BEA'S POV
So now we are actually heading to the hospital where Tita Lovel was.
" Did Jho updated one of you na ba?" I asked cause I'm really worried na.
" I guess none Bei. Don't worry baka wala naman masamang nangyari dun kay Tita" Napatango nalang ako kay Jules.
Suddenly in the middle of my driving, one of our phones rang.
Maddie immediately answered it. " Hello? Omygosh Jhoana!" Bungad ni Maddie.
Nais ko mang makinig sa pinaguusapan nila pero hindi ko magawa dahil hawak ko ang manibela ng sasakyan.
Baka kung ano pa ang mangyari sa amin kung mas iintindihin ko ang tawag. Dahil sa bagay, magkikita din naman kami.
I will say sorry to her of course and I want also to explain to her my side. And I hope she'll understand everything.
" Ahmm Bei? They left the hospital na. Kanina pa daw sila nasa bahay nila" I gain a relieve there.
I sigh first." Then we will go now to their house instead. So I can finally speak to my girl" Thank God! Safe si Tita.
" No. She did not want to see you for now Bei, even talk to you" Kusa nalang bumagsak ang mga balikat ko.
Pero bago pa ang lahat kaagad ko nalang binigay ang manibela kay Deanna at agad na kinuha ang phone ni Maddie.
" Hello Jhoana! Si Bea na 'to-" Sadly but she ended the call right away.
Napasandal nalang ako at napatingin sa daan. Hindi ko alam kung bakit ganun na man ang gusto mangyari ni Jho.
" Okay lang yan, Bea" Sa tuwing naririnig ko ang mga salitang yan mas lalo akong nasasaktan.
Oo, okay nga ako pero paano nalang yung babaeng pinakamamahal ko na hindi ko man lang pinagbigyan ng pagkakataon na magpaliwanag.
" Let's all just go sa Dorm nalang. Alam kong pagod na din kayo" Sabi ni Maddie.
" No. Bring me to my house. I want to be alone guys" Tumango naman si Deanna at inihatid ako sa bahay namin.
At sa pagpasok ko ng pinto dun ko lang din narealize na wala nga pala sila Mom and Dad ngayon dito and same with Kuya.
Mga maids lang ang mga andito and no one else.
" Mam Bea kumain na po ba kayo? Gusto nyo po ba na magluto ako?" Tanong ni Ate Tin, isa sa mga maids namin.
" Hindi na po. I just want to take a nap nalang, I am so tired na din kasi kanina sa byahe" At dumiretso na ako sa room.
Ibinagsak ko nalang ang sarili ko sa kama at nagtaklob ng unan. Kusang tumulo na ang mga luhang kanina ko pa itinatago.
Walang humpay na mahinang iyak pero maihahantulad mo sa maragasang ulan ang mga iyak ko ngayon.
At hindi ko na rin pala namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagiyak.
Kinaumagahan. Isang tasa ng kape at isang plato na naglalaman ng kanin, itlog at bacons.
And with a note. I did not expect this from that person. Hindi pa kasi kami ganung nagkakaayos.
Bea : ) Sorry kung ginamit ko muna yung kitchen nyo ha? I cooked something for you kasi. Take it as a peace offering na din. A cup of coffee para pangpagana for starting a new day! Sorry na.