Kabanata 58: Bagong Plano

65 2 0
                                    

Lulu-

Lumabas ako ng campus na halos nakatakip ang buo kong pagmumukha. Isinuot ko kasi ang aking mask at inilugay ko rin ang buhok ko para kahit paano ay hindi nila ako makilala.
Mahirap na. Tsaka I leave no choice kaya kailangan ko itong gawin kahit na ayoko. Baka kasi pagkaguluhan pa ako ng mga toxic people sa paligid and good thing, walang nakakilala sa akin hanggang sa makalabas na ako sa gate.

Lumingon-lingon ako sa paligid dahil baka sakaling makita ko si Tiffs. Hindi ko kasi siya nahagilap at nakita man lang sa loob ng campus kaya nagbakasakali pa rin ako na makikita ko siya dito.

"Tiffs.. magpakita ka na sa akin kailangan kita ngayon. Kailangan ko ng tulong mo kaya magpakita ka na sa akin."

Sambit ko habang patuloy na lumingon-lingon nang mapangiti ako sa babaeng nakita kong nakatayo malapit sa kinaroroonan ko. At di nga ako nagkakamali sa nakikita ko dahil.. si Tiffs nga ito.

Nagmadali akong naglakad papalapit sa kaniya and luckily, bago pa man ako makalapit sa kaniya ay kaagad na siyang napalingon at napatingin sa akin. Muli akong lumingon sa paligid at mabuti naman at walang masyadong tao kaya naman kaagad kong inalis ang mask ay inayos ang buhok ko upang makilala niya ako.

Napangiti naman siya nang makita ako.

"Omg Lulu. Mabuti naman at nakita na kita akala ko hindi ka pumasok!"

Sambit niya nang makita ako.
Agad kasi niya akong hinagkan ng mahigpit nang tuluyan na akong makalapit sa kaniya.

"Pwede ba yun , ofcourse papasok ako."

"But I've heard what happened to you at trending ka na ngayon. Halos lahat ng students pinagkakaguluhan ka. Lulu is that true? Na hindi ka na nakatira sa Mansion??"

Napatingin ako sa kaniya at agad na hinawakan ang kamay niya.

"I'll explain to you pero hindi dito. "

Sambit ko sa kaniya. Nakita ko naman siyang tumango at kaagad na hinila ang kamay ko papasok sa car niya.

"Sure , let's eat para makapag-usap tayo about certain things and your plans because I have good news to you!"

Naitaas ko naman ang kilay ko nang makasakay na ako sa kotse niya.
Sa wakas at kahit papaano'y naging panatag na ang loob ko at sa wakas rin ay ma-uumpisahan ko nang gawin ang aking planong pabagsakin hindi lamang si Belle kundi ang lahat ng taong humahadlang at patuloy na umeepal sa lahat ng gusto ko. At ang pagkikita naming ito ni Tiffs ang patunay na nagsisimula na ngang umayon sa akin ang tadhana. Sana nga magtuloy-tuloy na.

"So , now explain to me what happened."

Napatingin ako sa kaniya.

"It's true. Pinalayas ako nina Mom and Dad sa Mansion and it's all because of that damn Belle. Siya lang naman talaga ang may kasalanan nito at kung hindi niya nauto sina Mom and Dad at kung hindi niya siniraan sa mga ito sana hindi nila ako itinakwil na parang hindi nila ako tunay na anak. And it's so embarrassing malaman ng lahat ng students especially of all my supporters ang nangyari and this time , Tiffs kinamumuhian na nila ako."

Nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay. Akala ko noong una , kakamuhian niya rin ako pagkatapos ng lahat ng nalaman at nabalitaan niya but I guess I'm wrong dahil kahit pala kamuhian na ako ng lahat ng tao , still may isa pa rin akong natitirang kakampi at siya yun. And I know 'til the end hinding hindi niya ako iiwan.

"S-so , saan ka tumutuloy ngayon? Do you have any money na dala nang umalis ka?"

Napayuko ako at muling nanggigil sa galit dahil muli ko na namang naalala kung paano ako pinalayas at itinakwil ng sarili kong pamilya. Nakakainis lang dahil kung parang hindi nila ako pamilya kung ituring nang mga oras na iyon. Kung sabagay , simula nga naman nang dumating ang babaeng iyon sa buhay namin, lagi na lang siya ang kinakampihan ng lahat at siya lang ang magaling. And any one bad move , laging ako na naman ang lumalabas na masama.

LuluBelle -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon