Sam-
"Kuya , bakit ganon si Ate Ganda? Bigla na lamang siyang umalis tsaka akala ko ba dito na siya titira ?"
Pagtatanong ni Sophia habang ako nama'y abala sa paghuhugas ng pinggan. Up until now hindi ko pa din talaga alam kung bakit ganon na lamang siya kung magtiwala kay Tiffany dahil kung tutuusin talagang malaki ang duda ko sa kaniya.
At ngayon , sigurado akong may nakahanda na naman siyang plano at malakas din ang kutob ko na magtutulungan silang dalawa kaya bago pa man mahuli ang lahat ay kailangan ko nang gumawa ng paraan upang hindi nila matuloy kung anoman ang masamang balak nila kay Belle dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag muli pa rin siyang nagtagumpay sa mga plano niya. I admit na gusto ko pa rin siya , at gusto ko na rin siyang magbago."Ewan ko. May bago na daw kasi siyang tutuluyan at sa tingin ko nama'y mas komportable iyon kaysa dito."
"Aba'y sinabi mo pa Samuel. Eh kung talagang hindi likas na maarte ang taong iyon eh di sana hindi siya basta basta umalis dito sa bahay. Palibhasa kasi pinalaking spoiled kaya pati pag-uugali ay sumama at nasobrahan na din."
Sambit naman ni Mama na hindi ko napansing kanina pa pala nasa likuran namin. Kahit kailan talaga ay napapansin kong hindi siya boto kay Lulu at hindi niya ito gusto para sa akin. Pero hindi ko naman siya mapipilit na magustuhan siya dahil in the first place , hindi naman talaga kahanga-hanga ang ugali ni Lulu but I don't know , maybe there's something na nagustuhan ko sa kaniya at hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga madescribe kung ano yun.
Basta ang alam ko , masaya ako kapag kasama ko siya at patuloy akong umaasa na magbabago pa siya."Ma, akala ko ba naiintindihan mo na si Lulu. I mean naiintindihan mo na ang sitwasyon niya kung bakit siya ganoon. Hindi naman niya kasi ginusto kong lumaki siyang malayo ang biological parents sa tabi niya at hindi rin natin sila masisisi kung talagang mas pinili nilang bigyan ng mabuting kinabukasan si Lulu kaysa ang makasama ito dito sa Pinas. At wala tayong karapatang husgahan sila dahil tao rin sila at nagkakamali."
"Si kuya talaga. Bakit kasi hindi mo nalang aminin kay Mama na gusto mo pa rin si Ate Ganda?"
Napatingin ako kay Mama na nagulat sa sinabi ni Sophia. Kaagad ko namang kinurot ang nakababata kong kapatid sa tagiliran nito. Napakadaldal kasi.
"Sinasabi ko na nga ba at kaya mo pinatuloy iyang babaeng yan dito ay hindi dahil sa kaibigan mo siya at nagmamalasakit ka sa kaniya , iyon pala ay dahil sa may iba kang motibo at may nararamdaman ka pa rin para sa kaniya. Samuel ,ilang beses ko bang sasabihin at ipapaliwanag sayo na itigil mo na yang nararamdaman mo dahil kahit kailan hindi ka niya magugustuhan naiintindihan mo ba ? Mayaman siya kumbaga langit ka at lupa ka lang kaya tigil-tigilan mo na yang pagtulong at pagmamalasakit mo sa kaniya. Tsaka sa tingin mo ba kapag nalaman ng lahat ng tao sa eskwelahan ninyo ang totoo matutuwa pa rin sila sayo? Eh diba nga mayayaman ang mga tao roon at kaya nga kita pinag-aral ay upang magkaroon ka ng magandang kinabukasan."
"Iyon na nga Ma , dream school iyon para sa nakararami at napakasuwerte ko dahil kahit na ganito ang sitwasyon natin , nakakapag-aral pa rin ako at doon pa sa sikat na paaralang iyon kaya mas pinagbubutihan ko ang pag-aaral ko. Sinunod ko lahat ng payo ninyo sa akin at palagi ko kayong sinusuportahan sa lahat ng gusto ninyo kaya sana by this time , iyon naman ang gawin ninyo. Ang suportahan ako sa bagay na higit na makakapagpasaya sa akin. Ma , alam ko pong hindi naging madali sa inyo na magustuhan si Lulu dahil oo , maarte siya at maldita pero maniwala ka , mabuting tao rin po si Lulu at kaya ko siya tinutulungan ay upang mas mangibabaw ang kabutihang iyon sa puso niya. Dahil hindi po likas na masama ang tao . Kagaya ni Lulu , hindi po siya likas na masama at naniniwala akong malaki pa ang tsansa na mabago iyon. Sadyang nakaranas lang siya ng matinding poot at galit at iyon ang naging rason upang tuluyan nang matakpan ang kabutihan sa puso niya."
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...