JHO'S POV
Di ko maiwasang maluha sa mga sinabi ni Jaja. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko ngayon.
Kung saya ba dahil makikita ko na uli sya? O galit at puot dahil iniwan nya kaming pamilya nya?
" Jho? Anak, alam ko na nasaktan nya tayong lahat pero hindi naman siguro masamang magpatawad diba?" Sabay yakap nito sa akin.
" Paano kayo Ma? Kayo ang naiipit dito. Iniwan nya tayo ng walang paalam, kala nating lahat ay kung ano na ang lagay nya o kung namatay na ba sya? Tapos ngayon ganun nalang kadali para sa kanya na bumalik? Paano yung mga hirap at sakit na dinanas nyo nung nawala sya? Ang kapal lang talaga. Sorry Ma ha? Pero hindi ko pa ata kayang sikmuraing makita ko yung tao na yun dito or should I say si Papa" Seryosong sabi ko.
Nginitian lang ako nito kaya dahilan naman ng pagkunot ng noo ko.
" Matagal ko na syang napatawad anak. Ginawa nya lang iyon para sa ikabubuti ng pamilya natin. Tsaka yung mga hirap ko noon? Sulit naman yun dahil tingnan mo oh napalaki ko kayong dalawa ni Jaja na parehas na maganda at responsable. Kaya sana naman anak mapatawad mo na Papa mo, kahit yun nalang ang hiling ko sayo ngayon" Mga ilang segundo pa na ako ay nanahimik bago ulit nagsalita.
" Alam mo Ma? Sa dinami dami ng pwede mong ihiling sa akin ay iyon pa talaga. Sorry Ma dahil hiniling mo pa yung bagay na alam mo naman na hindi ko kayang ibigay" Sabay walkout ko nalang at lumapit kay Bea.
Agad naman itong nag tanong kung ano daw ang aming pinagusapan.
" Labas mo lang yan. Andito lang ako, heto o panyo?" Sabay abot nya sakin ng malinis na panyo.
Ramdam ko ang pananahimik dahilan na rin siguro ng awa nya sa akin.
Maya maya pa ay muli nanaman syang nagsalita. Inangat nya ang ulo ko mula sa balikat nya at iniharap nya ang mukha ko sa mukha nya.
" Gusto mo labas nalang tayo? Para no problems muna?" Napatango nalang din ako para makapagpahangin nalang din muna ako.
Agad nya namang kinuha ang susi ng kotse nya at inabot nya ang bag ko sa akin.
Aakmang lalabas na sana sya ng pinto pero hinawakan ko ang mga kamay nya dahilan ng paglingon nya sa akin.
" Okay ka lang? Nahihilo ka ba?" Alalang tanong nito sa akin.
Huminga ako ng napakalalim para sabihin na sa kanya ang totoo.
" Babalik na si Papa. Babalik na yung unang lalaki na nanasakit sa akin, yung unang lalaking sumira ng puso ko" Hindi ko na talaga mapigil at bumagsak na ang mga luhang kanina pa gustong bumuhos.
Halatang di nya na alam ang kanyang iaakto habang nakikita nya akong puno ng sakit.
" Letche! Bakit ba kasi kelangan pa namin maranasan tong gantong sitwasyon???? Lord bakit???" Sabi ko habang patuloy pa rin ang pagagos ng mga luha ko.
" Lord gave us these problems to make us more strong and independent. First, look at the bright side, your family will be a one big happy family again" Maranahan nitong sabi sabay hagod nya sa likod ko.
" Hindi mo alam mga pinagsasabi mo Bea, naranasan mo ba bang iwanan ha? Sorry pero kung makapagsalita ka naman dyan parang may naexperience ka ng ganto" Sagot ko ng walang pag aalinlangan.
Hindi ko alam kung paano ko nasabi ang mga iyon pero nanatili nalang akong tahimik.
" My favorite cousin left me. My friend left me and lastly, my ex girlfriend left me. So yun ba ang sinasabi mo na hindi ko man lang naranasang maiwan?" Sabi nito ng deretsong nakatingin sa mga mata ko.