--Lulu--
Hindi ko alam pero tila ba nagdilim na rin ang paningin ko at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko sa gusto kong gawin. Bigla ko na lamang siyang pinagsasabunutan dahil sa sobrang galit ko nang makita ko siya.
I just don't know. But it's my first time para magalit ng ganito sa isang tao to the point na gustong gusto ko na siyang patayin.
Sorry Belle , you took away all my limits at wala na akong pakialam saiyo ngayon.
"Lulu tama na yan ! Tama na yan "
"Jusko itigil mo na yan Lulu , wag mong saktan ang sarili mong kapatid!"
All of the voices na naririnig ko sa paligid habang halos ilupasay ko na si Belle sa sahig.
Pero hindi, hinding hindi nila ako mapipigilan sa gusto kong gawin at mangyari. Dahil hindi ako titigil hangga't hindi siya nagsisisi sa lahat ng ginawa niya sa akin.
Inagaw niya na lahat. Lahat ng bagay na mayroon ako.
At hindi ko na hahayaan na pati pagkatao ko, angkinin niya na rin!
"Ano bang mayroon saiyo na wala sa akin ha! Maganda naman ako ! I'm more beautiful than you but why??? Bakit ikaw nalang lagi ang pinapansin nila!! Bakit ! Ano masaya ka na?? Masaya ka na kayo na ni Cholo ha!! Na sinagot mo na si Cholo!!!??? Pwes don't be too confident cause I'll make sure na maaagaw ko siya sayo!!"
Halos tumulo na ang pawis ko sa kakasabunot at kakatulak ko sa kaniya.
Nakakainis at tila ba gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko siyang nasasaktan at nahihirapan dahil sa ginagawa ko.Sabihin nyo nang masama ako , but I'm happy doing this. Lalo na sa isang mortal kong kaaway.
Patuloy ko pa rin siyang pinagsasabunutan kahit na pilit na siyang kumakawala sa akin . Subalit nabigla na lamang ako nang tuluyan na siyang nakawala at kasabay nito ay ang malakas na pagtulak niya sa akin na naging dahilan upang bumagsak ang buong katawan ko sa sahig.
Argh. Stupid Belle.
Nakita ko na siyang tumayo at tumitig sa akin na lalong nagpakulo ng dugo ko.
Hindi Belle. Hindi ako makapapayag na matatalo mo ako.
Nakita kong tumutulo na ang mga luha niya sa kaniyang mga mata. Malamang dahil iyon sa sakit na dulot ng sabunot ko o kaya naman baka palabas lang iyon at nag-iinarte lamang siya para ipakita naman sa lahat ng maids na ganun ako kasama kahit ang totoo naman eh may tinatago siyang kalandian at kakatihan.
"Lulu, maniwala ka naman sa akin at wag mong hayaang lamunin ng matinding galit mo ang sarili mo! Walang kami ni Cholo! Akala ko ba nakita mo ang buong pangyayari?? Akala ko ba nakita mo ang confession ni Cholo? Pero bakit ang tindi pa rin ng galit mo sa akin hanggang ngayon?? Lulu kung alam mo lang ginawa ko iyon para sayo. Nagpaka-selfless ako dahil sayo!"
Sambit niya habang tuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha niya.
Tss. Ang plastik. Kaplastikan level 99999999999.
Sahalip na kausapin pa siya ay muli ko siyang nilapitan upang sabunutan dahil iyon naman talaga ang napapala ng mga malandi at plastik na katulad niya subalit may pumigil na sa akin upang gawin iyon.
Pesteng mga katulong ito . Nakikisawsaw pa sa away namin ni Belle.
"Ano ba! Bitawan nyo ako! Wag kayong makialam dito!"
Sambit ko subalit hindi pa rin sila nakinig at nagtulong-tulong pa sila upang hawakan ako ng mahigpit.
Muli akong humarap kay Belle na kasalukuyang nagdadrama pa rin.
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...