Lulu-
"Your so nice Lulu, I can't stop myself from laughing everytime na naiisip at naaalala ko ang naging reaksyon niya nang mawala ang folders niya like what the heck .."
Natatawang sambit ni Audrey nang tuluyan na kaming makaalis sa Mansion. At maging ako ay wala pa ring patid ang saya habang naiisip si Belle. Too bad at talagang napili ng tadhana na pahirapan nalang siya ng pahirapan kaya malas niya dahil bukod sa hindi na siya makakapasa ng requirements niya na dapat niyang ma-submit ngayong araw na ito, manganganib pa siyang bumagsak at mapilitang lumipat sa ibang course .
And finally isa na ito sa pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko.
Kaya humanda ka na Belle dahil katapusan na ng lahat ng kapabibuhan at kalandian niya.."And that was indeed the happiest thing ever happened in my life dahil makikita ko na siyang malugmok ng paunti-unti at kapag nangyari lahat ng plano ko? Mapipilitan na siyang umalis sa Mansion at maipapatapon ko na ulit siya sa probinsiya. Sa paraang iyon, marerealize niya na hindi dapat siya nandito at mali siya ng binangga niya.. "
"Oww , what a surprise and I'm happy for you Lulu, I'm happy for the success of your plans.."
"Yes yes .. ito na yun at malapit ko nang makuha ang pinakahihintay ko.."
Ang pinakahihintay kong maagaw muli si Cholo sa kaniya at nang makaalis na siya sa bahay ko at sa buhay ko!
"That's why I'm so proud of you haha.."
Muli akong napatingin sa kaniya . Hmm actually hindi naman talaga magiging successful lahat kung hindi niya ako tinulungan sa mga gusto kong mangyari.
And she's definitely the perfect buddy for me.
"Well , that's all because of you too dahil tinulungan mo ako.."
"Oo na , oo na pero plano mo pa rin iyon right??"
Itinaas ko lang ang kilay ko at nakipag-apir sa kaniya.
At muling natawa dahil sa pumasok na naman sa isipan ko kung paano namin iniwang kaawa-awa ang babaeng iyon. At kung paano namin ipinalabas na kasalanan niya ang nangyari -
Well, buti nga iyon sa kaniya saka it's indeed her fault anyway , kung hindi lamang siya naging pabibo at naging papel sa harap ko at sa lahat ng mahahalagang tao sa buhay ko especially Cholo, hindi ito mangyayari sa kaniya.
So she must blame herself. She SHOULD blame herself.
"Eh Ma'am Lulu, bakit po kayo nagsinungaling kay Belle? Kawawa naman po siya , kayo pa pala ang may kagagawan kung bakit nawala ang folder na sinasabi niya kanina.."
Subalit , nawala lahat ng good vibes na naramdaman ko nang magsalita si Manong.
Bwisit. At talagang sumasabat pa siya sa usapan ng may usapan."Can you please shut your mouth up? Tsaka kasama ka ba sa usapan namin ah? Hindi kita kinakausap kaya wag kang sumabat jan! Then anong pake mo kung kasalanan nga namin ang nangyari? Afterall deserve naman ng babaeng iyon ang nangyari!"
Sigaw ko sa kaniya. Nakakasira ng araw , yung feeling na nakumpleto na ang araw ko dahil nagawa paraan ko na lahat ng plano then sasatsat pa siya.
"Pasensya na po Ma'am , pero hindi po ba kayo naaawa kay Ma'am Belle? Parang lagi nyo nalang ho siyang inaapi."
"So , kinakampihan mo pa ang babaeng iyon? Isa ka ring malaking tanga noh , sabihin mo lang dahil tutal madali ka namang palitan!"
Nakakainis na lang dahil pati siya , halos kampi na rin kay Belle. I'm just wondering kung bakit lahat na lang sila naaakit ng babaeng iyon . Eh di hamak naman na mas maganda at mas matalino ako kaysa sa kaniya.
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...