Kabanata 10: The Evil Plan's success

66 2 0
                                    

Belle's POV

"Punta ka sa Gym mamaya 6 pm onwards , madali lang naman ang rehearse and audition after nun pwede na nating simulan ang papers mo or if you don't mind pwedeng ako na lang rin ang gumawa sa bahay dahil sa gabi na.."

Mga salitang patuloy na naririnig ko kahit na wala na siya sa tabi ko. Kagaya ng alok niya sa akin kanina, wala na rin lang akong nagawa kundi ang tanggapin iyon.

Kahit na hindi ko naman talaga passion ang singing dahil kailangang kailangan ko talaga ang tulong niya upang matapos agad itong requirements. Pero napakabait niya sa totoo lang. Talagang nag-insist pa siya na siya nalang ang gumawa sa bahay nila since mukhang gagabihin nga kami pero keri ko namang makipagpuyatan sa kaniya matapos lang ang mga requirements na dapat kong ma-submit.

Ngunit sa tuwing naiisip ko iyon ,naiisip ko si Lulu, tiyak na magagalit siya kapag nalaman niya ito. Pero hindi, dahil wala naman kaming ginagawang masama ni Cholo, it's just because of friendship at wala rin akong balak na agawin si Cholo sa kaniya. Dahil alam kong iyon ang mas ikagagalit niya sa akin at tiyak na ikasisira naming magkapatid.

It's been 4 pm at kararating ko lang galing sa maliit na karinderya sa labas. Doon na kasi ako kumain kaysa umuwi pa ako tsaka tinawagan ko narin sila Yaya na may importante akong aasikasuhin kaya medyo late akong makakauwi. Nagtaka rin nga sila kung bakit hindi daw ba ako pupunta sa party dahil sa nabanggit nilang nagpapaayos na  daw si Lulu .. ngunit sinabi ko nalang na may mas importante akong lakad.

Since wala pa naman sigurong tao sa loob ng Gym, Nagdecide ako na doon na muna sa library dumiretso para naman makapag-umpisa na ako . Nakakahiya naman kasi kung halos sa lahat ng requirements eh magpapatulong ako. Syempre kahit papaano may mga basics din at kayang kaya ko namang sagutan ng mag-isa.

Pagkapasok ko sa library ay nagulat ako nang makitang walang tao. Napangiti ako. Mabuti naman at walang gagambala sa akin at magagawa ko ang mga requirements ng maayos. Bale pumwesto ako sa pinakadulong bahagi ng library malayo sa mismong pinto.

Halos more on activity lang siya. May mga basics pero ang mahirap talaga para sa akin eh yung thesis about sa course . Mabuti nalang nga at nariyan si Cholo upang tulungan ako.. sana nga lang hindi malaman ni Lulu ang tungkol dito dahil alam kong mami-misinterpret niya talaga ang pangyayari..

Halos nasa kalagitnaan na ako ng pagsagot nang maaninag ko ang oras at nagulat ako nang 5:30 na pala. Hays isang oras at mahigit na pala akong busy at hindi ko na namalayan ang oras. Dali-dali ko nang niligpit ang mga papers at dumiretso na upang lumabas ngunit nagulat ako nang makitang madilim na at nakasara na ang pinto nito.

*Plaaaak*

Umalingawngaw sa buong library ang mga papel at librong nabitawan ko dahil sa pagkabigla ko.

Ow no. Hindi ito maaari. Don't tell me sinaraduhan na talaga ako dito dahil sa ang buong akala nila'y wala nang tao dito??

Agad akong lumapit sa pinto ngunit too bad , nasa labas ang lock.

Sinubukan ko namang sumilip sa bintana  ngunit nakagrills pala ang mga ito at mukhang mahihirapan akong lumabas.

"Tulong!!! Tulong!!! Tulungan nyo po ako!!! May tao po dito sa loob! Tulong!!!"

Halos kalampagin ko na ang pinto at ang bintana makahingi lamang ng tulong. Naku mukhang dito yata ako ngayon matutulog at hindi ko ito kakayanin! Lalo na't hindi ako sanay na makulong sa ganitong klaseng lugar.

Pinagpapawisan man ngunit ipinagpatuloy ko ang pagsigaw at paghingi ng tulong.

Hindi ko na nga namalayan ang oras.
Pasado alas-sais na rin pala ng gabi at malamang , hinihintay na niya ako sa Gym ngayon. Hinihintay na ako ni Cholo.

LuluBelle -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon