"Belle congrats pasado ka pala sa Audition !"
Sambit ni Zeny na sumalubong sa akin pagkapasok na pagkapasok ko sa room. I just smile at her saka na umupo sa aking kinauupuan . Wala pa si Cholo , si Lulu naman ay hindi ko alam kung papasok ba. Tulog pa kasi siya nang umalis ako sa bahay.
"Oh, anong mukha yan? Tsaka bakit bigla ka nalang umalis kagabi??"
Bigla niyang tanong nang bigla siyang umupo sa tabi ko.
"Ah wala yun .. may emergency lang kasi kaya hindi ako nakapagpaalam ng maayos.."
Sambit ko sa kaniya. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano haharap kay Cholo. Kung dapat ko ba siyang kausapin dahil sa palagay ko, nabigla din siya sa nangyari. Baka nga nagtampo rin siya dahil sa pag-walk out ko.
"Naku , umalis nga rin yun ng event kagabi , mukhang hinanap ka yata. "
Muli akong napatingin sa kaniya.
"Seryoso? Hinanap niya ako? "
"Oo, pero ano ba kasing dahilan?"
Napayuko ako. Nakakaguilty. May kung anong bagay kasi na bumubulong sa akin na hayaan ko na si Cholo at kailangan ko na talaga siyang iwasan pero bakit ganon? May nagsasabi ding hindi ko yun maaaring gawin dahil sa baka masira ang pagkakaibigan namin ni Cholo -
Ano bang gagawin ko??
Pero Belle hindi. Hindi ka dapat maguluhan dahil sa nakapagdesisyon ka na at buo na ito.
Lalayuan mo si Cholo at hahayaan mo nalang siya sa dapat niyang isipin.
"Mali kasi yun eh , I mean hindi dapat ako nag-audition kagabi. Hindi dapat nangyari yun. "
Tinigan niya naman ako nang may pagtataka.
"Ha? Teka bakit naman? Ang ganda nga ng performance nyo kagabi at sobrang kinilig ang buong campus. Tsaka Belle, tanggap ka pa sa audition and official member ka na ng Music Club!!"
"So, Welcome to the Music Club Belle.."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang may biglang magsalita.
Hindi na lang rin ako lumingon dahil alam kong siya iyon.
"Ay nanjan ka na pala Cholo. "
Ani Zeny na umalis at lumipat ng upuan.
No choice ako kaya naman nagdecide nalang ako na lumingon sa kaniya.
"Pero bakit bigla mo nalang akong iniwan sa stage kagabi? May problema ba?"
Bigla niyang tanong na nagpatigil sa mundo ko.
"May emergency lang kasi eh , tsaka kailangan ko na talagang umalis that time.. Pasensya na talaga ahh. "
Nabigla naman ako nang hawakan niya ang kamay ko kaya napatitig ako sa kaniya.
"Afterclass tapusin na natin thesis mo then rehearse na tayo for the upcoming event ng Music Club.."
Aniya na nakangiti sa akin.
Napabitaw ako sa kaniya. Kailangan ko na nga talagang umiwas dahil kung hindi ko ito gagawin, lalo lang magiging komplikado ang sitwasyon. Lalo lang akong mapapalapit sa kaniya at .. lalo lang magagalit sa akin si Lulu.
"W-what's wrong?"
"Cholo pasensya na talaga kung bigla akong umalis habang nagpeperform kagabi . Kung hindi mo sana mamasamain , magku-quit na sana ako sa Music Club. Pasensya na ah sa tingin ko kasi mas kailangan kong mag focus ngayon sa school works. But I'm still thankful sa tulong mo sa akin na magawa ang thesis , and if are going to insist na tulungan pa ako , okay na ako kaya ko na rin namang tapusin iyon eh , salamat nalang Cholo. "
BINABASA MO ANG
LuluBelle -COMPLETED-
RomancePaano kung ang sarili mong kadugo , kapatid sa laman at karibal sa yaman ay maging karibal mo din sa pag-ibig? Ano kaya ang mas matimbang? Dugo nga ba o ang Poot? Paano kung ang mismong poot ang mag-udyok sa isang taong kamuhian kahit pa ang sarili...