"Dito nalang po ako Kuya.."
Wika ko saka na bumaba ng taxi. Oo nagtaxi ako dahil sa hindi ko kaagad naabutan si Lulu nang umalis siya mula sa event. At bago ko na muna isipin pa ang ginawa kong pag-walk out sa event kanina , kailangan ko na munang isipin si Lulu, alam kong nasaktan siya sa nangyari at ngayon, sigurado akong nanggagalaiti na siya sa galit.
Pagkabukas ko ng gate ay nakangiting sumalubong sa akin si Yaya Mandy.
"Ay naku salamat naman at nandito ka nang bata ka. Saan ka ba galing at ngayon ka lang?"
Saad ni Yaya nang salubungin ako ng yakap. Napangiti ako and at the same time parang nahiya at nakonsensya na rin dahil alam kong nag-alala talaga sila.
"Mahabang kwento po tita , pasensya na po talaga kayo kung hindi ako nakatawag agad , nalowbat po kasi ako eh."
Sambit ko habang kasalukuyang naglalakad patungo sa loob ng kabahayan. Pagkapasok namin sa loob ay kaagad na nagsilapitan ang iba pang katulong at niyakap ako.
Nakakatuwa namang makitang halos lahat sila ay concern sa akin pero nakakahiya din dahil sa pinag-alala ko pa talaga sila.
"Salamat naman at dumating ka na Ma'am . Talagang nag-alala kami saiyo . Alam mo bang muntik na nga naming ireport sa pulis ang nangyari mabuti na lamang at nakauwi ka na.."
"Salamat po talaga sa concern at pasensya na rin po sa abala. Mahabang kwento rin po kasi kung bakit hindi ako kaagad nakauwi tsaka sa friend's house po ako natulog kagabi - Sorry po talaga. Sana po hindi makarating kay Tita ang nangyari.."
Dahil talagang mag-aalala iyon. Mabuti na lang nga at wala siya dito dahil nag-attend siya ng seminar in other town and maybe next week pa yata siya makakauwi.
"Naku nagugutom ka ba? Halika at may inihain na kaming pagkain para sa inyo.."
"Ahh salamat po , pasensya na po talaga wag po kayong mag-alala at hindi na po talaga mauulit pero si Lulu po pala , nasa kwarto niya na ba?"
Tanong ko kay Yaya Mandy. Ngumiti lang siya habang hawak ang kamay ko patungong kusina.
"Oo-- kararating lang ng batang iyon---"
Hindi na natapos pa ni Yaya ang sinasabi niya nang biglang may pumutol nito.
"Ako ba ang hinahanap mo magaling kong kapatid?"
Napalingon ako at nakita ko siyang naglalakad papalapit sa akin.
"Oh why are you here ? Hindi ba't kumakanta ka pa sa stage with my -- with Cholo rather. "
Saad niya habang nakangiting nakatingin sa akin. Napayuko ako. Alam kong mali , Alam kong may mali sa ginawa ko dahil nasaktan ko siya.
"Lulu sorry. Sa katunayan kaya ako umalis doon ay dahil sa hindi ko kayang makita kang nasasaktan - ayokong mag-away ulit tayo. At lalong ayokong umabot sa punto na hindi na tayo magkaayos pang magkapatid."
Natawa siya dahil sa sinabi ko.
"Talaga ba? Tsk ang plastik mo naman Belle. Alam mo kung talagang ayaw mong mag-away tayo at kung talagang gusto mong magkaayos tayo , tutupad ka sa usapan! Malinaw ang naging pag-uusap natin hindi ba? Lalayo ka na kay Cholo. Lalayuan mo na siya ! Pero hindi eh , sahalip na gawin mo yun mistula kang parang linta na dikit ng dikit sa kaniya! And wow nagulat na lang ako nang malamang kasama ka na pala sa Music Club at ginagamit mo pa ang requirements and projects mo para landiin at makalapit sa kaniya!! Nagpakampi ka pa nga sa kaniya at ang kapal pa ng mukha mong mag-imbento ng istoryang ako ang may pakana kung bakit ka nakulong sa library! Ano sa tingin mo ? Maaayos lang ng isang "sorry" mong plastik ang lahat? Sorry to say Belle pero kahit ano pang gawin mo hindi na tayo magkakaayos pa. And I'll never recognize you as my sister! Yuck!! Kaya better stay AWAY with him kung ayaw mong masubsob yang pagmumukha mo sa putikan! Dahil sinasabi ko sayo mas malala pa ang aabutin mo!"
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...