I Was Made to Love You

850 14 1
                                    

JHO'S POV

" Ate Jhoooo! Ate Beiiiii!" Sigaw mula sa labas ng kwarto namin kaya napabangon naman ako kaagad.

" Ate Bea! Ate Jho!" Sigaw nya ulit kaya napatakbo nalang ako sa pinto at agad kong binuksan.

" Jusmeyo kayo Ate Jho! Napudpod na ata yung daliri ko kakakatok" Reklamo ni Deanna.

" Ano ba kasi kelangan mo? Ang aga aga pa naman eh tsaka mamaya pa naman diba ang gala natin?" Tanong ko.

" Yun nga ang kailangan kong sabihin sa inyo ni Ate Bea. Hindi na daw after lunch ang trip natin kundi after breakfast na lang daw kaya pinapunta ako dito para gisingin kayo" Sabi nya habang nakacross arms.

" Ay ganun? Sige sige magaayos na kami, bumalik ka na dun" Tumango nalang sya at umalis na din.

Sinara ko na rin ang pinto at tsaka ko na lang naisip na wala na pala si Bea sa tabi ko kanina nung bumangon ako.

May bigla namang pumasok sa isip ko.
" Owshet! Shet! Takte! Myghad!" Sunod sunod na sigaw ko.

" Kami na nga pala ni Beatriz! OMYGOD!" Napaupo nalang ako sahig dahil sa hindi nga ako makapaniwala na naging kami ni Bea kagabi.

" Putang*na! Ang awkward! Hay nako! Teka bakit naman awkward? Eh mukha namang parehas naming ginusto yun kagabi na maging kami na actually sya pa nga yung unang umamin eh. Eh huwag na akong magisip ng mga kung ano ano. Basta ang alam ko ay kami na ni Beatriz simula ngayon." Para na akong buang na nagsasalita magisa.

Maya maya pa ay nahimasmasan na ako at naligo na din at nagbihis.

Habang nagsusuklay naman ako ng buhok ay may napansin akong papel sa may desk ko.

To: My sunshine♡

Morning jowa! Sorry kung nauna akong umalis ha? Forgive me please. Maaga kasi akong ginising nila Ate Den eh. But I had cooked something for you, it is in the table in the kitchen. I hope u like it : )

See you later na sa lobby. I'll be there waiting for you. I love you💙

Your truly yours,
Beatriz.


Di naman mawala wala ang ngiti sa mga labi ko. At hindi ko rin maitanggi na may nararamdaman din akong kilig mga bes.

Si Ate Den, Ella, Deanna at si B-bea lang ang nasa lobby. Mukhang late nanaman nagising yung iba.

" Morning sunshine" Bungad nya sabay akbay sa akin. Nagulat naman ako kasi baka mahalata kami nila Ate Den. Eh hindi pa namin kasi nasasabi na kami na.

" What's with that look, princess?" Lalo ko naman syang pinanlakihan ng mata kasi lalo kaming mahahalata.

" HAHAHA don't worry Baby Jho, hindi naman kami magagalit sayo. Bea already told us na kanina na you are together na" Napahinga naman ako ng malalim.

" Ah eh sabi ko nga po" Sabay kamot ko sa batok kaya natawa naman si Bea.

" So kelan nyo balak sabihin yan sa iba? Syempre hindi nyo dapat itago yan and especially kila Tita Lovel at Tita Det and Tito Loel" Sabi ni Ate Ells.

Sa palagay ko walang namang problema kay Mama kung sasabihin ko na kami na ni Bea kasi naging malapit na rin naman sya kay Mama eh.

" I called my parents na kanina paggising ko at sabi nila na looking forward ulit na makita ka as my girlfriend" Sabay pisil nya sa pisngi ko.

Love For You BothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon