JHO'S POV
" Baks!!! Tara naaa!" Sigaw ni Hannah mula sa loob ng sasakyan niya kaya napangisi nalang ako.
" HAHA oo heto na!!" Sagot ko naman habang patakbo sa sasakyan niya.
Nag aya kasi si Joseph na mag lunch daw sa labas, birthday niya kasi kaya ganon. Sa bagay minsan lang naman siya manglibre kaya duh hindi na kami tumanggi ni Hannah noh.
" Ay wait. San nga ba tayo?" Nagtataka kong tanong kay Hannah na nasa drive seat.
" Eh? Diba ikaw ang kausap niya kanina? Bakit ako ang tinatanong mo?" Masungit na sagot naman nito.
" Aish. Akala ko nakikinig ka din, eh hindi ko din narinig mga sinabi niya kanina eh" Sagot ko kaya naman pinanlakihan niya ako ng mga mata.
" Ewan ko sayo baks ah. Tawagan mo na nga lang baka mamaya tayo nalang iniintay dun eh nakakahiya naman" Utos nito kaya agad ko namang sinunod baka lalo pang mabeast mode sa akin 'to haha.
" Oo, sorry baks. Sige sige, otw na kami" Sagot ko ng nasabi na ni Joseph kung asan sila.
Madali namang nagdrive si Hannah papunta sa resto na sinabi ni Joseph, nakakahiya na daw kasi kung magpapalate pa kami ng sobra.
" Una ka na baks, tawagan ko lang si Bea" Sabi ko at tumango naman siya.
" Hello love? Oh kamusta?" Bungad ko.
" I'm fine love, ikaw? Ahm btw, we're on our way na pala pabalik sa Manila" Sabi nito sa malambing na boses, ahh miss ko na talaga boses niyaaaa.
" Talagaaa? Eh sa Batangas ka ba uuwi?" Sana sa Batangas para macelebrate naman namin yung success niya.
" Ahm I don't know yet pa eh pero I'll text you later nalang once we arrived at the office" Sagot naman niya.
" Ow okay. Sige sige, ingat kayo ni Deanna.
Labyu bye bye" Paalam ko na.
" Love you too. Byeee" Sagot niya sabay patay na ng tawag.
" Jhoanaa!!" Napalingon naman ako banda sa harap nung may tumawag sa pangalan ko.
" Oo na heto na" Si Hannah lang pala.
Humanda lang talaga sa akin 'tong babae na to mamaya, papalaklak ko sa kanya yung isang pakete ng biogesic, grabe yung init ng ulo hayss.
Tamang kwentuhan lang naman kami habang kumakain, buti nga at madali lang namin napakisamahan yung mga kaibigan ni Joseph eh kaya medyo mahaba haba na rin ang mga napag usapan namin.
" Lumamig na ulo mo baks?" Tanong ko dito kay Hannah na bumalik na naman ang pagka walang hiya at pagkakapal ng mukha niya.
" Ha? Hatdog haha" Asar nito sa akin sabay hagalpak ng tawa.
" Lasing ka nanamang gaga ka. Iiwan kita ulit dito sige ka" Sabay taas ko pa ng kilay.
" Baka ikaw ang nakainom. Ano ka ba? Eh wala naman tayo iniinom ah? Wala ngang alak oh" Katwiran nito.
" I mean yung kalokohan mo. Di mo nanaman macontrol, nakakahiya" Saway ko dito.
" Tsk, okay fine. Sorry naman" Pagsusungit nito kaya nginitian ko nalang.
Di naman kami nagpagabi kasi kelangan na rin daw umuwi ng mga kaibigan ni Joseph. Ayaw ko rin namang maabutan ng gabi sa daan baka ano pa mangyari sa amin.
