-Lulu-
"LULU!!!!!!!!"
Pinili kong takpan ang aking tenga upang hindi siya marinig. Dahil sa totoo lang ay kinakabahan na ako sa mga nangyayari at sa mga susunod pa. Sa puntong hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, kung dapat ba akong tumakbo o manatili na lamang sa kinaroronan ko dahil pakiramdam ko'y halos manigas na din ako sa kinatatayuan ko.
Ito na ba? Ito na ba ang katapusan ko? Ang katapusan ng buhay ko? And it shouldn't be dahil marami pa akong gustong gawin, marami pa akong plano at hindi pa ako masaya. Hindi ko pa natatamasa ang buhay na maging maligaya, na kayang tanggapin ng karamihan , na kayang unawain at higit sa lahat , hindi ko pa nararamdamang mabuhay ng walang bahid ng poot at galit dahil kahit noong hindi pa man dumating ang isang Belle sa buhay ko, ni hindi ko na naranasang maging masaya dahil wala ang parents ko sa aking tabi. In my 1st , 2nd, 3rd and 'til I celebrated my debut? Wala sila sa tabi ko at ngayong kapiling ko na nga sila'y still , hindi ko pa rin maramdaman ang presence nila. That's why I badly want happiness at makukuha ko lamang iyon kapag nakuha at naranasan ko na ang buhay na noon ko pa man hiniling.
Sa aking muling pagpikit ay tanging iyon lamang ang pumasok sa isip ko.
To be free and happy.
At sana .. sana bigyan pa din ako ng chance na magawa lahat ng iyon.
But if , If this is my fate?
Then maybe I leave no choice but
to
accept
it.
Niyakap ko na lamang ang aking sarili habang hinihintay na salpukin ng malaking truck na iyon ang aking katawan nang mabigla ako sa kamay na agad na tumulak sa akin na naging dahilan upang tuluyan akong matumba sa gilid ng kalsada.
Napapikit ako dahil halos sumalubong na sa aking mukha ang mga alikabok dulot ng pagkakadapa ko s-subalit napangiti ako.
Totoo ba ito?? M-may nagligtas ba talaga sa akin?
Bago pa man ako makabangon sa aking kinatatayuan ay halos mabingi ako sa tunog ng dumaang truck na mas nagpalakas sa tibok ng puso ko.
Muntik na. Muntikan na akong mamatay kung walang tumulak na kamay sa akin.
Kaya ang naiwang tanong sa aking isipan ay...S-sino ang nagligtas sa akin???
Masakit man ang naidulot ng aking pagkakadapa ay pinilit ko pa ring tumayo dahil sa sobrang curious sa kamay na nagsilbing savior ko sa masalimuot na kapahamakan subalit bago ko pa man iyon magawa ay hiyawan na nang mga tao ang sumunod.
And it creeps me out . It gives me goosebumps for any reason.
"May babae!! Tulungan natin ang babae!!"
Wika ng isang ale na nakatayo maybe 5 meters away from me. Akala ko, akala ko sa akin siya nakatingin ngunit nagkamali ako dahil .. dahil sa gitna ng kalsada siya nakatingin gayundin ang mga taong naglalakad.
S-so I choose na makita kung sino ang tinutukoy at pinagkakaguluhan nila.
Sa aking pagbangon ay mas nanlumo ako sa sumunod kong nasaksihan.
Si Belle.
Kasalukuyan siyang nakahiga sa gitna ng kalsada ,
walang malay at ..
Duguan.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko k-kaya kahit nanginginig ako'y pinilit kong humakbang patungo sa kaniya kasabay nang pagbuhos ng aking mga luha sa mata.
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...