Kabanata 84: Better One

30 1 0
                                    

-Lulu-

"Where's Belle Yaya Mandy? "

Tugon ko nang mapansin kong wala yata si Belle sa kaniyang kwarto at maging sa kahit anong sulok ng Mansion.
Sa totoo lang, napilitan lang din akong hanapin siya dahil sa mga oras na ito, mas gusto kong mapalapit sa kaniya at icomfort siya lalo na't isang malaking palaisipan pa din sa kanila ang nangyari kay Jasha. You know , malinaw sa aking hindi ko kasalanan ang nangyari sa epal na babaeng iyon at ang dapat mang managot at sisihin sa nangyari? Siya mismo, si Jasha mismo dahil masyado siyang pabida at epal kaya tama lang talaga ang nangyari sa kaniya.

Masyado siyang pakealamera at dapat lang sa mga katulad niya ang turuan ng leksyon para hindi na umulit pa. At kung anoman ang tunay na nangyari nang umagang iyon sa lumang lab?
Kailangang manatiling isang lihim at mapalabas na isang aksidente.

Dahil walang dapat makaalam na ako ang nagtangkang pumatay sa kaniya.

Aba'y kung gayon , mas mabuti nang mamatay nang maaga ang babaeng iyon kaysa makapagsumbong pa siya at masabi niya ang buong katotohanan kay Belle. Kaso hindi , dahil maaaring mabuhay pa nga siya at patuloy pa rin yatang lumalaban. Tsk.
We'll see.

Dahil matalino ako. At lahat ay makakaya kong gawan ng paraan.

"Naku Lulu. Kanina pa siya umalis. Marami pa daw kasi siyang aasikasuhin dahil desidido na rin siyang pumasok muli sa klase niya. Pero wag kang mag-alala dahil siya ang nagluto ng almusal mo. "

Tsk. At sinasabi ko na nga bang kagaya ko, may mga binubuo din siyang plano at malamang isa ito sa mga way para hindi ko malaman kung saan siya pupunta at kung ano ang kaniyang gagawin , iyon ay ang iwan ako. Lintik talaga siya kahit kailan.

Sahalip na ipakitang nainis ako sa nalaman ko eh pinili ko pa ring ngumiti despite of the happenings. Syempre kailangan ko pa ring maging nice lalo na't habang sunod-sunod ang kamalasang dumarating sa buhay ni Belle , sunod-sunod-sunod din ang tagumpay na natatamasa ko. At patunay lamang ito na  nasa akin na ang bato. Sa akin na umaayon ang tadhana.

"Ganun po ba. Sayang naman may gusto po sana akong sabihin sa kaniya. Pero dibale nalang , sasabihin ko na lang po later. Eh sila Mom and Dad po ba nasaan?"

"Actually , sabay-sabay din silang umalis kanina. Hindi ka na nila hinintay pa dahil resume na daw ang seminars nila na dapat kahapon pa sana."

Sambit niya na nagpataas na lamang ng kilay ko.

"Hmm kung gayon, I need to go na din siguro dahil baka hindi na din ako ako makahabol sa klase ko. "

Muli kong wika saka na kinuha ang bag ko upang umalis na. Mahirap na. Baka kasi may tinatago pala si Belle at kung anoman iyon ay kailangan kong malaman. Aba'y hindi naman yata tamang tinatago niya na lamang lahat ng sikreto niya sa akin dahil una sa lahat, hindi niya kailangang masira ang mga plano ko. Lalo na ngayong palapit na palapit na ako sa pinakaaasam kong tagumpay.

"L-lulu hindi mo lang ba titikman ang mga niluto ni Belle para sayo?"

"Hindi na po ikaw nalang po kumain Ya , sige po mauna na po ako "

Pahabol kong tugon saka na nagmadaling tumakbo palabas ng Mansion.
Tsk. As if willing akong tikman kung ano man ang mga niluto niya baka malason pa ako. Tsaka talagang nag-abala pa siyang lutuan ako ah , eh kung hindi rin siya malaking tanga at uto-uto.

After few minutes ay nakarating na din ako sa campus . May balak pa sana akong hanapin si Belle subalit I'm lacking enough time dahil tiyak magsisimula na ang klase and I think ito na muna ang dapat kong unahin. Lalo na't isa ito sa mga priorities ko at gusto kong maging proud sila Mom and Dad sa akin at hindi lang basta sa letseng Belle na yun. 'Cause I'll make sure that I'll win at kaya ko siyang malamangan at iyon ay dahil mas magaling ako sa kaniya.

LuluBelle -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon