JHO'S POV
" Jho bumangon ka na dyan at ayusin mo na ang mga damit mo" Gising sa akin ni Mama Lovel.
" Bat po? May lakad po ba tayo ngayon?" Bumangon na rin ako at naghilamos.
" Babalik na tayo ng Lipa. May kailangan akong asikasuhin dun ngayon eh" Sa mga salitang iyon, doon ako nalungkot.
Bakit ngayon pa? Kung kailan masaya na ang buhay ko dito? Oo alam ko na balang araw darating ang moment na ito pero ayoko naman sa ganitong paraan noh.
" Pero Ma, pwede ba akong maiwan dito?" Pakiusap ko.
" Hindi pwede kasi kailangan ka din sa bahay Jho" At inabot nya na rin ang bag ko.
" Sige po Ma. Mag aayos na ako ng gamit" Kaya nagimpake na ako at wala nang nagawa.
Maya maya pa ay nag aya na si Mama na pumunta na sa labas. Di ko na nagawa na magpaalam kay Bea kasi sobrang nagmamadali kasi si Mama tsaka di bale dahil matatawag ko naman sya sa social media eh.
" Tara na mga anak. Andito na ang sundo natin" Sumakay naman na kaming lahat at umalis na ang service.
After 3 hours of travel
" Jho iakyat mo na ang mga gamit natin sa mga kwarto. Dahil magpapalit lang ako ng damit tapos aalis na rin" Kaagad ko naman kinuha ang mga sandamakmak na bags namin.
" Ja tulungan mo nga ako dito magbuhat. Kalaki laki kasi ng mga braso, bat di mo kaya gamitin eh noh?" Sinamaan nya na man ako ng tingin.
" Oh bakit? Totoo naman ah? Alangan na sabihin ko na maliit eh halatang malaki naman tsk" Dagdag ko kaya wala na syang nagawa kung hindi magbuhat haha.
" Ganda ng bitbit mong bag ate ah. Kitang kita ka dyan WAHAHAHA" Sabay takbo nya sa loob ng kwarto.
" Oy grabe ka Jaja! Di naman to puti eh" Depensa ko.
" Atleast light pa din! Hahaha!" Lakas ng tawa nya dun ah.
For readers information, di naman po kami nagpapatayan nyan ni Jaja hahaha. Sadyang bully lang talaga kaming dalawa. Pero kahit binubully ko sya, lab na lab ko yun kasi sya lang ang nagiisa kong kapatid noh. Kaya no choice hahaha joke.
Habang ipinapasok ko yung mga damit namin sa closet, biglang nagring yung phone ko.
- on the phone -
" Jho?" Bungad ng caller. Kilala ko yung boses, buti naman napatawag sya.
" B-bea? Ikaw ba 'to?" Malay nyo iba pala tapos kaboses lang ni Bea. Tsaka bakit ka naman tatawagan nun? Di ka naman ganun kaimportante sa kanya ah.
" Oo. Why did you leave me?" Si Bea na nga kasi talaga. Yan patay nagtatanong na sya.
" Ahh ehhh si Mama kasi may biglaang kailangang ayusin dito, sorry kung di ako nakapagpaalam sa iyo" Alangan namang magsinungaling ako diba?
" Di ka rin naman tumawag kanina. And I am sure na kanina pa kayo nakarating" Wait bakit ba sya ganyan? Tao lang naman ako na nakilala nya lang sa beach. Di nya ako "bestfriend".
" Sorry akala ko kasi busy ka eh baka maistorbo pa kita" Yan nalang palusot mo Jhoana? Haha. Kasi ang totoo naman ay nahihiya ka lang talaga sa kanya.
" You'll never be a disturber to me. Tsaka gusto nga sana kitang tawagan kagabi but I realize na nasa byahe ka pa kaya ngayon nalang ako tumawag" Wao... Di mo nga kasi ako bestfriend.