I'll Have Her

748 15 0
                                    

JHO'S POV

" Huy!" Gulat sa akin ni Jema.

" Jusmeyo ka Jema! Gusto mo ba akong patayin?" Natawa naman sya.

Alam nyo naman diba na magugulatin ako? kahit tapik lang ng biglaan sa akin ay nagugulat pa ako.

" HAHAHA sorna" Sabay akbay nya pa sa akin na nakatingin sa mga niluluto ko.

" May kailangan ka ba?" Tanong ko.

" Wala naman. Gusto ko lang makichika, nakwento kasi sa akin ni Deanna kanina na nakapagusap na daw pala kayo ni Bebe mo este ni Bea hahaha" Kaya kinurot ko naman sya sa tagiliran.

" Awchhhh!!!! Grabe ka sa akin!" Reklamo nya kaya napangisi naman ako.

" Hmp! Ikaw kasi napaka ano mo talaga Jems. Maikli lang yung usapan namin kanina, tsaka wala din yun" Sabi ko.

" Huh? Bakit maikli lang? Akala ko ba na namiss mo sya? Eh parang hindi naman Jho eh" Sabi nya habang nakahawak pa rin sa tagiliran nya.

" Mukhang di nya naman ako namiss eh,, mahirap na baka magkamalisya pa kami" Sagot ko.

" Tsaka Jema ilang beses ko na rin sinabi sayo na kakalimutan ko na si Bea diba?" Napangisi naman sya.

" Bakit naman? Eh diba wala na sila ni Maddie? So that means may pagasa ka na rin na magustuhan ni Bea, just trust the process Jho" Sabay taas baba nya ng kilay

" Hala ka! Baka maging rebound girl pa ako noh, eh kakahiwalay nga lang nila ni Maddie eh baka di pa yan nakakamoved on si Bea" Singhal ko habang kinakalabit ako ni Jema sa likod.

" Hoy Jems! Nakikinig ka b-" Natigil ako sa pagsasalita dahil nasa likod na pala namin si Bea.

" What were you saying again about me? Uhmm Jho?" Di na ako nakapagsalita.

" Ah eh..... s-orry sa mg-a n-asa-bi ko tun-gkol say-o B-ei" Nakayuko nalang ako dahil sa super nakakahiya pramis.

" No worries. Its not a big deal naman" Sabi nya.

" Maiwan ko muna kayo ha? Mukhang may kelangan ata sa akin dun eh byeee" Kaya mabilis na umalis si Jema.

" May kukunin lang ako sa table" Sabi ko at naglakad na palayo.

" Ang tanga mo Jhoana! Pakipot ka lang eh. Andyan na nga si Bea tapos iniiwasan mo pa" Bulong ko sa sarili habang ako ay naglalakad.

Hinanap ko kaagad yung phone ko dito sa lamesa pero hindi ko na makita. Sigurado ako na dito ko lang iniwan yun.

" Looking for these?" Kaagad ko naman itong nilingon.

" Paano po napunta sa iyo yan Ate Ly? Eh tanda ko dito ko lang naman iniwan yan kanina eh" Tanong ko.

" Teka. Wag mong isipin na kinuha ko yan dyan ha? Pinabigay lang sa akin ni Jaja, sya ata ang kumuha nyan kanina dito" At ibinigay nya na rin sa akin yung phone.

" Hay si Jaja talaga, napakapakielamera" Natawa nalang kami ni Ate Ly.

" Sayang noh? Dahil di tayo nakakuha ng championship nung last playing year na natin" Umupo nalang din muna kami dito sa cattage namin.

" Atleast alam natin Ate Ly na nagawa natin yung best natin yung time na yun" Sabay tapik ko sa balikat nya.

" Galing galing nila Bea ihh HAHA. Hindi talaga sila nagpadala sa mga sigaw ng fans ng UST" Natawa naman ako.

Love For You BothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon