Kabanata 95: Farewell

62 1 0
                                    

-Cholo-

Hindi lamang si Lulu at ang pamilya ni Belle ang nanlulumo at nalulungkot sa sitwasyon dahil masakit din iyon para sa akin. Thinking na matagal na akong close sa family nila since childhood friend ko si Lulu at bukod pa dito , kaibigan ko sila at girlfriend ko si Belle.

Yakap ko pa rin ngayon si Lulu habang hinihintay sa update ng doktor dahil sa bigla na lamang inatake ng ganoon si Belle which is karaniwan lamang daw to those who remains unconscious or in -state of coma. Gustuhin ko mang umiyak dahil sa lungkot ngunit pinigilan ko ang sariling gawin iyon dahil kailangan kong maging magandang huwaran sa harap nilang lahat. Lalo na kay Lulu na habang tumatagal ay mas pinanghihinaan ng loob.
And I understand her dahil hindi lamang ang kalagayan ni Belle ang inaalala niya, kundi maging ang sitwasyon ng kanilang pamilya including Sam and Tita Alicia.
At sa mga oras na ito'y mas kailangan nga niya ng comfort upang patuloy siyang mamotivate na maging matapang na harapin ang sitwasyon. She must be strong enough to conquer all of it.

"Lulu! Apo!!"

Maya-maya lamang ay napatigil ako nang may biglang nagsalita kaya naman kaagad kaming tumayo upang tignan kung sino ang dumating.

Si Lola Flor pala. Ang lola ni Lulu na siyang naging kasama niya nang maliit pa siya. At sa pagkakaalam ko'y tumungo ng States nang mag-insist ang tiyahin niyang si Tita Ester na siya na ang bahalang mag-alaga kay Lulu.
Ang gulo ano? Maging ako'y naguguluhan din sa naging nakaraan ni Lulu. Kaya hindi na din siguro ako nagtaka kung simula pa lamang noon ay naging masama na ang kaniyang ugali.

Yet I'm thankful na nagbago na siya at narealize na niya lahat ng iyon.
Belle is an angel totally. Dahil nagawa niyang iligtas ang kapatid niya upang marealize lamang nito ang lahat ng mga pagkakamaling nagawa in the past.
And it would be a better place for them dahil sa wakas , magiging maayos na muli ang lahat kaakibat ng pagkaalam sa totoong dahilan kung bakit at paano nga ba nawalay ang isang anak ng mga Dela Cruz na si Belle sa puder ng mga ito?

Sana nga lang , maging okay na ang lagay niya.

"L-lola?? I miss you! I miss you so much!"

Agad na tugon ni Lulu nang salubungin ito.

Nalungkot na rin lang ako dahil sa tagal ng panahong hindi na ito muling nakauwi dito sa Pinas , ni hindi man lamang niya nasilayan at nakilala ng personal ang isa niyang apo.

"I miss you so much din apo , at masaya ako na nakita ulit kita . P-pero yung kapatid mo, s-si Belle. Ang isa kong magandang apo, kamusta na ang lagay niya?"

And here it is.

"Comatose pa rin po siya 'La , pero huwag na po kayong mag-alala dahil matapang po si Belle at kaya niyang lumaban sa kalagayan niya. I think wala na rin po tayong choice ngayon kundi ang mas maging matapang para kay Belle so in that way , mas mamomotivate din siyang magpakatatag."

Napangiti ako.

Siya na nga ang dating Lulu na matagal ko nang hinihiling at hinihintay na bumalik.

"Sana nga apo dahil I can't wait na makasama siya in States."

"Po?"

Hindi lamang si Lulu ang napatigil sa nabanggit niya kundi maging ako. Makasama sa States?? P-pupunta sila sa States?

Napatitig ako kay Tito at Tita na naroon din habang seryosong nakatingin sa anak nila. Mukhang may binabalak yata silang hindi namin alam.
Bigla akong naintriga sa sitwasyon kaya naman muli pa akong lumapit sa kanila upang mas marinig ng mabuti ang kanilang pag-uusap.

"M-mom, Dad w-what does it mean?"

Muli silang natahimik.
Mukhang hindi ko yata magugustuhan ang mga susunod nilang sasabihin.

LuluBelle -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon