Kabanata 69: Confirmation

39 0 0
                                    

-Belle-

"I'm sorry pero matagal nang walang CCTV Footage sa sinasabi ninyong hallway. Way back 2006 pa mula nang maalis dahil sa mga typhoon na dumarating."

Sambit ng CCTV operator na nagpalungkot sa akin.
Napayuko ako. This can't be. Akala ko pa naman tuluyan ko nang makikilala kung sino ng ba si Ninja Girl na nagsilbing hero ko laban sa mga babaeng bumully sa akin , iyon pala'y hindi na.

"Ganun po ba . Eh kahit po ba sa paligid ng hallway? We just badly want to know lang po.kasi kung talagang legit ang  sinasabi ni Belle na nakakita siya ng nakaitim na girl."

Napatingin naman ako kay Wendy na nakayuko habang tumitingin sa mga CCTV videos na kasalukuyang nasa screen.

Up until now , kahit hindi man nila sabihin ay nararamdaman kong may pagdududang namumuo pa rin sa kanilang mga mukha na baka hindi totoo ang sinasabi ko. But they have their own opinions , ang alam ko , totoo ang nakita ko at hindi lamang ako basta gumagawa ng kwento..

"Hmm, meron naman . Mga anong oras ba iyon nangyari??"

"Maybe around 8 or 9?"

Bigla akong nabuhayan ng loob at nabigyan ulit ng pagkakataon mapatunayann na totoo ang sinasabi ko. Pero sa tuwing naiisip ko ang sinasabi ni Cholo na lumabas sa result ng check up sa akin ng nurse kanina na may certain substance na nakainfluence sa akin kaya bigla na lamang akong nahilo that time, natatakot akong iyon ang gamitin nilang rason para ipalabas na , hindi totoo ang sinasabi ko.

"Ito yun. Wala na kaming ibang copies . Tignan nyo nalang kung may certain naka-kulay itim kayong nakitang maglakad. Maiwan ko na muna kayo."

Umalis na nga ang operator habang naglakad na nga ako papalapit sa screen at pinanood ang CCTV video --

Pero dumating na lang ang isang oras ay wala pa rin kaming something na nakikitang kulay itim na dumadaan kaya naman napatingin silang dalawa sa akin.

"P-paano ba yan Belle? Mukhang hindi sayo nakikiayon ang sitwasyon at parang wala na yatang chance na makita pa natin siya?"

Sambit ni Wendy na hinawakan pa ang kamay ko.

"Ano ka ba Dy , there's still chance at maraming pagkakataon. Siguro , hindi lang ito sapat na proof para makita natin siya. Si Cholo.  Sabi kasi niya'y magtatanong -tanong siya sa mga students na madalas tumambay doon kung may nakita din daw ba silang dumaang nakaitim that time at sa dami ba naman ng students na pwede niyang pagtanungan ay imposible naman yatang may makuha siyang impormasyon."

Napangiti ako. Tama si Ethan. Marami pa ngang chance kaya naman hindi talaga ako dapat mawalan ng pag-asa.

"Thank you so much , Sir. Hanggang sa muli po."

Magalang na wika ni Ethan nang muling dumating ang operator. Nauna na rin akong naglakad palabas sa room.

At nang makalabas na kami'y muli kong niyakap si Wendy.

"Salamat Wendy. Dahil sa mga oras na ito'y lagi ninyong pinapatunayan sa akin na mabuti kayong tao at mabuti kayong kaibigan. Ni hindi ko naman kayo finorce na tulungan ako pero ginawa nyo pa rin."

"Ano ka ba , Belle. You don't need to send your gratitude tsaka diba nga ang magkakaibigan ay nagtutulungan? Tsaka oo nga pala, hindi ko nasabi saiyo na kusa nang na-suspend ng 1 week yung mga babaeng umapi saiyo at muntik ka nang patayin dahil sa pinaamoy saiyong substance."

Napatigil ako sa sinabi niya kaya naman muli ko silang tinitigan.

"Ano?? G-ginawa nyo yun??"

Nagkatinginan silang dalawa at muli akong hinawakan ni Wendy sa kamay.

LuluBelle -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon