ALYSSA'S POV
I'm glad to have a POV here haha lol.
" Besh san punta mo today? Bakit naka bihis tayo ngayon ha?" Bungad sa akin ni Ella na nakaupo sa sofa.
" Sa batangas, kila Jhoana lang. Bakit sama ka?" Nanlaki naman ang mga nito at nagmadaling tumayo.
" BATANGAS? oo naman! jusme ka besh, bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na may balak ka palang dumayo don" Sagot nya naman habang nagmamadaling mag ayos ng sarili.
" Eh malay ko bang miss mo na rin sila Jho at Bea" Pagkakatwiran ko naman.
" Ha? Eh iilang araw pa lang naman ang lumipas nung last kong nakita yong dalawang iyon eh. Diba sinabi ko naman sayo?" Umiling naman ako dito.
" Wala kang sinabi oy pero baka nga meron nakalimutan ko lang. Eh bakit gusto mo pa sumama sakin sa Batangas?" Nakacrossed arms kong tanong sa kanya.
" Jusko naman besh! Ang bagal na talaga magfunction nyang brain mo paano kasi subsob ka nalang lagi sa mga sidelines mo. But anyways, madaming masasarap na delecacies at pasalubong sa Batangas kaya di ko na sasayangin ang chance para makapunta doon noh!" Napasapo nalang ako sa mukha dahil nanaman sa katakawan nya.
So ayon muntik pa kami maabutan ng traffic, jusko paano ba naman kasi 'tong si De Jesus sandamakmak ba namang pagkain ang binaon baka daw kasi magutom sya sa byahe.
" Ikaw talaga inuuna mo pa yang tyan mo ha. Parang ikaw naman yung pagod sa pagdadrive, eh sarap nga lang ng tulog at lamon mo sa gilid eh" Inirapan na lang ako nito at lumabas na ng sasakyan, naiihi daw kasi hays.
Inilabas ko naman ang phone ko at itinext si Jaja kasi sya naman talaga ang kakuntsaba ko sa pagbisita kila Jho at Bea.
To: Jaja M.
Jaaaa!! Gas station lang kami, see u!
By the way, I have 2 caps inside my bag and I'm planning to gave it to Jho and Bea. Special ang mga caps na yun sakin kasi katas din yun ng volleyball career ko and I believe special person should be the rightful owners of some sort of pretty special things.
Nakabalik na rin si Ella kaya umalis na rin kami agad. Saktong lunch ng nakarating kami sa bahay nila kaya alam nyo na kung ano nanamang say ni Ms. De Jesus sa sitwasyon.
" GUTOM NAKOOO!! urghh!!" Asar na sigaw nya kaya agad ko namang tinakpan ang bibig nya.
" Talagaaa? Ikaw pa talaga ang gutom sa lagay natin ha" Inirapan nya lang ako.
" Beshh ano ka ba. We are here na rin naman kaya makakakain na tayo, kalma ka please baka masira pa plano ko dahil sayo eh" Saway ko dito pero inirapan nya lang ulit ako at pumunta na sa may gate.
Sakto naman dahil nasa labas na si Jaja kaya agad naman kaming lumapit dito.
" Ate Lyyy!! buti safe at maayos byahe nyo?" Masayang bungad nya sa amin.
" Oo nga eh pero slight pagod lang sa pagdadrive pero keri lang" Sagot ko na man dito.
" Hello Ate Ella kamusta po?" Simpleng tango at ngiti lang ang sinagot sa kanya ni Ella.
" Di talaga sya ganyan. Gutom na kasi HAHAHAHA" Bulong ko kasi baka lalong maginit ang tambucho ni Ella.
" Ay mga ate sige po pasok na kayo. Nasa room pa sila Ate Jho at Bea tawagin ko lang para makakain na tayo?" Sabi nito kaya agad ko naman syang pinigilan.
" Ja pwede bang ako na tumawag sa kanila? I mean kamimg dalawa pala?" Tanong ko at agad naman syang tumango
Kaya dahan dahan naman kaming nag tungo sa room nila pero bago pa kami makalapit ay may biglang sumigaw.