Lulu-
"See you later Lulu.."
Sambit ni Tiffs nang marating na namin ang Mansion. Kung noong wala pang Belle na umeeksena lagi ,naeexcite pa akong umuwi subalit ngayon ibang usapan na. Wala na nga dito si Belle dahil sa pinalayas ko na siya pero naagaw niya naman si Mom and Dad sa akin dahil pati sila kinakampihan na rin siya. So now tell me any reasons para hindi ko ipagpatuloy ang mga plano ko.
Wala , dahil halos lahat na inagaw sa akin ng babaeng iyon kaya kailangan niya nang mawala sa mundo at sa buhay namin.Kumaway lang ako sa kaniya kahit na medyo nahihilo pa rin ako.
Naglakad na ako papasok sa Mansion subalit nang marating ko na ang terrace ay nagulat ako nang makita ang mga hinire ko na maids na nag-aalsa balutan.
Subalit mas nag-init ang ulo ko nang makita ang isang nakakainis na mukhang sumalubong sa akin.Si Belle.
Stupidness. Anong ginagawa niya dito?? At bakit nag-eempake ang mga maids ko?
"Nandito ka na pala , Lulu kanina ka pa namin hinihintay .."
Sambit niya nang makita ako.
Itinaas ko ang kilay ko at bigla na lamang nagdilim ang paningin ko kaya naman bago pa man siya makalapit sa akin ay inunahan ko na siya at pinagsasabunutan. Nakakainis at sobra akong naiirita sa kaniya. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh , ito na ang kinatatakutan kong mangyari. Ang bumalik siya dito sa Mansion at magkasama-sama kaming apat.
"Walang hiya ka ! Alam mo ang kapal talaga ng mukha mong magpakita pa s akin pagkatapos ng lahat at ngayon , nakaapak ka na naman dito sa Mansion ! Napakaplastik mo Belle and how dare you para palayasin ang mga maids ko ha!?? You have no rights dahil sampid ka lang dito at kahit na ano pang sabihin mo hindi ako makapapayag na pati ang atensyon nina Mom and Dad ay maagaw mo sa akin!!".
Halos sabunutan ko na siya doon na naging dahilan upang tuluyan na siyang maglupasay sa sahig.
Kasalanan niya naman lahat at tama lang sa kaniyang magdusa ng ganito."Lulu, ano bang sinasabi mo , hindi ko din ginustong tumira dito pinilit lang ako nila Lulu, maniwala ka naman sa akin dahil kung ako lang ang masusunod mas gugustuhin ko nang tumira na malayo sa yo para hindi ka na magalit pa sa akin!"
"So p-paano ako maniniwala sayo ha , paano ako maniniwala sayo na ayaw mo nang tumira dito kasama ako kung nandito ka pa rin nga ! Can you explain that to me ?? Alam mo kung gusto mong magkaayos na talaga tayo susundin mo lahat ng usapan natin pero hindi. Dahil isa kang malaking hangal , Belle. Isa kang tanga , sinungaling at pabibo! Inagaw mo na sa akin ang lahat , ang atensyon nilang lahat ! Si Cholo , si Tita Ester , sina Yaya Mandy , si Sam and now sina Mom and Dad naman?? Stupid! You're so stupid!!!!"
Sigaw ko sa kaniya habang patuloy siyang sinasabunutan. Hindi lingid sa akin ang ginagawang pag-awat ng mga maids ngunit sahalip na pansinin sila'y pinagpatuloy ko na lamang ang aking ginagawa.
Halos sumasakit na nga ang kamay ko sa kakasabunot sa buhok ng malandi at magaling na babaeng ito pero wala akong balak na tumigil dahil umabot na sa sukdulan ang pasensya ko.
At ngayon , ako'y punong-puno na."H-hindi totoo yan Lulu, mahal kita at hindi ko magagawang agawin lahat ng mayroon ka , lahat ng taong nagmamahal saiyo.."
"Sinungaling ka ! Sinungaling ka!! Kung talagang hindi mo magagawang agawin lahat bakit ikaw na lang lagi ang kinakampihan nila ??! Bakit ikaw na lang lagi ang bida ? Bakit ikaw na lang lagi!!!"
Sa muli kong pagsabunot sa kaniya ay kaagad kong naramdaman ang isang malamig na kamay sa aking braso at ubod lakas akong itinulak upang mapalayo kay Belle.
Pakiramdam ko'y mas lalo akong nahilo at halos mabiyak na din ang ulo ko sa sobrang sakit nito nang matumba ako sa sahig.
Nang tuluyan kong maiangat ang aking mukha ay napatigil ako nang makita ang galit na mukha nina Mom and Dad nang makita ako.
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...