-Lulu-
Now Playing: Terrified
You by the light
Is the greatest find
In the world full of wrong
You're the thing that's right
Finally made it
Through the lonely
To the other side ~
Napapaluha na lamang ako sa tuwing pinakikinggan ang nakarecord niyang voice sa playlist ko. Ang bilis ng mga pangyayari. Napakabilis to the point na ito , sa isang iglap nawala na ang pinakamamahal kong kapatid na ni minsan , hindi ko man lang nakasundo upang iparamdam na ganoon siya ka-special sa akin, sa amin.
Minsan naiisip ko na lang rin , what if nagawa niya akong iligtas dahil sa kagustuhan niyang magbago na ako. Still fresh pa kasi sa aking mga ala-ala ang naging huli naming pag-uusap. Ang pagmamakaawa niyang magbago na ako na hindi ko man lang pinakinggan.
Muli ko na lamang pinahid ang aking mga luha sa mata kahit na halos kagabi pa ako iyak ng iyak. Hindi nga din ako nakatulog 'til now na nasa funeral kami.
Nakakabigla kasi ang mga pangyayari at ngayon , wala na ang isang taong kukumpleto pala sa buhay ko.Isn't it ironic? Dahil kailangan niya pang mamatay just to makes me realize everything.
"Lulu.."
Napatigil ako nang may biglang magsalita. At nang lumingon ako'y isang malawak na ngiti na nagpagaan sa aking kalooban ang idinulot ng dumating.
Si Sam.
Agad ko siyang sinalubong ng ngiti na sinabayan ng pag-iyak. Inaamin kong pagod na akong umiyak. Ngunit wala yatang balak tumigil ang aking mga mata.
"Napakabilis ng mga pangyayari ano? Parang kahapon lang nang makausap at makasama pa natin si Belle tapos ganito malalaman ko na lang na wala na pala siya. Kaya Lulu , magpakatatag ka. Alam kong mahirap para sayo na tanggapin ang pagkawala ng kapatid mo lalo na't hindi ka naging mabuting kapatid eversince ng nabubuhay pa siya but trust me, naniniwala ako na kung nasaan man siya ngayon, tiyak na masaya at natutuwa siyang makita kang nagbago na . Kaya don't feel bad at yourself."
Pinipilit ko namang magpakatatag pero mukhang hindi ko yata kaya.
Conscience is eating me."I know. I know na kailangan kong magpakatatag. Hindi lang para kay Belle kundi para kay Mom and Dad at sa buong family pero hindi sa ganitong paraan. Hindi sa ganitong paraan lamang dapat magtapos ang lahat. Ang mga karanasang kasama ko pa siya dahil hindi dapat sa ganitong paraan siya mamatay. Hindi sa paraang halos ibuwis niya ang buhay niya para sa akin. "
Dahil sa sinabi ko'y mas lalong bumuhos ang mga luhang kanina pa nais na kumawala.
Kung may magagawa lamang ako upang muli maibalik ang kaniyang buhay even my life , then I'm willing and ready to die. Ngunit huli na ang lahat. At hindi pa ako magbabago kung hindi pa sa kaniya nangyari lahat ng ito.
Ako dapat ang sisihin. Dahil in the first place , ako dapat ang namatay.
"Nagi-guilty ka na naman. Lulu wag mo nang isipin iyon dahil nagawa lang naman iyon ni Belle para sa sarili mong kapakanan. Dahil mahal ka niya at iyon ang dapat mong maintindihan. Hindi ba't muli pa lamang nang dumating siya sa buhay mo, she always prove it to you. Ginawa niya pa nga ang lahat para lang mapasaya ka. And she even sacrifices herself , even ang feelings niya noon kay Cholo dahil ayaw niyang masaktan ka. Pero despite of all her efforts , nagmistula kang bulag na hindi iyon nakita . Kaya nga , tiyak kung naririto iyon? Mas magiging proud iyon sa yo dahil nalabanan mo ang matinding galit at poot na patuloy na naninirahan sa puso mo. Instead na isiping wala na siya at hinding hindi na babalik pa , what if itatak mo na lang sa puso't isip mo na lagi lang siyang nariyan para sayo , everywhere. At tiyak kung nasa heaven na iyon ngayon at angel na siya. May mabuti rin naman kasing plan si God at maaaring si Belle ang ginamit niyang instrumento upang marealize mo ang lahat ng iyong pagkakamali. That's second chance. Kaya huwag mo nang sisihin ang sarili mo thus lalong mas paningasin ang iyong pananampalataya
at magtiwala sa magagawa ni God. He has a better plan for you."
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...