JHO'S POV
" Hoy Ate!! Gumising ka na nga dyan, yung phone mo kanina pa tunog ng tunog nakaka irita na ha" Asar na gising sa akin ng magaling kong kapatid.
" Sino ba ito ha??" Sabi ko nalang sabay kuha ng phone ko na nasa study table.
" Hello baks?!! Buti naman at sumagot ka na, kaloka ka baklaaa" Napatakip naman ako ng tenga kasi pano ba naman kakagising mo lang tapos sisigawan ka sa phone.
" Letche kang kumag ka! kakagising ko lang, ano ba ha at napatawag ka. Sinira mo yung beauty sleep ko hmp" Singhal ko dito kaya naman napahalakhak nalang ang gaga.
" Sleep lang baks walang beauty char HAHAHAHA. Sige na, breakfast ka na nga muna" Sagot naman nito.
" Aba hinde! Istorbohin mo ba naman ako sa pagtulog ko, di nako papayag na guluhin mo nanaman ako mamaya kaya please lang chika mo na yan" Gigil ko na sabi dito.
" Ah eh sige hihi. Remind lang kita sa party naten later ha? Ay wait, may susuotin ka ba?" Hm by the way, yan yung party dapat na pupuntahan dapat namin ni Hannah nung friday kaso di natuloy kasi nagkaproblem daw yung friend nya.
" Tsk. Marami ako dyan na mga pang ligo" Mataray kong sagot. Naantok pa rin kasi ako eh tsaka medyo wala ako sa mood.
" Ay mukhang hindi mo pa nakita text ko. Hindi lang pool party yun baks kasi may pa grand party si mayor kaya ayun. Maraming aattend kaya kelangan bongga tayo dun dai. After party na lang yung sa pool" Paliwanag naman nya.
" Ha? bakit? Lakas naman nung kaibigan mo na yun ha. Celebrity lang talaga ang peg?" Sabay ngisi ko nalang pero syempre hindi nya naman nakita yun.
" So ano tara sa mall mamaya? Kelangan ko rin kasi magshopping eh" Aya nito.
" Okay fine. Pero tipid ako ngayon ha kaya pili lang muna ang bibilhin ko. Taghirap na ata ngayon dai kaya ganun haysss" Hindi naman sa kulang ang sweldo namin pero sadyang kinukulang din naman tayo minsan.
" Ay sooo tru baks. Okay so ako nalang susundo sayo? alam ko namang tamad ka ngayon magdrive eh hihi" Hays buti naman at naisipan nya. Magaling din kasi makiramdam.
" Buti naman alam mo, eh sinira mo ba naman ang mood ko. Hay nako" Tumawa nalang ito at ibinaba na ang tawag.
Bumangon na rin ako para makapagalmusal na, tanghali na rin pala kaya grabe na yung kulog sa tyan ko haha.
" Morning ebribadii!!" Sigaw ko pagkalabas ng kwarto.
" Hoy ingay mo nanaman dyan. Aga aga eh" Saway sa akin ni Jollibee este ni Jaja.
" Pake mo ba ha? San ba si Mama?" Tanong ko dito pero tinarayan lang ako.
" Sungit naman neto. Kala mo naman sexy HAHAHAHA" Asar ko dito. Hahampasin nya sana ako kaso tumakbo na ako kaagad papunta sa kwarto ni Mama.
Naabutan ko si Mama na inaasikaso ang mga bagay na something to with her business.
" Ma tara kain na tayo" Aya ko dito sabay tabi sa kanya sa may kama.
" Sige lang nak, kelangan ko pa to ayusin eh" Sagot naman nito.
" Ahm kung pwede po ako nalang ang tumapos dyan para makakain ka na? Tutal wala naman akong pasok ngayon eh" Kukunin ko na sana sa kanya ang mga envelopes kaso hinawakan nya bigla ang kamay ko.