Chicken Curry

785 14 0
                                    

JAJA'S POV

Wahaha!!! Sa wakas nagka pov din ako dito. Puro nalang kasi si Ate Jho eh. Ay malamang story nya to,, hay nakooo.

" Nak,sasama ka ba kila Ate mo mamaya?" Katok ni Mama sa kwarto ko.

" Opo Ma. Sasama rin po kayo diba?" Nag aayos na rin kasi ako ng gamit ko.

" Malaman lang Ja baka kasi ngayon dito pumunta yung suki ko ng suman eh" And yes isang magaling na taga gawa ng mga suman ang aking mader.

" Hay nako Ma,, sumama na kayo sa amin. Minsan ka na nga lang makakapagrelax eh" Nasa pinto na rin pala sila Ate Jho.

" Jho's right tita. Its not bad naman po if minsan you take a rest minsan" Dagdag pa ni Ate Bea. Ano kayo ni Ate, mag asawa? Hmm,,

" Kakabakasyon lang din naman natin anak eh. Kailangan ko talaga hintayin yung suki ko eh" Mahirap talaga yan si Mama papayagin eh.

" Sige po. Pero baka naman magbago pa ang isip nyo Ma?" Pangungulit ko.

" Sa sunod nalang ako sasama, kayo na lang muna nila Ate Bea at Ate Jho mo ngayon ha?" Tumango nalang ako kasi wala na rin naman ako magagawa eh.

" Uuwi nalang po kami ng maaga mamaya Tita promise" Singit naman ni Ate Bea.

" Alis na po kami Ma ha? Mag iingat kayo dito" Sabay halik namin ni Ate kay Mama.

" Bea ikaw na bahala sa mga anak ko ha? Wag mong papabayaan yang mga yan" Tumango nalang din si Ate Bea kaya umalis na rin kami.

Andito na kami sa labas ng bahay ni Ate Bea. Bumalik kasi si Ate sa taas kasi may nakalimutan daw. Alam nyo naman yun, matanda na rin kasi kaya nagiging super makakalimutin na rin HAHAHAHA.

" Oy ja, masungit ba talaga sayo yung Ate Jho mo?" Bungad nya.

" Bakit mo po natanong? Hmm,, kayo ha" Sabay ngisi ko naman at kasabay din nyan ang pagkamot nya ng batok.

" Mabait si Ate. Wag kang mag alala, Ate Bei di ka nyan papatayin hahaha" At nagtawanan nalang kaming dalawa at nakabalik na rin pala si Ate Jho.

" Sarap ng tawa nyo ah? Share nyo naman dyan" Nagkatinginan naman kami ni Ate Bea.

" Wala yun Jho, nagbibiruan lang kami ni Jaja HAHAHA" Tumawa nalang din ako baka sakaling mauto nanaman 'to.

" Sabi ba naman ni Ate Bea na ang ganda ko daw talaga" Tinaasan naman ako ng kilay ni Ate Jho.

" Ah ganun? Nagbibiruan nga lang kayo HAHAHA. And by the way, its a nice joke galing sayo" Inirapan ko nalang sya at sumunod na kay Ate Bea sa kotse.

Tinanong kami ni Ate Bea kung saan daw masarap ang mga pagkain dito sa Lipa kasi gutom na rin daw sya kaya sabi namin ni Ate na kumain nalang daw muna kami sa isang sikat na gotohan dito sa Lipa.

" Ano dito nalang tayo? Masarap ang mga luto nila dito especially yung goto nila" Kaya pumasok na rin kami at kumuha ng lamesa.

" So ano order mo Ate Bei?" Mukhang di kasi pamilyar sa kanya ang mga pagkain na nasa menu.

" Akin ano lang, isang order ng goto lipa. Eh ikaw Ja?" Isang goto lipa nalang din ang inorder ko kasi masarap talaga yun dito eh.

" I don't know if I would like the food eh. Baka masayang lang kapag di ko makain" Halatang super yaman talaga nitong si Ate Bea.

" Wag ka mag alala. Trust me, masarap ang mga pagkain dito. So ano, ganun na lang din ang order mo sa amin ni Jaja?" Tumango nalang si Ate Bei kaya nag order na kami.

Love For You BothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon