JHO'S POV
" Ahm Miss? Did you see Maya?" Kaagad naman akong napalingon.
" Uy Zoe ikaw pala yan. Wait sino ba yung Maya na yun?" Tanong ko.
" Ah eh Maddie pala I mean. Nevermind that hehe" Sabay kamot nya sa batok.
Hmmm... Maya? Siguro isa lang nanaman yun sa mga babae nya.
" Nasa room nya ata e. Dun ko ata sya nakita kanina pumasok" Tumango na lang sya at umalis na rin.
Di na rin ako nagtagal at nagayos na ako ng iba pang mga decorations dito.
And nga pala guys, nauna nga pala ako dito sa venue bago sila Tito and Tita kasi nagpaplano pa daw sila sa bahay nila.
Kinukuntsaba pa daw nila yung mga yaya nila dun para makalusot din kay Bea.
Maya maya pa ay tumawag na sila Maki at Cel kaya agad ko din itong sinagot.
" We are near na. Maybe 2km nalang" Sakto din naman dahil tapos na din naman ang lahat na ayusin dito.
" Sakto tapos na kami. Musta si Bea? May nahalata na ba?" Aligaga kong tanong.
" HAHAHAHA paanong makakahalata? Eh heto nga sya super nagaalala sa parents nya na nakidnap daw" Sabi nito sa linya habang nagpipigil ng tawa.
" Bakit? Hahaha. Ano bang ginawa nilang palusot dyan?" Malamang si Tito may pakana neto HAHAHA.
" Basta mamaya ko nalang ikwento. Baka makita ako ni Bea, she's just in the back seat lang kasi. Sige bye na!" Sabay end nya na rin ng call.
Bago pa ang lahat lahat ay nagtungo na rin muna ako sa banyo baka hulas na ang make up ko sis HAHAHA.
Nagretouch din ako ng konti kasi medyo pinagpawisan ang lola nyo. Nakakahiya naman ang mukha ko pag di ako nagayos.
" Tita malapit na daw po sila Bea dito. Asan na po ba si Kuya Loel?" Wala pa kasi dito yun, tapos kanina pa kami natawag pero di naman sumasagot.
" He's on his way na daw. Nalate lang daw ng dismissal yung boss nya kaya ayun, he travelled late" Tumango nalang ako at nagtago na. Dumating na rin kasi sila Bea
Ayos naman na din ang lahat kaya hindi ko na rin natiis na hindi tumingin sa labas baka sakaling dumating na sila Bea.
Pero wala pa ngang lima na hakbang ang nagawa ko mula sa gate ay nasilayan ko na agad sila Bea na palapit.
Hindi na ako nagdalawang isip pa na agad ng tumakbo at paayusin na ang iba.
" Andyan na po sila Bea. Umayos na tayo" Paalala ko kaya lahat na rin sila ay agad nang naghanda.
Lumipas ang 2 minuto, bumungad na sa harap namin ang maaliwalas na mukha ng babaeng pinakamamahal ko.
Isa, dalawa, tatlo. Tinaggal na nila ang tabing sa mukha ng napaka espesyal na tao.
" SURPRISE BEA!!! " kasabay naman ng mga paglabas ng mga luha nya.
Lalapitan ko na sana sya ng bigla na lang may sumabog malapit sa lugar kung nasan kami.
Lingat kami ng lingat kung nasan iyon nanggaling pero wala pa din kaming makita.
" Sorry HAHAHA" Sabay tawa ni Jaja ng malakas.