-Belle-
"Maagang umalis si Lulu , pero hindi niya nasabi kung saan siya pupunta."
Wika ni Yaya Mandy na ikinabigla ko.
Umalis siya ng walang paalam? Aba'y mukhang bago yata iyon ah.
Nakakapagtaka."Belle , baka naman sadyang may lakad lang , baka naman may date sila ng boyfriend niya at ayaw paistorbo diba."
Ani Yaya Pau na kasalukuyang naghuhugas ng mga pinggan. Kung iyon din naman ang dahilan kung bakit agad na lamang siyang umalis ng walang paalam eh hindi naman ako mag-aalala ng ganito unless sinabi niya sa akin kahapon pa lang na may pupuntahan siya. Hindi talaga kasi ako mapakali lalo na't marami na nga akong naiisip ngayon tapos dumagdag pa siya.
"Oo nga , baka iyon nga ang dahilan tsaka hindi ba't may tiwala ka naman sa kapatid mo? Dalaga na iyon , may boyfriend na nga kagaya mo eh kaya wag ka nang masyadong mag-alala. Beside kaya naman niya ang sarili niya."
"Pero Ya , iba pa rin po kasi kapag alam ko kung nasaan siya like kung saan siya nagpunta. What if puntahan ko po siya ? I mean hanapin ko po? Isasama ko naman po si Manong kaya huwag po kayong mag-aalala."
Wika ko kay Yaya Mandy na busy naman sa pagwawalis. Ewan ko ba kung bakit tila ba hindi na naman ako mapakali. Siguro ganito lang ako kapag nag-aalala ng husto. Bakit kasi kailangang ganito pa na pagkatapos ng isang problema eh may mga susunod na naman. Kaya nga patuloy ko nalang pinanghahawakan ang mga katagang " Hindi kayo binigyan ng Diyos ng pagsubok na hindi ninyo kaya"
Kaya naniniwala akong kaya ko ito , kaya ko itong harapin at pagtagumpayan."Bakit , saan ka pupunta Belle?"
Napalingon naman ako nang biglang dumating si Mama na yumakap pa sa akin nang salubungin ako.
Paalis pa lamang sila."Ah hahanapin ko po sana si Lulu , Ma. Umalis po kasi siya ng walang paalam at since hindi po ako mapalagay kung saan siya nagpunta , balak ko po sanang alamin."
And first step ko sa paghahanap ay kontakin si Sam kung kasama ba niya si Lulu dahil sa mga oras na ito, siya lang naman ang maaaring puntahan ng kapatid ko.
"Saan na naman ba nagpunta ang batang iyon. Sige , I'll let you na hanapin siya pero mag-iingat ka ah. Tsaka isama mo na din si Manong , si Johny na ang bahalang magmaneho ng isang kotse."
Wika ni Mama na muli naman akong niyakap nang biglang dumating si Papa.
Kahit na palagi nila akong iremind na Mom and Dad nalang ang itawag ko sa kanila kagaya kay Lulu , still I can't stop myself from calling them Ma and Pa kahit sa panaginip ko. I don't know. Feeling ko kasi hindi bagay sa akin ang bigkasin ang mga word na iyon.Muli naman akong napangiti nang agad na sumalubong sa akin si Papa na kasalukuyang napakaformal ng suot.
"Oh , may lakad kayo ni Cholo?"
Tanong niya nang marinig ang pinag-uusapan namin kanina.
"Wala po, si Lulu po kasi maagang umalis ng Mansion nang hindi nagpapaalam kaya nga po nagbabalak po akong hanapin siya at ipagtanong. Hindi po kasi ako mapakali hangga't hindi ko nalalaman kung nasaan siya at kung sino ang kasama niya. Mahirap na po kasi sa panahon ngayon. Sana nga po kasama niya si Sam.."
Sana nga , dahil kung hindi siya kasama ni Sam , naku wala na akong PLAN B.
Wala na akong maisip na maaari niyang puntahan ."Aba'y mabuti yan. Basta mag-iingat ka lang sa lakad mo."
"Syempre naman po lagi naman po iyan ang isinasaalang-alang ko. Thank you po at lagi nyo pong tatandaang mahal na mahal ko po kayo."
Nahalata kong nagulat sila sa sinabi ko to the point na agad pa silang nagsitinginan sa isa't isa.
Nang muli nilang ibinaling ang tingin nila sa akin ay isang napakatamis na ngiti na lamang ang natanaw ko sa mga mukha nila.
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...