Alam mo bang sabik na sabik na kaming makita ka , at ngayong nandito na muli kami, hindi na ulit namin hahayaang mawala ka pa sa aming piling Belle."

Napangiti ako . At hindi ko inaasahang ganoon naman pala talaga sila kabait. Siguro , kung hindi sila nangibang-bansa at hindi nila iniwang mag-isa si Lulu dito sa Pinas , baka napalaki rin ng maayos si Lulu , kaso hindi. Mali ang naging pagpapalaki sa kaniya. Iba daw talaga kasi kapag lumaking wala sa puder ng magulang. Kaya masasabi kong swerte ko pala dahil kahit na nawala ako, lumaki naman akong masaya sa piling nina Inay at Itay sa probinsiya kahit na hindi pala sila ang totoo kong magulang.

"Nga pala , saan ka tumutuloy ngayon? Maaari ka na naming maihatid patungo roon upang kunin ang gamit mo at bumalik ka na ulit sa Mansion."

Napatingin ako sa kanila.

Ano daw? B-babalik ulit ako sa Mansion??
Naku, di kaya malaking gulo na naman ito.

Umiling na lamang ako sa tugon nila.

"Naku hindi na ho , mas mabuti na muna ho sigurong makitira muna ho ako kay Yaya Mandy pansamantala dahil tiyak mas lalo lamang hong gugulo ang sitwasyon kapag namalagi ulit ako sa Mansion. Huwag po kayong mag-aalala at okay na okay po ako doon--"

Saad ko. Sana naman , kahit papaano ay mapapayag ko sila sa gusto kong mangyari. Lalo na't magulo at mas lalong naging komplikado ang sitwasyon naming magkapatid sa ngayon at baka magmistulang aso at pusa na naman kami sa loob ng Mansion.

"Kay Yaya Mandy ka tumutuloy?? "

Muli akong napatitig sa kanila nang muli silang magsalita. Teka , kilala nila si Yaya Mandy ? Pero naalala ko nga pala , matagal nang nagtatrabaho si Yaya sa Mansion nila at napag-alaman ko ring siya ang isa sa mga nagpalaki at nag-alaga kay Lulu mula pa nang bata pa ito kaya hindi nga nakapagtataka na kilalang kilala siya ng mga ito.

At ngayon pa lamang ay iniisip ko na kung ano ang maaari kong itawag sa kanila. Kahit kasi sa pag-iisip , naiilang akong tawagin silang Mama at Papa dahil hindi ako sanay.

"O-opo , kaya sana po hayaan nyo na muna po akong tumuloy doon pansamantala "

Saka ako muling napayuko. Parang ang sama naman yata ng sinabi ko at kahit na may pagmamakaawa pa rin ang tono ng pananalita ko nang sabihin ko iyon, alam ko sa sarili ko na hindi sila papayag. Pero inihanda ko na rin naman ang sarili ko sa mga maaaring mangyari.
Dahil alam kong kahit ko man gustuhin , babalik at babalik talaga ako sa Mansion.

LuluBelle -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon