Belle's POVBahagya kong naidilat ang mata ko nang may marinig akong tunog ng piano. Ngunit muli ko itong naipikit dahil sa matinding lamig na naramdaman ko kaya kaagad kong binalot ng kumot ang katawan ko. Napakalamig at mukhang sinadya yata ni Lulu na lakasan ang aircon sa kwarto at naging ganito kalamig.
Kahit na parang sumakit na din ang ulo ko sa lamig sa buong kwarto ay pinili ko na lang na tumayo mula sa pagkakahiga ngunit halos matumba ako sa tumambad sa akin.
Hindi ito ang kwarto ko.
Bigla akong kinabahan dahil hindi sa akin familiar ang lugar.
"Nasaan ako??"
Tanong ko sa aking sarili habang patuloy na inaalala ang mga nangyari kahapon.
Pero tama. Ang tanging natatandaan ko ay si Cholo ang naghatid sa akin pauwi sa bahay. Pero nasaan ako??
Inikot ko ng tingin ang kabuuang bahagi ng room and I admit na maganda ang pagkakayari nito- pero kinakabahan ako. Bakit at paano ako napunta sa ganitong klaseng lugar?
Tsaka , sino ang nagdala sa akin dito??
Hindi kaya..."Gising na po pala kayo."
Napatigil ako sa nagsalita at nagulat ako nang makita ang isang babaeng nakangiti sa akin.
Agad akong lumapit sa kaniya.
"Ate, nasan po ba ako? S-sino po ba kayo??"
"Nandito ka sa bahay ni Sir Cholo, actually siya ang nagdala saiyo dito. Tulog na tulog ka nga ng ibuhat niya at dalhin dito sa guest room. Basang basa pa ng pawis ang suot mong uniporme kaya inutusan na rin lang ako ni Sir na bihisan ka ng damit at labhan ang uniporme mo para may masuot ka bukas.."
Teka... Ano daw? N-nasa bahay ako ni Cholo???!!
Shet
Di ako makapaniwala.
"Teka. Naguguluhan ho ako."
"Mabuti pa iha bumaba ka nalang muna at mukhang kanina ka pa niya hinihintay na maggising. Sumunod nalang po kayo sa akin."
Naguguluhan man ngunit pinilit ko pa ring sumunod sa kaniya. Yakap ko pa din
ang sarili ko dahil sa sobrang lamig na nanggagaling sa kwarto.Humahakbang pa lamang ako pababa ng hagdan ay naririnig ko na ang malamig na boses na sumasabay sa saliw at tugtog ng piano.
At hindi nga ako nagkamali, boses palang niya ay narecognize ko na siya na nga. Si Cholo na nga ang kumakanta.
Napangiti ako and at the same time nagtaka dahil papaano ako napunta dito? Dito sa mismong bahay niya?
Ano at sa papaanong paraan?
Nang ganap na akong makababa ay napangiti ako..
Mula nang aking masilayan
Tinataglay mong kagandahan
Di na maawat ang pusong sayo ay magmahal
Laman ka ng puso't isipan
Di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan..Hindi ko alam kung bakit tila ba napatulala na lamang ako doon habang pinapakinggan ang bawat ritmo ng kaniyang pag-awit. Iba kasi ang dating noon sa aking pandinig. Parang dinuduyan ako.
Bakit ba ikaw ang naiisip ko at
Di na mawala-wala ka
Kahit na alam ko na ang puso mo
Ay may mahal na ngang iba
Ayaw nang paawat ng aking damdamin
Tunay na mahal ka na
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...