Tune Up With The Best

742 11 5
                                    

JHO'S POV

" Pa? Sure ka ba na dito muna tayo? Eh nakita ko kanina sa reception ang mahal ng mga gastusin dito eh" Pagkuha ko ng atensyon kay Papa na busy kakaikot ng room namin.

Andito nga pala kami sa isang mamahaling hotel, ewan ko ba dito kay Papa kung bat ito pa ang napili.

Eh sabi ko naman pwede naman kaming magbyahe pauwi eh kahit ako pa ang magdrive pero ayaw nya talaga.

Sabi nya minsan lang naman daw nya ako madala sa mga gantong lugar kaya daw pagbigyan ko na sya.

Sabagay pangarap ko naman talaga yung ganito. Yung gigising ka na nakahiga sa isang magandang kama tapos super aliwalas pa ng view.

" Hay nako anak, matulog ka na dahil alam kong pagod ka na din. Naitext ko na din pala ang Mama mo na di na muna tayo makaauwi dahil gabi na" Sabay higa nito sa kama nya.

" Oh? Ano sabi nya?" Paguusisa ko dito.

" As usual nagtampo nung una dahil bat hindi daw natin sya isinama. Pero dahil malambing ang Papa mo eh ayon nawala naman ang tampo nya sabi ko kasi bawi na lang ako paguwi ko hehe" Natawa na man ako.

Nginitian ko lang sya dahilan naman ng pagkunot ng noo nito parang binibigyan nya ako ng isang ginagawamuelook?

" Hoy Jhoana anak?! Wag mo nga akong tingnan ng ganyan at alam mo namang matatakutin ako eh" Di ko pa rin sya tinigilan at lalo ko pa syang tiningnan ng nakakaloko.

" Isa! Pag di ka tumigil dyan, iiwan kita dito magisa sige ka!!" Akmang aalis na sana sya pero agad ko syang hinabol at niyakap sa bewang.

" Joke lang yun Papa HAHAHAHA. Namiss ko lang na takutin kayo ehhh" Agad naman akong nakatikim ng isang kurot sa singit. Aguy kasakit eh!!

" Ikaw talagang bata ka! Alam mo namang hindi matapang ang Papa mo sa mga ganyan eh" Humagalpak naman sya ng tawa ng makita nyang akong aray ng aray sa kinurot nya.

Minsan talaga naiisip ko di ko to tatay eh masaya kapag nakikita nya kaming nasasaktan dahil sa mga kurot nya.

Pero naging bonding na rin naman yun eh weird man isipin pero naging matibay ang balat ko dahil lang sa mga kurot ni Papa.

Buti nga sakin kurot lang tapos kay Papa naman tamang takot lang namin ni Jaja sa kanya.

Eh kay Jaja naman sampung dukol sa ulo ang natatanggap nya sa amin ni Papa ng straight.

Wala eh nakasanayan na namin kaya di na namin kayang baguhin hanggang sa lumipas ang panahon.

" goodnight anakkk" di na ako sumagot at binigyan nalang sya ng isang sweet na smile.

Maya maya ay dinalaw na rin ako ng antok dahil sa pagod na rin suguro at wala kaming ginawa ni Papa kanina kundi maglakad.

.......

Isang napakabangong amoy ang gumising sa akin. Tila may nagluluto sa kusina kaya agad naman akong bumangon.

Duhhh!! Basta pagkain di ako pahuhuli dyan noh.

" Goodmorning Papa" Bati ko dito sabay halik sa pisngi nya.

" Ang bango naman ng niluluto mo. Tsaka parang ang aga mo naman para magluto na agad ng umagahan natin Pa?" Chineck ko kasi ang oras kanina nung pagbangon ko ay 6:00 palang ng umaga.

" Eh maaga din tayo babyahe pauwi nak eh baka kasi maabutan pa tayo ng traffic Tsaka maligo ka na rin pala ako kasi tapos na" Tumango naman ako tapos agad ng dumiretso sa banyo.

Love For You BothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon