Setting You Free

714 17 0
                                        

JHO'S POV

" Ah eh si Ate Bea to" Sagot nya.

Si Bea, si Bea, Si Bea. Mga salitang paulit ulit na umiikot sa utak ko.

" Teka iloudspeaker ko nalang" Sabi ni Deanna.

" Kasama mo ba si Jems ngayon?" Tanong nya sa phone.

" Opo Ate Bei. We are here at the mall today" Sabi naman ni Deanna.

" Hellooo Jemssss!" Bati nya kay Jema.

" Hi Beiii! Kamusta kayo dyan sa Sydney?" Tanong ni Jema.

" Its good. Super nageenjoy kami dito ni Mads" Yah! Kasama nya girlfriend nya.

" Maghi ka naman kay Ate Bei, Ate Jho-" I cut her off. At sinenyasan ko na sya ng shhhh.

" Teka,, Andyan si Jho? Kasama nyo sya?" Tanong ni Bea.

" Ah eh oo Bea. Kasama ako nila Deanna ngayon" Ako na yung sumagot baka may masabi pa tong si Deanna.

" Oh nice. How are you? Okay ka lang ba dyan?" Di ako okay Bei. Miss na kita yun yon.

" Oo, okay lang ako dito. Eh kayo dyan ni Maddie?" Siguro super saya niyo dyan.

" As I was saying kanina, nageenjoy nga kami dito pero mas maganda sana kung kasama ka este kayo nila Deanna" Nag ubo ubuhan naman sila Deanna kaya kinunutan ko naman sila ng kilay.

" Ah dito nalang sa Pinas. Maganda din naman dito diba Deanns?" Pinanlakihan ko naman si Deanna ng mata.

" Oo nga Ate Bei! Uwi na kasi kayo dito ni Ate Maddie" Ibinigay ko na rin ang phone sa kanya at sila nalang ang nagusap.

" Bakit ayaw mo pa kanina kausapin si Bea? Di mo ba sya namiss?" Bulong ni Jema.

" Wala lang. Eh kay Deanna naman kasi tumawag buti kung sa akin. At syempre miss ko na yun noh" Miss na miss na.

" Talaga? Baka naman di lang miss yan?" Sabay taas baba nya ng kilay.

" Hoy kung ano ano ang pinagsasabi mo dyan. Friends lang kami nun ni Bea noh, tsaka ayaw ko naman na sirain kung ano man ang meron sa kanila ni Maddie para lang sa ikakasaya ko noh" Sagot ko.

" Hahaha. Nahuhuli nga talaga tayo sa mga sarili nating dila. Wala naman akong sinabi na sirain mo ang relasyon nila Maddie at Bea noh. I'm just asking. Ikaw lang naman ang nagsasabi ng kung ano ano" At ngumisi pa sya.

" So may feelings ka na nga talaga don kay Bea? Don't worry, walang lalabas sa mga bibig ko kung ano man ang nalaman ko ngayon. Trust me :)" Wala na akong nagawa kaya umamin na rin ako sa kanya ng iba pang nararamdaman ko.

" Eh ano na ang balak mo ngayon? Paano ka na? Panigurado lalo kang masasaktan tuwing nakikita mo yung dalawa na lagi magkasama" Sabi nya.

" Matagal pa naman. Enough time naman na siguro yun para mawala tong feelings ko kay Bea" Sana nga mawawala na to.

" Tagal naman ni Deanna. Oh ayan na rin pala order natin" Sabi ni Jema.

Maya maya pa ay sa wakas dumating na rin si Deanna. San pa kaya galing itong batang to.

" San ka galing?" Bungad sa kanya ni Jema.

" I went to the comfort room eh. And our call ni Ate Bea last longer pa eh kaya mas natagalan pa ako" At umupo na rin sya sa tabi ni Jema.

Love For You BothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon