Putting Back Together

793 11 3
                                    

JHO'S POV

From: Bea Deleon

Can wait to see you tonight, Jhoana : )

Isang text mula sa kanya ang dahilan kung bakit napabangon nalang ako sa kama.

" Ano na? Tutunganga ka lang ba dyan?" Tanong ko sa sarili habang nakaharap sa salamin.

" Hindi ko alam ang gagawin eh. Paano kung magtatanong ulit sya kung pwede na maging kami ulit? HAYS" Sabay sampal ko sa pisnge ko.

" Eh bakit naman hindi?" Napalingon na man ako sa tabi ko.

" Pero paano kung hindi ko mapantayan yung mga una nyang minahal? Sapat na ba ako para sa isang katulad nya?" Ang daming mga tanong na namumuo sa isip ko ngayon.

" Mahal mo naman anak, diba?" Sabay side hug sa akin ni Mama.

" Higit pa sa inakala ko po Mama" Sagot ko sabay tap nya sa ulo ko.

" Tayaan mo na yan. Paano kung hindi ka na ule makahanap ng katulad ni Bea? Tingnan mo kami ng papa mo, hindi namin marerealize na mahal pala talaga namin ang isa't isa simula nung pinatawad ko sya at binigyan ng second chance" Alam kong mula sa puso nyang sinabi yun.

" Pero hindi ba kayo napapagod umiyak? Nung time na nangbababae pa si papa?" Napaluha naman sya ng konti.

" Alam mo naman ako anak. Iiyak lang pero hindi susuko" Sabay punas nya ng mga luha.

" Sige na puntahan mo na yun. Malay mo sa panahong yun, dun kayo magkakaayos ng mga nararamdaman. Tsaka anak, alam kong ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkaganito kayo diba? Akala mo siguro di ko alam kasi hindi mo sinabi. Eh baka nakakalimutan mo na may Jaja kang kapatid? HAHAHA" Napasapo nalang ako ng mukha. Jaja talagaaaa!

" Eh ano pa nga ba? Si Jaja talaga kahit kailan napakachismosa" Natawa nalang kami parehas.

" Oh ano? Bihis na. Tsaka siguraduhin mo na maganda yung isusuot mo ha?" Sabay tawa pa ni Mama bago umalis.

To: Bea Deleon

7 pm. Sige pupunta ako, see you!

11:00 palang naman kaya masyado pang maaga para magbihis na ako.

Bumababa muna ako para kumain, maligo at gumawa pa ng kung ano ano lang.

" Okay na kayo 'to?" Tanong ko sa sarili habang hawak hawak ang blue dress na balak ko suotin mamaya.

" Teka sukatin ko nga baka mamaya super fit na sa akin to at magmukhang suman ako" Sabay harap ko sa salamin.

" Okay na yan ah. Pero teka, ang ganda pala ng korte ng katawan ko. Wowww" Dahil nga sa walang pumupuri ng ibang tao sakin, edi ako nalang ang magpupuri sa sarili ko.

Time check. 4 pm na ng hapon. Wala na akong ibang ginawa kung hindi bantayan lang ang paggalaw ng oras.

Paano ba naman kasi, mas lalo akong kinakabahan sa tuwing lumalakad na yung oras.

Naligo na ako at nagayos na din. Nga pala ako nalang ang magisa dito sa bahay.

Si Mama kasi pumunta na sa trabaho nya then si Jaja may lakad daw kaya ganun.

And by the way kung iniisip nyo na paano yung make up ko? Hmm wag kayong OA dahil nanuod ako kanina sa youtube HAHA

At ilang oras pa ang nakalipas. 6:30 na ng hapon. Iniintay ko nalang si Bea na sunduin ako. Sabi nya kasi gusto nya daw na sya mismo magsundo eh.

Love For You BothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon