Kabanata 73: Brand New Queen

33 0 0
                                    

-Lulu-

"Ow. Welcome back Lulu!"

Bati agad ng bawat students na nakakasalubong ko suot ang gulat at plastik nilang ngiti. Kasalukuyan kasi akong naglalakad sa hallway habang nakangiti sa kanila. Malamang maging sila ay naninibago na din sa kilos ko. Well bahala silang manibago dahil hindi na ako Lulu na nakilala nila noon, I'm the Brand New Queen.

"Hi. Long time no see."

Bati ko sa kanila suot din ang isang napakalawak na ngiti.

"Bakit parang may nag-iba yata sayo I mean , are you sick?"

Natatawang sambit ng isang maputing babae. Sa totoo lang, kanina pa ako nagtitimpi sa kaniya at siguro kung hindi lang ako nagpapanggap dito, kanina ko pa siya nasapok. Pero hindi, dapat good girl ako ngayon dahil diba nga nagbago na ako.

"Ofcourse not. Paano mo naman nasabi"

This time. Halos magsilapitan na sila sa akin. At halos manlaki ang mga mata nila nang makita ako. I know naninibago sila at lubos na ikinatutuwa ko iyon, ang makita ang mga kakaiba nilang reaksyon.

"Kasi parang nagbago ka, parang may nag-iba yata."

Wika naman ng isang boy sa bandang likod. Naitaas ko na lamang ang kilay ko at muling ngumiti ng magiliw sa kanila.
Sobrang weird para sa akin na mag-act ng ganito pero wala akong choice. Kailangan kong magpanggap na anghel ako sa harap nila kahit na napakahirap para sa akin.

"Oo nga Queen. Nawala ka lang after the issue then ito,parang nagbago ka na."

Muli niyang sambit sa akin.

"You're right. Actually I realized something. I realized na hindi pala talaga tamang manlamang ng kapwa , maging selfish , maging mapansamantala at lahat ng iyon ay natutunan ko hindi lamang mula nang lumabas ang vid na umalis ako sa Mansion , kundi magmula nga nang palayasin at halos itakwil na ako nina Mom and Dad. At first , nagalit ako sa kanila at lalong lalo na kay Belle pero alam nyo ba ang sumunod na nangyari?? There , narealize ko na maling-mali pala ako. Na hindi pala dapat ako naging selfish sa kung ano ang mayroon ako dahil hindi naman pala ako likas na masama , nilamon lang ako ng aking poot at galit. Maging ng inggit sa sarili kong kapatid and I regret all of it. You know what? If I would going to bring back the past then I would correct all of that mistakes pero hindi , hindi ko na mababago lahat ng iyon and all I can do is change at bigyan ang sarili kong mabuhay ng walang galit sa puso. S-so if you are all there with me just to judge me because of what I am? Then go, beside hindi ko naman kayo papatulan at pinatawad na ako ng family ko especially my sister. And I don't care about my image here in school. Family relations and good deeds na ang priorities ko sa ngayon so I'm sorry, I badly need to go may klase pa ako. Hi again everyone. I'm glad to see you all!"

"What?? R-really???"

Halos malaglag ang mga panga nila dahil sa mga sinabi ko kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na lamang akong nagpatuloy sa paglalakad palayo sa kanila.
I don't care. I hella don't care kung hindi man sila maniwala sa mga sinasabi ko. Nasa kanila na iyon at hindi ko na sila pipilitin pa. Basta ako, alam ko na ang ginagawa ko. May plano ako kaya hindi ko iyon maaaring iurong na lang.

Pagdating  sa room ay halos pagtinginan ako ng mga classmates ko. Hmm , maybe dahil unti-unti na ring kumalat ang mga sari't saring reaksyon dahil sa pagbabago ko. Issue nga naman oh , walang pang isang segundo , alam na ng lahat.

Syempre , I'm Lulu Dela Cruz at big deal sa kanila ang bawat kilos ko.

Wala eh, ganun talaga pag sikat.
Ganun pag popular. Pero sa puntong ito, kailangan ko na munang talikuran lahat ng iyon para sa mga plano ko.
Kailangan kong ipakita sa kanilang lahat na wala nang halaga ang image ko dito sa school at oras na para pamilya at studies ko naman ang iprioritize ko.

LuluBelle -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon