Kabanata 75: Music Fest

29 0 0
                                    

-Belle-

"Sis? Sis?"

Naggising ako sa  isang malakas at matining na boses na sumalubong sa tenga ko. Iisipin ko pa sanang panaginip lang iyon dahil masyado pa akong inaantok at bukod pa dito'y hindi pa handa ang katawan ko and at the same time tinatamad din ako kaso I leave no choice kaya naman kaagad ko nang napagdesisyunang bumangon at nang maidilat ko ang aking mga mata ay napangiti ako sa nakita ko.

Si Lulu.

Si Lulu ang tumambad sa akin at kasalukuyan na siyang naka-uniporme.
Kaya naman napabangon ako kahit na medyo nahihilo pa rin ako. At agad na tinignan ang oras , 7 am palang pala pero teka , bakit parang ang aga naman yata niyang maggising??

Oo nga pala ! Lunes nga pala ngayon at ngayon na mismo start ng Music Fest. Ano ba yan mukhang nagka-amnesia yata ako.

"Mabuti naman gumising ka na. Mukhang kasalanan ko pa yata dahil nag-movie marathon tayo kahapon."

Nakapout niyang wika habang nakatingin sa akin. Ginulo ko na lamang ang buhok niya saka na tumayo upang ayusin ang aking pinaghigaan. Kagaya ng sinabi niya , nanood nga kami ng movie kahapon at halos 12 na rin kami natulog dahil mukhang nag-enjoy kaming dalawa.
Pero kahit na medyo napuyat ako ay hindi ko naman pinagsisihan iyon dahil ang makasama at maka-bond ang kapatid ko ang isa sa mga memories na hindi ko talaga malilimutan.

"Naku hindi. Actually, I always cherished it . Every memories na lumilipas kasama ka , Kasama kayong lahat. Alam mo bang wala akong pinagsisihan dahil nakikita ko kung paano ka magbago , kung paano mo nilabanan ang sarili mong poot at galit upang baguhin ang pagkatao mo at ngayon , talagang masayang masaya ako dahil nakikita kitang ganyan , nakikita kitang masaya sa ginagawa mo. Matagal ko din kasi itong hiling eh kaya nga kahit anong pananakit mo sa akin noon, ni minsan hindi ko naisip na gawan ka ng masama , Lulu ni minsan hindi ko ninais na magtanim ng galit saiyo dahil ganun kita kamahal."

Ngumiti na lamang siya ng malawak saka muling hinawakan ang aking kamay.

"Don't worry Belle ,hindi na muling babalik pa ang dating ako. Ang dating ako na walang ibang ginawa kundi ang saktan ka , ang apihin ka na hindi ko naman dapat ginawa. Actually hanggang ngayon nga nahihiya pa rin ako sa iyo, sa inyo kung paanong nananatili pa rin kayong mabuti sa akin afterall ng pinaranas ko sa inyo. Belle , sorry kasi ako naman talaga ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay mo eh , kung sinabi ko man saiyo noon na gumanti lang ako dahil ganun rin ang ginawa mo sa buhay ko then I'm wrong . I'm wrong dahil it's me. Ako lang naman talaga ang may kasalanan. Ako mismo, ginawa kong miserable ang buhay ko , dahil sa ugali ko. At napakasama ko , dahil pagkatapos ng lahat ng kabutihang ibinigay mo sa akin, wala akong ibang sinukli sayo kundi ang pananakit , ang paninira. Ako nga pa nga ang dahilan kung bakit nawala ang requirements mo kaya Belle sorry , kung may paraan pa lang sana para makuha ko ulit yung requirements mo then may pag-asa pang bumalik ka sa tourism course--"

"Sshh, tama na. Pinag-usapan na natin ito diba?? Tsaka diba sabi ko naman sayo , hindi ka pa humihingi ng tawad pinatawad na kita. Kaya itigil mo na iyan at wala naman akong sinisisi sa nangyari. Ang mahalaga lang ngayon eh masaya na tayo. At masaya ka na kay Sam."

"I love you sis."

Napatigil ako nang bigkasin niya ang mga katagang iyon kaya naman muli na lamang akong napangiti at niyakap siya.

Hindi ako makapaniwalang , babanggitin niya ang mga words na iyon. Parang kahapon nga lang nang sabihin niya ang mga katagang " I hate you."

"I love you too, tara na. Breakfast na tayo nagugutom na ako."

"Sure. Tsaka magugulat ka sa mga niluto ko."

Muli akong napatingin sa kaniya .

"Niluto mo??"

LuluBelle -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon