Kabanata 33: Sumbong

51 4 0
                                    

Belle-

"Yaya Pau, ako nalang ho niyan , gusto ko pong tumulong sa pagluluto lalo na't lagi nalang kayo ang nanjan.."

Wika ko nang makababa ako sa kusina. Kahit papaano kasi, nabawasan ang mga problema ko dahil sa wakas natapos ko na ang mga requirements at makakapasa na ako bukas , as in sure na talaga. Kaya nga sobra ang pagpapasalamat ko kay Cholo dahil tinulungan niya ako kahit na napakakomplikado ng sitwasyon naming dalawa.

"Naku, Belle huwag mo nang guluhin yang si Pau at obligasyon naman talaga niyang gawin iyan , umupo ka nalang jan at sabihin mo lang kung nagugutom ka na dahil may pagkain naman sa refrigerator. Alam kong nagutom ko sa exam mo."

Ani Yaya Mandy na lumapit pa sa ref upang kuhanan ako ng makakain. Napangiti na lamang ako.

"Yaya Mandy naman oh, ginagawa mo na naman akong baby niyan."

Pambibiro ko saka tumawa.

"Syempre , baby naman talaga kita. Oo nga pala kamusta nga pala ang exam mo? May nanakit na naman ba sayo?"

Ayan. At nakita ko na naman ang Yaya Mandy na walang ibang ginawa kundi ang mag-alala para sa akin. Bakit kaya ganoon ano? Si Lulu na inaasahan kong tatratuhin ako ng mabuti dahil sa tunay ko siyang kadugo at kapatid eh siya naman itong hindi ko makasundo at ang mga tao pang ni hindi ko man lang kaano-ano kagaya nila ay sila pa ang nagpapakita ng kagandahang loob sa akin.
Kaya kahit pala marami ang pagsubok na dumarating sa buhay ko ngayon, may kakampi pa rin talaga ako at may laging nanjan upang magmalasakit sa akin.

"Wala naman pong nangyaring gulo kanina eh ang totoo ho niyan hindi naman ako nakapag-exam kasi hindi daw po maaaring mag-exam ang mga kulang pa ang requirements for this semester and since transferee po ako, marami po akong requirements na kailangang habulin at tapusin kaya iyon po ang inasikaso ko kanina - mabuti nga ho at natapos ko na."

At sa wakas makakahinga na rin ako ng maluwag. At makakatulog na din ng mahimbing hehe.

"Aba mabuti naman. Kumain ka na muna ng tinapay habang hindi pa naluluto ang ulam at umupo ka lang jan dahil si Pau na ang bahalang magluto."

Ani Yaya Mandy matapos niyang ilagay sa mesa ang cheese bread na galing sa ref.

"Tama si Manang Mandy, watch and learn nalang ikanga tsaka ikaw ang amo namin dito kaya hindi mo kailangang gumawa ng mga dapat naming gawin. Belle, hayaan mong pagsilbihan ka namin."

Napangiti na lamang ako but still kahit na medyo matagal -tagal na akong naninirahan dito sa Mansion kasama si Lulu , di ko pa rin marecognize ang sarili ko as a wealthy person na kapatid ng isa sa mga tinitingalang bituin sa campus at hindi pa din mag-sink in sa utak ko na may-ari ako ng malaking Mansion na ito . Parang panaginip pa rin kasi ang lahat. Wala lang. Feeling ko kasi hindi ko deserve lahat ng ito.

"Amo? Bakit may iba pa bang owner nitong house ? Ako lang, at ako lang ang magmamana nitong Mansion!"

Napatigil ako sa kinauupuan ko nang biglang dumating si Lulu na tila ba narinig ang pinag-uusapan namin kanina.

Napatingin ako kay Yaya Pau na mukhang nagulat sa sinabi ni Lulu at pinili na lamang manahimik.

"Lulu... Mag-meryenda ka na muna--"

"Busog pa ako. And pwede ba ? Huwag mong ibahin ang topic. Mabalik ulit tayo sa Mansion at sa tunay na may-ari nito.Ano ang naririnig ko na may iba pang nagmamay-ari dito?"

Napatayo ako sa kinauupuan ko at hinarap siya. Nakita ko na naman ang pagkagalit sa kaniyang mukha.

Samantalang kanina, parang may anghel na sumapi sa kaniya nang salubungin niya ako sa pagdating ko pero ngayon , bumalik na naman ang dating siya.
Ang mapagmataas at mataray na Lulu.

LuluBelle -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon