Argues & Commitments

744 15 1
                                    

JHO'S POV

Omygod! Akala ko di na ako makakababa dun sa cliff na yun buti nalang andun si Bea na pinalakas ang loob ko.

At ngayon ay nakabalik na kami sa first island dito dahil biglaang dumating daw si Maddie.

" Sorry Guys kung wala kaming nadalang pasalubong sa inyo ha. Masyadong busy kasi kami ni Zoe lately eh" Sabi ni Maddie pero walang sumagot sa kanya.

Bakit ang tahimik naman nila? May hindi ba ako alam?

Napabaling naman si Maddie sa akin kaya dahilan ng pagpansin nya sa akin.

" Jhooo! Hiii nice to see you again" Bati nya habang lumalapit sa akin.

" H-hello din Mads. Ahm b-buti nakahabol kayo ni?" Sabi ko kaya napatingin naman sa akin sila Deanna.

" Ay oo nga pala, hindi mo pa pala kilala si Zoe. Ah Jho, this is Zoe my boyfriend" Ay kilala ko na yan. Ex yan ni Mads eh pero bakit sila ulit?

" Hi I'm Zoe. Nice to meet you" Nagabot naman sya ng kamay kaya tinanggap ko naman ito.

" Kilala pala kita. Diba Deanns? Siya ba yung ikinukwento nyo sa akin?" Nanlaki naman ang mata ni Deanna. Bakit may masama ba akong nasabi?

" Ha? Ano yun?" Nagtatakang tanong ni Maddie.

" Ah wala yun Ate Mads nagbibiro lang to si Ate Jho hehe" Hinila naman ako kaagad ni Deanna palayo.

" Ate Jhoooo.. why??? Muntik mo na kami ipahamak" Bulong nya.

" Bakit? Wala naman akong nasabi mali ah? I guess. Ano nga ba?" Napakamot na man siya ng ulo.

" Yang lalaki na yan, ilang beses na nyang sinaktan si Ate Maddie kaya halos lahat kami galit na dyan kaya no one speaks to him now pero si Ate Mads naman ay hindi na nadadala kaya ayan they are together again" Harsh! Buti nalang at di ako nanay ni Maddie kung hindi nakurot ko na yan sa singit.

" Grabe?! Ganun nya ba talaga kamahal yang si Zoe?" Singhal ko.

" Obvious ba? Baka di ko na matiis tong lalaki na to and anytime masapak ko na yan" Singit ni Bea na masama ang tingin kay Zoe.

" Wag Bei" Pagpupumigil ko sabay hawak sa kamay nya dahilan naman ng paglingon nya.

" Why? Mali ba na protektahan ko yung kaibigan natin?" Saad nya.

" Wala, walang masama dun at alam ko din naman na lahat tayo gusto na hindi dyan kay Zoe mapunta si Maddie" Napalingon naman ulit sya kila Maddie.

" Pero ayaw ko na ulit masaktan yang si Maddie. I promise to her na I'll never let her crying again, and I don't want to break that promise" Sabi nya.

Bigla namang napansin ni Maddie na nag kumpulan na kami sa gilid kaya nagsalita na sya.

" Guys? Care to share? Hmm??" Tanong nya.

Wala sa isa sa amin ang makapagsalita hanggang sa dumating yung accomodator ng hotel.

" Ahmm excuse me all of you. I just want all of you to be informed that dinner is done so would you like to proceed to our diner?" Thank god! Kaya kaagad nalang kami lahat dumiretso sa diner.

Nagkasabay naman kami ni Maddie sa pagkuha ng pagkain kaya nagkaroon na din sya na kausapin ako.

" How was your stay here? Marami na ba kayong napuntahan? If yes I wish me and Zoe can go there also" Bungad nya.

Love For You BothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon